Chapter 10

32 4 0
                                    

Yaines POV

Nakatulala lang ako, iniisip ang mga bagay na ginawa kong mali. Nag padala nanaman ako sa emosyon ko.

"Let's talk."

Yan ang text sa akin ni Zeke. Natatakot ako kasi pakiramdam ko pipiliin na niya yung babaeng karelasyon niya. Natatakot ako na hindi nanaman ako ang mapipili.

Kaylan ba ako mapipili?

My parents didn't choose me. Gusto kong sumama sa nanay ko pero ayaw niya. Ayaw din ng tatay ko. Kinalimutan na nga ata nila ako ng tuluyan. Sabagay masaya na sila sa mga pamilya nila ngayon. Masaya na sila kahit wala ako.

Pumayag ako na pumunta si Zeke dito sa condo ko. Para makapag usap kami. Hindi naman sarado ang isip ko. Alam ko naman na ang gusto ko. Alam na alam ko ang dapat gawin.

Habang hinihintay si Zeke ay hindi maalis sa isip ko si Kiel. Hindi ko alam pero wala akong pinag sisihan sa nang yare sa amin, kahit na alam kong mali yun. Napaka lapitin ko nga naman sa mga Ezekiel.

Hindi din tumagal ay dumating na si Zeke. May dala siyang bulaklak at paper bags, suhol ata niya o pampalubag loob.

"I'm sorry." Masinsin na sabi niya. "I just need her for my business. You know how much I love you Yaines. I love you so much. Para din naman sa atin to eh. If the business bloom, you will benefit from it also. Please baby understand me." Nag susumamo niyang sabi sa akin.

"I don't know Zeke. I want to shout to the world that you are mine and I'm yours. I want to love you freely but how? How can I do that if the people around us know that you're in a relationship and that's not me? You know it Zeke. You know it."

"I want it also baby but she's my key."

"So ano ako? Reserba?"

"Of course not!"

"Eh ano ako? Ano ako sa buhay mo? Pampainit? Fuck naman Zeke hindi na ako bata! I'm not a minor anymore! Sabi mo pag di na ako minor pwede na! But you're gone for years! You promise me na pag balik mo pwede na but hindi pa rin, lahat na lang ng pangako mo... lahat lahat walang natupad. Para ka ding magulang ko."

"Don't say that. Your parents leave you for their own happiness but I'll never do that to you. I'm doing this for us. Please baby." Nakita ko sa mga mata niya kung paano ito nag susumamo para lang huwag ko siya iwan.

"Anong pang hahawakan ko?" I just need assurance. There are so many possibilities. What if he fall for her? What if at the end of this he will realize that she's better than me. I just need assurance na ako pipiliin niya.

"This." Sabay turo niya sa puso niya. Napaiyak na lang ako.

"Ang labo mo Zeke." I don't need that kind of assurance. Napaka labo. Napaka gulo. Hindi na lang sabihin na mahal niya ako, may pag turo turo pa siya sa puso niya, parang tanga.

Tumalikod na lang ako sa kanya para pumunta sa kama ko. Pero nagulat ako ng yakapin niya ako.

"You have my heart Yaines and this." Sabay pakita niya ng necklace sa akin. Lalo akong napaiyak dahil doon. Humiwalay siya sa yakap para maisuot ang kwintas sa akin at hinarap ako sa kanya. "You have me Yaines. I love you." And he kiss me.

Hindi nag tagal ang halik na ginawa namin. Ako ang bumitaw dahil naalala ko ang ginawa namin ni Kiel kagabi. Nakaramdam ako ng guilt pero hindi ko na lang pinakita ito.

"Get ready baby. Ella inviting us to BGC."

"For?"

"I don't know. Sunduin lang daw kita eh." Kibit balikat niya then dumiretsyo sa kama ko at pumikit. Napangiti na lang ako.

Agad akong pumunta sa cr para maligo. Nang matapos na ako maligo dumiretsyo ako sa cabinet ko. Nakita ko si Zeke na natutulog. Grabe pagod na pagod.

Kumuha lang ako ng black bralette na papatungan ko ng black mesh and mom jeans with boots. Pag kasuot ko ay dumiretsyo ako sa salamin para makapag ayos. Nag concealer lang ako tapos eyeliner, syempre kilay din. Kilay is life. Nag lipstick lang ako ng pula para bagay sa damit ko. Pag katapos kong mag ayos agad kong nilapitan si Zeke para gisingin.

"Zeke gising na." Sabi ko sabay yugyug sa kanya. Dumilat siya pero isang mata lang. kaya ngumiti ako at pinisil ang ilong niya. Tumawa lag siya at bumangon na.

"Beautiful." Napangiti lang ako at niyakap ko siya.

Pumunta kami agad sa parking lot dahil andoon sasakyan niya. Nag drive siya agad papunta sa BGC, hindi ko alam kung anong meron at mag papainom si Ella. Medyo matagal bago kami makapunta dahil sa traffic. Ano pa nga ba? Normal na yan. Pag karating namin sa Island ay nakita ko agad si Ella may mga kasama siya medyo marami marami sila. Binitawan na rin ni Zeke kamay ko syempre baka may makahalata.

"Honey!" Sigaw nung babaeng katabi ni Ella. She's pretty napaka classy tignan. Napalunok ako at napatingin kay Zeke. Bakas sa mata niya ang gulat. I guess she's the girl, ngumiti lang ako at dumiretsyo sa pwesto ni Ella.

Pumunta naman si Zeke doon sa babae at hinalikan sa pisngi ito. Napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit ganun? Bakit bagay sila?

"Ate! This is Yaines my Bestfriend and Yaines this is ate Avery girlfriend ni kuya." Nakangiting pakilala ni Ella gusto ko sana umirap pero ngumiti na lang din ako.

"Avery." Sabi niya at ngumiti.

"Yaines." Sagot ko sabay tingin kay Zeke. Umiwas lang siya ng tingin.

"Anong meron Ella?" Diretsyahan kong sabi.

"May hinihintay lang tayo. Papakilala ko sa inyo manliligaw ko." Napatingin ako sa kanya.

"Really? In this kind of place Ella?" Matiim na sabi ni Zeke napangisi na lang ako. Protective.

"Kuya naman! Don't be KJ noh! Buti nga kasama ka here eh."

"Whatever."

Dumating ang ilang minuto na panay landian nila Zeke at Avery, kilig na kilig naman si Ella sa kanila. Sa lumipas na sandali eh panay kwento ni Ella about sa guy na nanliligaw sa kanya.

Maya maya nakarinig ako ng familiar na ingay napalingon ako agad at napatayo.

"Kiel!?" Gulat na sabi ko. Ngumisi lang siya.

"Nice meeting you too." At kumindat siya sa akin. Napairap na lang ako at umupo ulit sa tabi ni Ella.

"Ella." Sabi ni Darren. Andoon pa rin yung ngiti niyang nakakaloko pati ang nakakalokong ngiti ng kambal sa kanya.

"Kuya, ate, and Yaines this is Darren my suitor." Ramdam ko ang hiya ni Ella kaya napahagikgik ako na agad naman niya ako sinamaan ng tingin. Kaya tumigil na ako.

"Take a sit." Seryosong sabi ni Zeke.

Agad naman tumabi si Darren kay Ella tapos si Kiel tumabi sa akin. Yung kambal naman katabi ni Kiel. Nasaharapan ko na bali si Ella, Darren, Zeke, at Avery.

"I missed you." Napalingon ako agad sa binulong ni Kiel. Napailing naman ako.

"Ako ba talaga o yung ginawa natin?" Balik na bulong ko sa kanya. I don't know but I have this urge to flirt with him so Zeke will get jealous. Mabalik ko lang yung nararamdaman ko.

"Silly. Of course it's because of you." Sabay kurot niya sa ilong ko. Agad ko naman itong hinampas.

"Landi naman parang kahapon di mag kasama." Sabay sabi ni Gino. Napatingin naman ako sa kanya. Shit naman ang daldal.

"Mag kasama kayo kahapon Yaines?" Nag tatakang tanong ni Ella.

"Ahm yes. Because I have this urge to drink eh."

"Why you didn't contact me? I'm tampo ah."

"I know naman na you're busy and I just need time to be alone."

"Alone? But you're with him." Seryosong sabi ni Zeke.

"Because she's crying that's why I approach her." Seryosong sabi naman ni Kiel.

Nakita ko naman ang pag bago ng emosyon sa mata ni Zeke. Nakita ko din paano siya yumuko at kinuha ang baso niya para inumin ito.

Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon