Warning: Rape scene
Yaines POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag bar kami. Puro patagong pag kikita lang nang yayare sa amin ni Zeke. Hindi ko na rin nakasalamuha si Kiel, iniiwasan ko na kasi siya. Ayaw ko siyang masaktan tulad ng nadarama ko ngayon. Mas masakit kasi kung ipag papatuloy ko ang ugnayan namin. Hindi naman ako ganun kasamang tao. Tama na yung alam kong masasaktan ko--namin si Avery.
Nakahiga lang ako ngayon sa unit ko, sunday ngayon kaya wala akong pasok. Dapat nag papahinga ako pero heto ako puro problema nanaman naiisip ko. Alam ko naman kung paano hindi mamoblema, sadyang ayaw ko lang gawin. Sadyang ayaw ko lang bumitaw kay Kiel. Siya na lang yung taong tanggap ako, siya nakakaalam lahat ng sekreto ko.
Nung nag hiwalay magulang ko napunta ako sa side ng nanay ko. Maayos naman nung simula pero pag ka lipas ng isang taon nag karoon siya ng bagong kinakasama. Sa una masaya kasi mabait naman yung kinakasama ng nanay ko, may magandang trabaho pa kaya naman si mama ay medyo nakahinga sa mga gastusin pero habang tumatagal nag iiba ang pakikitungo sa akin ng kinakasama ni mama.
Madalas na pailalim tingin niya sa akin. Pag gigisingin niya ako lagi niyang hinihimas ang mga hita at braso ko. Sinabi ko yun sa nanay ko pero hindi siya naniwala, wag daw ako gumawa ng kwento. Sobrang nasaktan ako sino bang hindi? Sarili kong nanay hindi ako pinaniniwalaan. Dahil doon nag iba pakikitungo ko sa mga tao naging ilap ako kahit kay Ella. Natatakot kasi ako na sabihin sa kanya at sa kanila. Lumipas ang mga bwan palala ng palala ang mga ginagawa sa akin ng kinakasama ng nanay ko. Gusto ko na lang mag laho pero masyado kong mahal nanay ko at hindi ko siya kayang iwan sa kamay ng lalaking yun. Nasanay na lang ako sa mga hawak niya at binabalewala na lang, malakas kasi ang pakiramdam ko noon na hanggang doon lang ang kaya niya ngunit nag kamali ako.
Marso nun natutulog ako nang maramdaman akong may taong sumampa sa kama ko kaya namulat ako. Pag kamulat ko nakita ko siya na madilim ang tingin sa akin. Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa akin. Hindi ako maka pag react kasi natatakot ako, sobrang natatakot ako. Tinignan ko lang siya sabay umatras ng umatras ngunit nung naramdaman ko na yung headboard sa likod ko nakita ko ang pag ngisi niya. Sisigaw na sana ako ngunit tinutukan niya ako ng patalim at nung gabing yun paulit-ulit niya akong binaboy.
Kinabukasan nang narinig ko nag luluto si mama agad-agad akong tumayo kahit masakit pa ang katawan ko. Pag ka baba ko agad ako yumakap kay mama at nag sumbong pero sinampal niya lang ako at sinabing tigilan ko na ang paninira sa kinakasama niya. Umiyak ako ng umiyak sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan kaya umalis ako sa bahay. Ilang gabi din ako sa kalsada natulog dahil mas gustuhin ko na lang sa kalsada kaysa sa impyernong bahay yun. Iyun din ang panahon kung kaylan ako nahanap ni Zeke. Siya yung nasabihan ko ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Pinahanap daw ako ni Ella sa kanya dahil nag aalala daw kapatid niya sa akin. Kinwento ko sa kanya lahat at tinanong ako kung gusto ko ba yun sabihin kay Ella, umiling ako agad. Natatakot akong pandirihan niya ako. Si Zeke hindi niya ako iniwan nung mga panahon na yun. Siya kasama ko nung kinausap ko tatay ko. Kahit galit ako sa kanya dahil nambabae siya at iniwan niya ako. Siya na lang ang natatanging naiisip ko na makakatulong sa akin. Hanggang dumating ang araw na umalis na nga si Zeke. Natakot ako pero kinaya ko dahil nangako siyang babalik siya kaya ngayon na andito siya uli gagawin ko ang lahat para manatili siya sa tabi ko.
"Wala nang nag mamahal sa akin."
"I love you."
"Sinasabi mo lang yan to comfort me."
"No. I love you."
"Kahit di na ako virgin? Kahit madumi na ako?" tumingin ako sa kanya. Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...