Yaines POV
"Wow! Blooming natin sis ah!" Bungad sa akin ni Ella pag karating ko. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Masaya lang ako. Sobrang saya." Nakangiti pa ring tugon ko. Napahawak tuloy ako sa leeg ko. Grabe naman kasi sumipsip si Zeke ng leeg, buti buhay pa ako. Nahirapan akong takpan tuloy.
"Bakit? Kwento naman jan. Pleaseee?" Sinisiko siko pa niya ako ako. Kung alam mo lang Ella kung anong dahilan ng mga ngiti ko baka sampalin mo ako.
"Sa susunod na baka ma jinx eh." Sabay kindat ko sa kanya. Nag pout na lang siya at bumulong bulong, nag tatampo dahil ayaw ko mag kwento. Hindi ko kasi alam kung matutuwa siya or hindi. Kung supportado ba niya kami ng kuya niya pag nalaman niya yung sa amin o hindi.
Hindi ko na lang pinansin si Ella at nakinig na lang sa prof namin. As usual bida nanaman tong prof namin. Dapat nag lelesson siya pero ito siya nag kwekwento tungkol sa buhay niya. Goodness gracious we are paying thousands of money and mostly of the profs are like this. Gets ko naman na minsan yung mga experience nila nakakamotivate pero pag araw-araw na lang nakakabored na. Natapos na yung subject namin kaya nag si tayuan na lang kami.
"Bebe where are we going to eat?" Tanong sa akin ni Ella nung makalabas kami sa room namin.
"I don't know either." Kibit balikat kong sabi. "San mo ba gusto?"
"I want unli wings." Naka pout niyang sabi. Ang cute talaga ng bestfriend ko.
"Kulang budget ko for that friend." Kamot ulo kong sabi. Need ko tipirin baon ko ayaw ko naman lagi mang hinge sa mga magulang ko. Ayaw ko din sila makausap. Para saan pa? Masaya naman na sila sa kanikanilang pamilya.
"Edi libre kita!" Masiglang sabi niya.
"Wag na nakakahiya kaya! Lagi mo na lang ako nililibre."
"Bad! Sabi ko naman sayo you don't need to be shy because you are my sister naman!"
"Sabi ko sayo mag Lasalle ka na lang, bagay na bagay sayo doon. Sobrang conyo plus sobrang yaman! Ewan ko ba sayo bakit pati dito sinundan mo ako." Iling-iling na sabi ko sa kanya.
"You know naman na your my only friend eh. I don't want sa Lasalle if you're not there naman." Nakapout na sabi niya napangiti na lang ako.
"You really love me noh?"
"Of course! I love you so much you're my sister kaya! Pero for now we need to hurry because I'm hungry na po talaga."
"Alright."
Hindi ko to maintindihan si Ella gusto niya bilisan namin pero nakakawit lang sa mga braso ko habang bumababa kami sa hagdan. Sobrang clingy talaga nitong friend ko. Buti na lang cute siya, nang makarating kami sa gate 4 agad naman nag book si Ella para makapunta kami sa Taft.
"Grabe! Unli chicken wings na siya before unli inom dito!" Maligalig na sabi ni Ella.
"Bawal na kasi inuman sabi ni yorme."
"Kj niya sis! Mas mapapahamak students noh! Kasi dumadayo pa sila— ako para lang makainom. Goodness sis! BGC na lang tuloy lagi or morato, kamiss din ang night life here sa taft."
Nung SHS kami grabe mag bar yan si Ella syempre may mga times na kasama niya ako pero bibihira lang. Ayaw ko kasi masayang pera ko sa alak or ayaw ko na lagi akong sagot ni Ella nakakahiya.
"Mozzarella sa akin. How about you bebe?"
"Buffalo na lang po. Thank you po." Pag kasabi ko ng order ko ay umalis na si kuya para sabihin yung order namin.
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomansaWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...