Yaines POV"Maari tayong mag mahal ngunit piliin natin ang taong mamahalin. Huwag kayo makikiapid sa taong may karelasyon. Kasalanan sa mga mata ng tao ngunit mas kasalanan ito sa mga mata ng dyos." Ayan ang sermon ni father na maririnig sa church mula dito sa aking kinauupuan.
Mahangin at mapayapa ganun ko mailalarawan ang panahon ngayon. Maraming estudyante na nakatambay dito sa freedom park. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. Tama ba tkng tinatahak ko na landas? Bahala na nga basta kahit anong mang yare mag tatapos ako dahil ito lang ang tanging paraan upang guminhawa ang buhay ko.
"Yaines!" Isang sigaw ang nag pabalik sa akin sa realidad. Kitang kita ko si Ella na tumatakbo papunta sa akin.
"Grabe Yaines! Ayaw ko na talaga." Mangiyak ngiyak na saad niya sa akin.
"Anong ayaw mo na Ella?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Parang problemadong problemado kasi siya.
"Eh kasi naman Yaines ang hirap hirap ng subject na Rizal. Feeling ko babagsak ako, sobrang taas ng expectation ng prof natin." Napangiti na lang ako dahil sa itsura niya.
"Nako Ella masanay kana may mga ganyan talaga na prof."
"Kahit na Yaines! Nag aral naman ako eh! Kaso iba talaga yung test niya. Ang swerte mo nga dahil natapos mo agad yung exam na parang walang kahirap hirap samantalang ako... ayun ligwak. Hirap na hirap sa pag sagot, pahingi nga ng katalinohan."
"Edi doublehin mo pa ang pag aaral. Alam mo naman na hindi ako pwede bumagsak kasi scholar ako. Hindi naman ako tulad ng mga estudyante dito na mayayaman. Hindi ko kaya ang tuition dito swerte na nga lang dahil scholar ako at mag kasama tayo."
"Sabagay may punto ka. Pero kahit na ayaw ko bumagsak. Dapat sabay tayo gragraduate."
"Oo naman. Wag ka mag alala tutulungan naman kita."
"Talaga?" Tila nabuhayan niyang tanong sa akin.
"Oo naman lakas mo sa akin eh." Dahil doon sa sinabi ko ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. May pag kaisip bata talaga to kahit minsan natawa na lang ako sa aking isip."
"Yaines" bigla niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin.
"Bakit?"
"Ngayon pala ang dating ni kuya at may pa welcome party mamaya sa bahay. Maliit lang naman na salo-salo at inaasahan nila mommy na makakapunta ka at for sure namiss ka rin ni kuya Zeke."
Dug.dug.dug.
Bigla bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalanan niya. Halos apat na taon na rin pala nung umalis siya upang mag aral sa ibang bansa. Tatlong taon na rin simula ng marinig ko ang pangalan niya uli.
"Yaines!"
"Ha?"
"Hindi ka naman nakikinig eh! Sabi ko tara na at pumunta na tayo sa bahay para makapag ayos na rin tayo para sa dinner."
"Ahh sige sige." Ngiting ngiti na sabi ko sa kanya.
Hindi alam ni Ella at walang nakakaalam kung ano bang meron kami ni Zeke dati. Limang taon ang tanda nito sa akon. Grade 11 ako nung pumunta siya sa America upang ipag patuloy ang pag aaral niya. Ngayon ay Third year college na ako dito sa Far Eastern University habang siya naman ay ang humahawak na sa business nila. Masaya ako at makikita ko uli siya. Masaya ako dahil makikita ko uli ang taong minahal ko at minamahal ko pa rin.
~~~
"Ito suotin mo Yaines para lumabas yung kagandahan mo!" Excited na sabi sa akin ni Ella habang pinapakita yung color red na dress.
BINABASA MO ANG
Illegal Girlfriend
RomanceWARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Stacey Yaines Lopez loved Ezekiel Villanueva more than anything. Who wouldn't? Ezekiel is perfect for everyone's eyes a man with a pointed n...