LXXI

4 2 0
                                    

We're now entering a black gate and nakita ko ang medyo may kalakihang bahay. Like our house they also have modern house design. Their house is mostly painted in white and you can see some touch of black and gray. May malawak rin silang hardin na talaga namang nakakamanghang tignan dahil merong mga naggagandahang bulaklak just like white roses and some tulips. Medyo mas malaki ang kanila sa amin siguro dahil na mas marami sila compared sa amin na tatlo lang tapos 'yung dalawang maid tsaka isang driver na kasama namin sa bahay.

The car stop and the driver went out from the car. Pumunta siya side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Mahina akong nagpasalamat at sinabi sa akin na tumuloy na raw ako sa loob ng bahay. Muli akong nagpasalamat at nagpasya ng pumasok na sa loob ng bahay nina Ynex.

As I set my foot inside their house the first thing that I noticed is their spacious receiving area. Katulad sa labas ay kulay puti rin halos ang pintura at ang iba naman ay black and gray.

They have a big sofa and some displays na sa tingin ko ay mamahalin. Meron din silang mga halaman sa loob ng bahay na mas nagpaganda sa kanilang silid tanggapan.

The one that really caught my attention ay 'yung family portrait nila. Nakaupo sa gitna ang sa tingin ko ay kaniyang ina at ang kaniyang bunsong kapatid samantalang si Ynex kasama ang kaniyang ama at ang kaniyang lalaking kapatid ay nakatayo sa likod nang dalawang babae.

Lahat sila ay nakangiti maliban sa kaniyang lalaking kapatid na nakangisi lamang. Kita mo sa mukha na kaniyang ina ang taglay nitong kagandahan na kahit sa paglipas ng panahon ay hindi kumukupas. Ang kaniyang kapatid na babae ay namana ang kagandahang taglay ng kanilang ina. His mother has almond eyes that matched her beautiful long eyelashes na namana niya pati na rin ng kaniyang kapatid na babae.

Ang kanilang ama naman ay parang hindi nadadagdagan ang edad parehas ng kaniyang asawa. Dito ko mas nakita ang pagkakahawig nila ni Ynex. Para lang din silang magkapatid nito o mas magandang sabihin na magkakambal dahil kuhang kuha ni Ynex ang tikas ng katawan at ang mukha nito. They both have broad shoulders as well as his younger brother. Nakuha niya dito ang makapal na kilay na bumagay naman sa kanilang mukha.

Ang lalaking kapatid naman nila ay pinaghalong mukha ng kanilang ina at ama. Magandang lalaki rin ang kapatid ni Ynex katulad niya at ng kaniyang ama. He has this hooded eyes same with their father that also matched with their long eyelashes and thick eyebrows. Hindi mo maipagkakait na they really have the good genes.

Uupo na sana ako sa sofa ng biglang may pumasok na magandang babae na sa tingin ko ay kapatid ni Ynex.

"Mom--," biglang naputol ang kaniyang pagsigaw ng makita niya ako.

I smiled at her, "Hello," bati ko sa kaniya.

"Pasensya na kung pumasok na ako. I assumed you are Ynex's sister, right?" I asked her politely.

"Okay lang po. Opo ako po 'yung bunsong kapatid ni Kuya Ynex. Kayo po ba si Ate Paisley?" magiliw na sabi niya sa akin habang nakangiti.

Tumango tango ako, "Oo, ako nga." sabi ko ng may pagtataka.

Nakita niya siguro ang pagtataka sa mukha ko kaya tumawa siya, "Lagi po kasi kayong kinekwento sa amin ni Kuya tsaka nakita ko po kayo sa lockscreen ng cellphone ni Kuya," hagikgik niya.

I mentally slapped my head. Oo nga pala, nasa lockscreen nga pala ako ni Ynex. Nakita ko 'yun noong isang araw. It was a stolen picture of mine habang nagbabasa. Pinagtalunan pa namin 'yun kasi gusto kong baguhin niya kaso ayaw niya magpatalo kaya hinayaan ko na lang although I find it sweet.

"Sige po, take a seat po muna. I'll just inform Mommy and Kuya that you're here po," magalang na sabi niya. Feeling ko namana rin ng kapatid ni Ynex ang kabaitan sa kaniyang Ina. Mukha kasing mabait 'yung Mama niya base sa picture.

Finally, We WonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon