Prologue:"Pag narinig niyo na ang kanta doon kayo lalabas sa kahon. Naiintindihan?"
"Opo!" Sigaw namin.
Hindi ko mawari na dadating ang panahon na papasokin ko ang ganitong pamumuhay. Pero ano nga ba magagawa ko? Kaylangan ko ng pera at ito ang tanging paraan upang mag ka pera ako.
"Yaines pag hinawakan ka pabayaan mo lang. Tandaan mo dapat maging masaya ang customer natin at balita ko kay auntie Shirley ay big time daw customers natin kaya umayos ka."
"Oo aayusin ko. Wala ka dapat ipag alala Tricia at hindi kita ipapahiya."
"Basta lapit ka lang sa akin. Pasensya na at itong trabaho lang ang kaya kong offer sayo."
"Okay lang talaga at maraming salamat talaga."
"Walang anuman. Tama na nga ang pag emote pumikit kana upang matapos ko na ang pag aayos ko sayo."
Pumikit na nga ako at tinuloy na ni Tricia ang pag mamake up sa akin. Nang matapos na ay agad ako pumunta sa salamin upang tignan ang sarili ko. Napalunok na lang ako dahil sa iksi ng suot ko, tumingin ako sa paligid at napangiti na lang ako dahil pare parehas lang naman pala kami.
Naka bunny custome kami. Ito daw kasi ang uso sa mga ganito.
"Ohsya! Bilisan niyo at pumunta na kayo sa sasakyan!" malakas na sabi ni auntie Shirley.
"Tara na Yaines mauna na tayo." Aya sa akin ni Tricia tumango naman ako at sumunod sa kanya.
Sumakay kami agad sa van at ganun din ang iba naming kasama. Inaamin ko na kinakabahan ako ngunit kaylangan ko kayanin. Kaylangan ko ng pera. Pag kadating namin sa venue ay agad kami pumasok sa loob ng kahon ang kahon ay halintulad sa gift box. Agad kami pumasok doon at ramdam ko ang pag tulak ng kahon papunta sa elevator. Nag katinginan lang kami lahat at nag singitian, naramdaman ko naman ang pag hawak ng kamay ni Tricia sa akin.
Sabi ni Auntie Shirley kanina bachelor party daw ito at big time daw talaga ng mga customer namin kaya kaylangan namin galingan.
Ang payo naman sa akin ni Tricia sumayaw lang daw ako ng sexy at pumunta sa customer lalo na sa lalaking nakaupo sa gitna dahil ayun daw ikakasal at dapat daw iyun ang masiyahan ng lubos.
Naramdaman ko ang pag tulak uli, hindi din ito nag tagal dahil huminto ito at nasisigurado ko na ito na yung venue dahil bigla kami nakarinig ng kanta at nawala rin ito.
"Of course the highlight of this night! Come here groom to be and take your sit!" Nag hiyawan naman ang mga tao napailing na lang ako.
"Enjoy our gift!"
At may nag play uli ng music at ayun ang cue namin para lumabas kaya itinaas namin ang takip at pag katapos ay itinulak namin ang bawat gilid habang sumasayaw. Pero hindi ko inaasahan na pag harap ko ay magugulat ako sa makikita ko.
Lahat sila ay nakatingin sa akin tila nag tataka. Umiwas lang ako ng tingin at sumayaw uli.
"Stop the music!"
Malakas na sigaw kaya napahinto kami. Ramdam ko ang pag tataka ng mga kasama ko at ramdam ko din ang panginginig ko. Bakit sa lahat ng pwede ko siya makita uli bakit sa ganitong pag kakataon pa?
Bumuntong hininga ako at unti-unti itinaas ang aking ulo at pag ka angat ko ay sumalubong sa akin ang mata niyang galit na galit.
Pero kahit na ganun a hindi ko maiwasan na ngumiti dahil pag kalipas ng maraming taon heto siya nasa harapan ko.
It was nice seeing you again Ezekiel...
~~~
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, ideas, and incidents are either the products of the author's colorful imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, copy, or transmit to any form of media unless of course you are permitted by the author itself. Plagiarism is a crime and I am clearly AGAINST it.
Illegal Girlfriend
Written by:CHarlyanneJER
CHarlyanneJER Stories
Pardon for the typos and wrong grammars. No proofreading sorry.
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...