It's been seven months since I last saw Ynex and communicated with him. Noong mga unang buwan na nawala siya ay bumabalik ako sa bahay nila every weekends pero dumalang ang pagpunta at pagtatanong ko sa kanilang mga kasambahay dahil sa sobrang daming ginagawa sa school.
Bumalik na lamang akong muli noong simula ng bakasyon pero natigil din noong malapit ng magsimula ang pasukan. Hanggang ngayon ay hindi pa uli ako nakakabalita dahil paminsan na lang din pumunta ang mga kasambahay sa bahay nila upang maglinis. I'm still patiently waiting for him and I hope he will come back very soon.
I'm here at the cafe together with Iya waiting for our other friends to arrive. There's no class for today dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga faculty members, so we decided na magkita kita here at the cafe near our university. Dito muna raw kami magkita kita para magdiscuss kung anong gagawin namin ngayon. It's just one o'clock and we still have a lot of time and today is Friday and we don't have classes tomorrow, so we really have a lot of time.
The ambiance here in the cafe is really relaxing. There is a soft melody that is reigning the whole cafe. The cafe has a touch of neutral colors that really gives a relaxing environment for the students who wants to study and some people who just wants to relax and rest. Masarap din ang mga inooffer nilang mga sweets and drinks kaya dinadayo rin talaga sila ng mga students kahit sa ibang mga school and some workers and budget friendly rin siya.
While waiting for others to arrive, Iya and I talked para hindi kami mabagot kahihintay dahil medyo matatagalan daw sina Sam at may inaayos pa. I don't know about the others but it's fine kasi mahaba pa naman ang oras. Nagpaalam kasi silang may pupuntahan din muna saglit before they come here so, I guess may gagawin din sila.
Napansin ko rin kanina na dumating sina Azyel at Dielan dahil nakaharap ako sa pintuan habang si Iya naman ay nakatalikod ngunit hindi nila ako nakita dahil nasa may dulo kaming table nakapwesto ni Iya. Tuloy tuloy din naman silang umupo sa kabilang dulo ng cafe habang nag-uusap.
Madalas ko naman silang nakikita dahil magkaklase pa rin naman kaming lahat. We don't talk that much unless it's about school works. Hindi ko alam pero parang ilag sila sa akin. Siguro natatakot na baka tanungin ko sila about kay Ynex at wala silang alam kaya umiiwas sila or they knew something but they just don't want to tell it to me.
Makalipas ang halos trenta minutos na pakikipag-usap kay Iya ay nakita kong may pumasok muli sa cafe. Hindi ko inaasahan ang taong bagong pasok at ang mas kinagulat ko ay ang pagtama ng aming mga mata. Nababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat na marahil ay namamalas din sa akin.
Narinig ko na patuloy sa pagsasalita si Iya pero hindi ko siya pinapansin dahil sa hindi ko inaasahan na muli kaming magkikita ng taong matagal ko nang hinihintay.
"Ynex!" malakas na tawag sa kanyang pangalan.
Doon lang natauhan si Ynex at iniwas na ang paningin sa akin at hinanap ang taong tumawag sa kanyang pangalan. Nahanap niya ito at lumapit na kina Dielan habang ako ay nakasunod pa rin ng tingin sa kanya.
Napansin siguro ni Iya ang pagkakatulala ko kaya sinundan niya kung ano o sino ba ang tinitignan ko. Narinig ko ang pagsinghap niya pero hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan siya at nanatili pa ring nakatingin sa direksyon ni Ynex na nakikipag-usap na kina Azyel.
Hot tears pooled in the corner of my eyes. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na pangungulila sa kanya. Those nights that I can't help but to cry and pray that he will be here by my side already. Hoping that I will feel his warm and tight embrace again. Na sana marinig ko na uli ang kanyang malalim na boses at marinig muli sa kanyang bibig ang aking pangalan at ang mga katagang matagal ko ng nais muling marinig mula sa kanya.
Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko ngayong nakita ko na siya. Gusto ko siyang lapitan ngunit parang tinamaan ako ng hiya at takot dahil hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero hindi ko gusto ang dumaang ekspresyon sa kanyang mga mata bago niya iniwas ang paningin sa akin.
Parang may dumaang pangungulila at.... galit? Inalis ko sa aking isipan ang huli dahil bakit naman siya magagalit sa akin? Wala akong ibang ginawa kung hindi ang hintayin siya hanggang sa pagbalik niya at hindi na ako makapaghintay muli na mahagkan at makausap siyang muli.