Chapter 14

15 2 0
                                    


Yaines POV

Ilang oras na simula ng umalis sila. Heto ako at nag iisa nanaman. Hindi mawala sa aking isipan ang inakto ni Ella kanina. Totoong kinabahan ako dahil kung may isang tao na kinatatakutan ko sa panahon na ito ay si Ella. Matalik ko siyang kaibigan at ayaw ko siya mawala ngunit alam ko na pag dumating sa oras na malaman niya itong ginagawa ko alam kong magagalit siya sa akin.

Mag kaibigan kami ngunit hindi ko maatim sabihin sa kanya ang lahat ng nang yare sa akin dati. Hindi dahil di ko siya pinag kakatiwalaan kundi dahil ako mismo ang nahihiya sa nang yare sa akin. Tama na si Zeke lang ang may alam at ramdam ko din na baka pandirihan niya ako. Alam ko naman na tama si Zeke dati na hindi mandidiri sa akin si Ella ngunit hindi pa rin mawaglit sa isipan ko na baka.

Nag buntong hininga na lang ako. Masyado pa akong bata para sa ganito kabigat na problema. Hindi ko din alam kung bakit nang yayare ito sa akin. Nag mahal lang naman ako. Nag mamahal lang ako.

Minahal ko magulang ko pero sinaktan nila ako. Minahal ko si Zeke pero sinasaktan niya ako. Pero alam ko na hindi siya katulad ng magulang ko na iiwan ako sa huli. 

Mahal na mahal ko siya dahil siya ang liwanag ko sa mundong madilim.

*phone rings*

Nagising ako dahil sa tunog ng aking telepono. Agad ko ito hinanap sa lamesa para sagutin.

"Hello?" Inaantok na pag sagot ko.

"Good morning baby." Isang mataming na salita ang nag pabangon sa akin. 

"Zeke!" Masayang tugon ko sa kanya.

Hindi ko akalain na tatawagan niya ako. 

"How are you?" seryosong sabi niya well, iyan naman ang normal niya.

"I'm good lalo na't napatawag ka. I miss you... kaylan ba tayo mag kikita?"

"I miss you too... hmm... maybe this Friday?" 

"Of course! Tamang tama, I don't have class every Friday." 

"Okay, that's good so, see you on Friday?"

"Sure! I love you. Call me if you're not busy."

"I love you too." 

At binaba na niya ang tawag. Simple lang ang naging usapan namin ngunit hindi mawala sa aking mga labi ang pag kakangiti. Mukhang maganda ang araw na ito ah!

Nag inat ako at tyaka tumayo. Pumunta ako sa bintana upang ihawi ang kurtina at buksan ito. Nasilaw ako sa araw pero sinalubong ko ito ng ngiti. May pasok pa pala ako mamayang ten kaya agad ako pumunta sa kusina upang mag saing at mag luto ng break fast. 

Pag kaluto ng pag kain ko ay agad din ako kumain at dumiretsyo sa banyo upang maligo na. Pag katapos ko maligo ay agad ako nag bihis ng corporate attire, pag major kasi namin kaylangan naka corporate pero depende sa major pag house keeping iba uniform pag culinary iba din. Buti na lang pasok ko isang subject lang pero tatlong oras naman.

Nang makarating ako sa classrom ay umupo ako agad at huminga. Mahaba din kasi nilakad ko nasa may Recto ang classroom yung tinutuluyan ko ay nasa Pnoval kaya malayo layo rin ang tinahak ko plus naka heels din ako. Ang sakit ng paa ko pero keri lang naman. Masaya naman ako ngayon dahil nakausap ko si Zeke.

Nag hintay kami ng ilang minuto sa proffesor namin may rules kasi dito na pag 15 minutes na at wala pa rin ang prof ibig sabihin wala nang klase. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa orasan, yung iba naman ay nag aayos na ng gamit para umalis. Ako naman nakatingin lang sa telepono ko. Wala naman akong pake kung may pasok o wala, kung meron edi maganda kung wala okay lang naman. Ano naman din kasi magagawa ko? Wala din naman. Nang nag alarm ang cellphone ng isa kong kaklase ay halos lahat ay nag tayuan na para umalis pero ako nakaupo pa rin. Ayaw ko naman umuwi kaya bumuntong hininga ako at minessage si Ella. Alam ko kasi parehas kami ng schedule ngayon kaya lang mag kaiba kami ng subject.

Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon