Yaines POV
Ilang oras na, simula ng umalis dito si Zeke sa condo, nakatulala pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit niya nagagawang saktan ako ng paulit-ulit. Bakit ganun? Pag alam nilang mahal natin sila itatake advantage na nila yun? Porque ba mahal na mahal ko siya okay lang na saktan ako paulit ulit?
Porque ba alam niya mga kiliti ko na kunting lambing, kunting pacute, isang sorry na okay na ang lahat kasi mahal ko siya? Tangina. Nakakatangina ang pag ibig.
Napahilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. Hindi naman ako panget. Hindi din ako bobo. Bakit ayaw niyang ipag sabi na meron kami? Ano bang meron siya na wala ako? Ah... alam ko na pera. Meron siyang limpak limpak na pera. Tangina. Ang sakit mag mahal.
Sabi ng teacher ko before may dalawang uri daw ng babae. Isang minamahal, yung tipong inaasawa. Yung pangalawa naman ay yung pang kama. Baka ako yung pang kama na sinasabi? Tangina uli.
Pero bakit ganun? Kahit ang sakit sakit na ayaw ko pa rin siyang bitawan? Bakit siya pa rin yung sinisigaw ng puso ko? Kaylan ba to mapapaos kakasigaw ng pangalan niya?
Si Avery ang official girlfriend sa mata ng lahat siya ang legal girlfriend. Ako? Kabet. Illegal. Do I deserve this kind of treatment? May babae bang deserve maging pangalawa? Nahilamos ko uli ang kamay ko sa mukha ko.
Hindi pwede. Nasira ang pamilya namin simula nag karoon si papa ng iba. Pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mang yare hindi ako sisira ng relasyon o ng pamilya.
"Hindi pa naman sila kasal."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng utak ko. Maling mali, hindi maaari. Kahit mahal ko siya dapat lumayo ako. May masasaktan. Ayaw ko makasakit ng kapwa babae. Napabuntong hininga na lang ako at tyaka tumayo. Nalaglag naman ang blanket na tumatakip sa hubad kong katawan. Pumunta ako sa harap ng salamin upang tignan ang katawan ko. Napangiti na lang ako.
"You don't deserve me Zeke but, why my heart keeps telling me that you deserve me?" Napaluha na ako pero agad ko rin yun pinahid at bumunting hininga. Dumiretsyo na ako sa CR at binuksan ang shower.
Ramdam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko pero hindi nito magawang pamanhidin ang puso kong nasasaktan. Mahal na mahal ko siya. Siya yung taong anjan nung nag hiwalay magulang ko. Anjan siya nung pasuko na ako sa buhay at ayaw ko mamansin ng iba, kahit si Ella hindi nagawa ang nagawa ng kuya niya. Kahit sabihin na natin na di rin siya sumuko ng mga panahon na yun pero iba si Zeke. Kahit busy siya nun nahahanap at nahahanap niya ako. Hindi naman ako malulunod sa kanya kung di niya pinalalim yung pag mamahal ko sa kanya.
Wala namang babaeng naiinlove ng walang nakikitang motibo sa isang lalake, its either, the guy will deny it or the girl is just imagining things or in short, assumera lang. Pero kahit na, you can't assume unless there's an actions. Words without action is confusing same with actions without words, kaya dapat parehas lang. Words and action must match so it won't create misunderstandings.
Pag katapos ko maligo ay agad akong nag bihis. Gusto ko mag bar para mag saya. Gusto ko sana mag beach kaya lang hassle kaya mag bar na lang ako. Agad akong pumunta sa aparador ko para tumingin ng masusuot. Ang napili ko ay isang white long sleeves at skater skirt, nag heels na lang akonpara bumagay. Iinom lang naman ako para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Pag katapos ko mag bihis agad akong nag book sa grab para mag pahatid si BGC. Doon na lang ako ayaw ko din naman ng iinom lang gusto ko sumayaw. Nang dumating na yung grab agad akong bumaba sa unit ko para puntahan ang nabook ko. Habang nasa sasakyan ako hindi ko pa rin maiwasan isipin si Zeke, maisip ko pa lang siya naluluha na ako. Alam kong mali pero bakit naguguluhan ako sa dapat kong gawin?
Nang makatating na kami sa The Island napa buntong hininga ako uli. Ilang araw ako gugutomin sa gagawin ko pero nandito na rin naman kaya ituloy ko nanlang. Pag kadating ko sa may entrance hinarang ako agad at hiningi ang ID ko, agad ko naman binigay nang maconfirm na mg bouncer na nasa legal age ako inopen na niya ang pinto. Hindi pa ako nakakapasok pero rinig ko na ang malakas na tugtog at tanaw ko na rin ang mga taong nag sasayahan.
Agad ako pumunta sa may stall at nag order ng tequila sunrise, iinom ako pero di ako mag papakalasing, delekado lalo na't ako lang mag isa. Kaylangan kong umuwi may mga gagawin pa ako bukas. Nakakatatlong baso na ako ng mapansin ko ang kabilang table, puro lalake at mukhang nag kakasayahan sila. Napatingin ako sa isang lalake na nakasalamin, siya ang agaw pansin sa kanila dahil sa puti ng kanyang balat pag nadadaanan ng ilaw. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya siguro, naramdaman niya kaya napatingin din siya sa akin. Napalunok ako at binalik ang tingin sa baso ko. Nakakahiya ka Yaines, baka isipin nun type ko siya.
Nang maka apat na baso na ako, tumayo ako para pumunta sa dance floor, hindi na din ako tumingin sa gawi nung lalake. Ayaw kong isipin niyang type ko siya. Habang sumasayaw ako tawa ako ng tawa ang saya kasi lalo makikita mo na ang mga tao ay nag sasaya din. Nasa kalagitnaan ako ng pag sasayaw ng may biglang humawak sa bewang ko, bumungad sa akin ang matipunong dibdib, napakunot noo ako at tumingala at laking gulat ko na siya ang tumambad sa akin.
"Hello." Bulong niya sa tenga ko kasi kung di niya ilalapit ang kanyang labi sa aking tenga for sure di ko siya maririnig.
Ngumiti lang ako bilang tugon at sumayaw uli. Hindi ko na lang din pinansin ang nakayapos niyang mga kamay sa aking bewang.
"Alone?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "Come and join us." Bulong niya sa akin at ng makalayo ang kanyang ulo sa may bandang tenga ko ay ngumiti siya sa akin. Kaya hinila ko ang kanyang batok upang tugunan siya.
"Harmless naman kayo diba?" Sa pag bulong ko na yun ay narinig ko ang pag hagikgik niya. Napangisi na lang ako, napaka manly. Hindi na siya sumagot at hinila na ako agad sa table nila.
Nakangisi naman ang mga kaibigan niya hanggang sa maupo kami.
"Woahhh! Sino tong magandang babae na to?" Sabi nung lalakeng may hikaw sa labi.
"I don't know." Kamot batok na sabi nung nang hila sa akin.
"Hina mo naman tol!" Sabi nung lalaking moreno.
"I'm Yaines." Pag papakilala ko para di na siya tuksohin ng mga tropa niya.
"Yaines naman pala pare!" Ulit nung lalaking may hikaw sa labi. "Anyway Yaines I'm Jiro." Sabay kindat niya sa akin. Napatawa naman ako kasi ang energetic niya.
"I'm Gino. His twins but he's ugly." Sabi nung lalaking may piercing sa tenga. Hindi siya nag salita kanina now lang.
"Dami niyong sinasabi ako pinaka gwapo. Hello Yaines! I'm Darren but you can call me pogi." Sabay kindat sa akin. Agad naman siyang binato ng tissue nung Jiro.
"Ang gugulo niyo talaga. Anyway I'm Kiel." Pag papakilala nung lalakeng nakasalamin.
"Ikaw yung nasa the bourn!" Masayang sabi ko. Naalala ko kasi siya. Sino hindi? Buong araw akong inasar ni Ella sa kanya.
"Hahaha naalala mo pala ako Ms. Beautiful." Nakangiting sabi niya sabi niya sa akin. "It's nice to meet you again."
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...