9 - 17
Paisley Nova Jerez
9:47 p.m.
Ynex:
bakit gising ka pa? ha?
Paisley:
bakit ikaw gising pa rin? ha?
Paisley:
daig mo pa nanay ko kung magtanong
Ynex:
ako una nagtanong
Ynex:
gaya gaya ka
Paisley:
kasi hindi pa ako tulog?
Ynex:
funny ka
Ynex:
super funny mo
Ynex:
ang sakit tuloy ng tiyan ko kakatawa
Paisley:
gago
Ynex:
ang taray mo na naman
Ynex:
seryoso nga, bakit ka pa gising?
Ynex:
Lord, sana po sagutin na niya ako
Ynex:
ng matino
Paisley:
ang daldal mo pa rin hanggang chat jusq
Paisley:
nagbabasa pa kasi ako, bakit ba?
Ynex:
ang taray mo talaga huhu
Ynex:
bawal ka ba ichat?
Paisley:
jusq matulog ka na, itulog mo 'yan ha
Paisley:
may sinabi ba akong bawal?
Paisley:
ikaw? bakit gising ka pa?
Ynex:
kAsI hInDi pA aKo TuLoG
Ynex:
joke lang baka magalit ka HAHAHAHA
Ynex:
nagpapaantok lang ako tapos matutulog na rin
Paisley:
tanga HAHAHA
Ynex:
oo nga pala bukas na 'yung lunch date natin
Paisley:
lunch date mo mukha mo
Paisley:
asa ka pa
Ynex:
bakit hindi ba?
Paisley:
ulol
Ynex:
o chill ka lang ang puso mo HAHAHA
Ynex:
pinapaala ko lang kasi sa'yo baka nakalimutan mo
Paisley:
alam ko, no need na ipaalala mo pa uli
Paisley:
as if naman na makakalimutan ko e araw araw mo nang sinabi sa akin
Ynex:
syempre baka nga kasi makalimutan mo
Ynex:
edi hindi tayo makakapaglunch date este lunch lang pala
Paisley:
lunch date ka diyan ulol
Ynex:
matulog ka na para naman makapagbeauty rest ka
Paisley:
ulol hindi ko na kailangan niyan kasi maganda na ako
Ynex:
ay o lumakas bigla 'yung hangin dito sa amin HAHAHAHA
Ynex:
huwag ka na masyadong magpaganda bukas ha? ako lang naman ang kasama mo
Paisley:
as if magpapaganda ako para sa'yo
Paisley:
makatulog na nga kaysa mabwisit pa ako ng tuluyan sa'yo hindi kita siputin bukas e
Ynex:
walang ganoon
Ynex:
bad 'yun
Ynex:
sige na matulog ka na babe😘
Ynex:
goodnight babe, see u bukas😘
Paisley:
babe ur face ulol
Paisley:
sapak ka sa akin bukas
Ynex:
joke lang masakit ka pa naman manapak
Paisley:
buti alam mo, sige na
Ynex:
sige, sleepwell
