Chapter 6

113 7 0
                                    

Yaines Pov

"I mean paano ako? Kuya mo may love life na tapos ikaw masaya landi life mo. I think its a bit unfair for me. Pretty naman ako diba?" Please sana gumana tong palusot ko.

"Baliw ka! Mag kakaroon ka rin, ikaw kasi ayaw mo sa mga nirereto ko sayo!" Sabay hampa sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim dahil naniwala siya sa sinabi ko.

"Di ko kasi sila type Ella!" Kuya mo kasi gusto ko.

"Edi yung taga Lasalle na lang na nasa kabilang table." Mahinang sabi niya sabay tingin sa kabilang lamesa. Nanlaki naman ang mga mata ko at hinampas siya.

"Loko ka! Marinig ka nakakahiya sabihin type ko siya." Sabi ko sabay tingin sa kabilang table, napalunok na lang ako ng marealize na nakatingin din siya sa akin. Kaya umiwas na lang ako agad. Nakakahiya.

"Hahahahaha I told you!" Sabay kindat niya sa akin kaya inirapan ko na lang siya.

Tumagal kami ng dalawang oras sa the bourn dami din namain kinain na chicken wings feeling ko mag kakapakpak na ako. Ilang beses din ako pinakanta ng magaling kong kaibigan at syempre hindi nawala ang pag tutukso niya sa akin sa kabilang table. Nakakahiya nga kasi feeling ko naririnig nila kaya nung nabusog na ako ay agad akong nag aya na umalis nakakailang na kasi. Ilang beses na kami nag katitigan baka sabihin niya type ko siya.

Gwapo siya at inaamin ko malakas appeal niya kaya lang bias ako kay Zeke at hindi na ako available. Napakunot na lang ang noo ko sa inisip ko dahil kung may girlfriend na si Zeke ano ako? Ano kami? Pano na lang mga pangako niya sa akin? Kaya sa buong byahe namin tahimik lang ako. Hanggang makarating ako sa condo ay wala akong imik.

Agad akong humiga sa kama ng hindi inaalis ang sapatos ko. Nakatingin lang ako sa ceiling at nag iisip. Ilang buntong hininga na rin ang ginawa ko pero hindi nito maalis ang sama ng loob ko para kay Zeke. Ano ba ako sayo Zeke?

Time flies so fast but still here I am still thinking if I will contact him or not. After few minutes I decided to call him so my heart will be at ease. Nakakakaba lalo na nung nag ring.

"Hello?" Unang tinig pa lang niya pero nawala na ako sa tamang pag iisip. What are you doing to me Zeke? This is very unhealthy. Daig mo pa junk foods Zeke sa totoo lang.

"Zeke it's me... Yaines."

"I know why are you calling me so late... baby?" Mahina lang pero narinig ko na tinawag niya akong baby. Nalunok ko ata boses ko dahil sa sinabi niya.

"I miss you... kaylan ba tayo mag kikita uli?" Wala na. Nawala na ako sa dapat na sasabihin ko. Stupid as always.

"How about this Saturday? You don't have class right? I'll visit you there." Napangiti naman ako dahil doon.

"Okay. See you Zeke. I love you." Nakangiti kong sabi at binaba ko na din ang telepono. Pag kababa ko ng telepono doon ko na naalala kubg bakit ko siya tinawagan. Nasapo ko na lang ang noo ko sa kagagahan ko.

Pero okay na din dahil pupuntahan daw niya ako this coming Saturday. Thursday na ngayon at bukas Friday hindi na ako makapag hintay.

Dumaan ang mga araw at wala akong ginawa kundi mag aral. Kaylangan para sa future ko, marami akong pag gagamitan ng kurso ko kaya ito din ang napili ko. Hindi ko na nga mahintay na makapag tapos ako tapos mag karoon ng sariling trabaho. Para hindi na ako umasa sa mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi napipikitan na lang sila na pag aralin ako. Magulo ang pamiya ko at ayaw ko maranasan yun ng magiging anak ko kung sakali.

Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon