Chapter 11

22 4 0
                                    




Yaines POV

"Why are you crying?" Ella asks me.

"Sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko. Sorry kasi di kita tinawagan, ayaw kasi kita maabala." Seryosong sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay at bumuntong hininga.

"Yaines I hate liars you know that and I hate traitors." Napalunok lang ako pero nagawa ko pa rin ngumiti.

"I know. Ayaw ko lang talaga maabala ka, sasabihin ko naman sayo kung ano problema ko pag okay okay na." Tinitigan lang niya ako at ngumiti.

"Okay but Yaines you can tell me everything. I'm your best friend and you know how much I love you."

"I know and I love you too Ella. Thank you. " Nakangiting sabi ko pero sa loob loob ko ay nakokonsensya na ako. Gustong gusto ko sabihin lahat kay Ella kaya lang natatakot ako. She hates cheaters also at ayaw ko magalit siya sa kuya niya, natatakot ako pero anong magagawa ko? Mahal ko si Zeke. 

Naramdaman ata ni Kiel na hindi ako naging komportable sa usapan kaya inakbayan niya ako at binulungan.

"Everything will be okay." Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya pero ngumiti lang siya sa akin kaya napangiti na lang din ako. 

"Ang landi naman." Gino said kaya napaatras ako at dumiretsyo ng upo.

"Epal ka talaga bro nasira tuloy moments nila." Jiro

"Ay sorry naman. Sige tuloy niyo lang yung landian, kunware wala kami dito." Gino

"Fuckers." Kiel pero natatawa tawa siya at hindi ko naman maiwasan na sulyapan siya. Pero nagulat ako ng makita na nakatingin din siya sa akin at kinindatan ako, kaya iniwas ko uli ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako kay Zeke at nakataas lang ang kilay niya sa akin, kaya ngumiti na lang ako sa kanya ng napakatamis para wag siya mag alala. 

"Darren don't you dare to make my sister cry." Zeke

"Kuya? He won't do that." Ella 

"Di mo sure!" Sabay na sabi ni Gino at Jiro napatingin naman sa kanila si Ella at napatingin kay Darren.

"Ang gago niyo." Darren "Don't believe them, Ella." Iling iling na sabi ni Darren.

"Don't hurt her please." Sabi ko din "Don't cheat on her." Mahiwagang sabi ko. Ayaw ko kasi mang yare yung nang yare kay Ella dati. Hindi niya kasi deserve.

"Hindi ko pa naman siya sinasagot." Ella

"Ganun din yun. Sasagutin mo din yan." Nakangiting sabi ko kaya nanlaki mga mata ni Ella.

"Eh, ikaw kaylan mo sasagutin si Kiel?" Ella

"Bakit ko siya sasagutin hindi naman siya nanliligaw." Pabirong sabi ko.

"Kaylangan pa ba yun? Akala ko kasi tayo na." Makahulugang sabi ni Kiel kaya nanlaki mga mata ko at hinampas siya.

"Shut up." Natawa na lang siya sa sinabi ko kaya umirap lang ako. Nakita ko naman si Ella na masaya na nakatingin sa amin at nagawi naman ang paningin ko kay Avery at Zeke, sana pala di na lang ako tumingin. 

Nag hahalikan na sila. Sana ako ang nanjan sa pwesto niya. Ako dapat. Hindi ko alam bakit ako pumapayag sa mga gusto ni Zeke alam kong mali pero hindi ako maka hindi sa kanya. Sobra ko siyang mahal.

"Sayaw tayo Ella." Yaya ko sa kanya akala ko hihindi siya sa akin pero umoo siya. Agad kami pumunta sa dance floor at sumayaw. Para kaming tanga sa gitna dahil puro talon at headbang lang naman ang ginagawa namin, namiss ko ang ganitong pakiramdam.

"Go Yaines! Wohhhh!" Malakas na sigaw niya ng bigla umiba ang kanta napa twerk na lang talaga ako, hindi ko nga alam if tama ginagawa ko natatawa na lang din ako sa pag sayaw ko. Nang matapos ang kanta tawang tawa kami ni Ella.

"Parang tanga ako doon!" Sigaw ko sa kanya habang pabalik kami sa lamesa, malakas kasi ang music kaya di kami mag karinigan at kaylangan pa sumigaw.

Pag kabalik namin sa lamesa ay wala na ang mag kambal maging si Avery at Zeke. Asan kaya sila? Ano kayang ginagawa nila. Sumikip naman ang dibdib ko dahil sa naisip ko.

"Asan sila?" Ella

"Yung dalawang ugok nanlalandi na ng babae yung kuya mo at yung fiancee niya nasa smoking area." Darren

Pag karinig ko nun ay nakahinga ako ng mabuti akala ko kasi umuwi na sila at mag kasama sila at may ginagawa, buti na lang at hindi.

"Let's talk." Kiel, binigyan ko lang siya ng natatakang mukha pero hinila niya lang ako.

Dinala niya ako sa may parking lot para makapag usap kami ng matino.

"Ano ba?" Iritang sabi ko.

"Siya ba yun?" 

"Anong siya?"

"Siya ba yung iniiyakan mo?" gulat akong napatingin sa kanya at iniwas din yun. "Sagutin mo ako."

"Ano ba pake mo?" Naiiritang sabi ko sa kanya.

"Wala. Dapat wala kasi kakakilala ko lang sayo pero heto ako nag aalala para sayo."

"Oo siya yun. Why do you need to ask? Isn't obvious?"

"I just need to confirm it, thats why."

"Confirm what?"

"If he's deserving of every tear coming from you."

"Of course he is. Kiel please stop acting like you care. Kung iniisip o may pananagutan ka sa akin dahil sa nang yare sa atin, sinasabi ko sayo na kalimutan mo na lang yun. Lasing lang tayo at nadala lang at hindi na yun mauulit. Ayaw ko na mag kasala uli kay Zeke."

"Pero siya okay lang mag kasala ng paulit ulit?"  Dahil sa sinabi niya ay kumulo ang dugo ko.

"Don't act as you know me. Isang gabi pa lang tayo nag kasama or let's say na this is the second pero wala ka pa rin karapatan na mag drama sa akin."

"You're impossible."

"Impossible na kung impossible pero kasi Kiel di ko alam bakit ka nag kakaganyan. Please stop. Wala kang mapapala sa akin."

"I'm like this because I like you! Hindi naman ako tulad ng mga lalake na makikipag sex lang dahil gusto ko. Fuck. The first time I saw you I'm hell-a attractive to you."

"Infatuation lang yan."

"Mas alam mo pa?" naiiritang sabi niya.

"Stop Kiel. Impossible lahat ng sinasabi mo."

"Sana una mo na lang ako nakilala."

"Hindi yun mang yayare kasi pipilitin ko pa rin na siya una kong makilala. Kiel stop. Okay? Wala kang mapapala sa akin. Mahal ko si Zeke at okay na kami. Sorry for using you a while ago and yesterday. I'm sorry pero hanggang doon na lang yun. Zeke promise me na magiging okay na ang lahat. If you're worried about me then thank you but okay na ako. Just forget me. Two days pa lang naman you can forget the crushy thing you have on me. Babalik na ako baka hinahanap na ako." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Nakokonsensya ako kasi alam ko naging hard ako pero mas okay na yun para alam niya n wala siyang maasahan sa akin.

"If you need me... you can call me or message me." Mahinang sabi niya pero narinig ko yun.

Umiling na lang ako habang papalayo sa kanya. I'll try my best not to need you Kiel. 

Habang papasok ako sa bar ay nakita ko si Zeke na nakataas ang kilay kaya ngumiti ako sa kanya.

"Let's go." Aya ko sa kanya pero tinignan lang niya ako kaya nag taka ako, nag tagal ng ilang minuto ang titigan namin ng may biglang yumapos sa kanya.

"Babe let's go." Malambing na sabi ni Avery sa kanya.

"Sabihin mo kay Ella na uuwi na kami. Take care." At nilampasan na nila ako. Napayuko na lang ako at napahawak sa batok ko.

"Ginusto mo to Yaines... mag tiis ka." bulong ko sa sarili ko.


Illegal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon