Azyel: ano 'yon balik balik na lang na parang walang nangyari?
Dielan: titignan ko
Azyel: ang kj
Azyel: dali na
Dielan: titignan ko nga
Azyel: dali na, gusto pa pilitin siya
Dielan: ulol
Dielan: oo na, sige na
Azyel: 'yan ang gusto ko sa'yo HAHAHAHA
Azyel: ikaw, Ynex?
Azyel: nasaan ba 'yon?
Ynex: sup
Ynex: bakit?
Ynex: pass ako
Ynex: next time na lang, sagot ko
Azyel: pass agad kakauwi mo nga lang
Azyel: parang wala tayong pinagsamahan a
Ynex: gago HAHAHAHA
Ynex: may pinuntahan kasi ako, kakauwi ko lang
Ynex: next time na lang, sagot ko
Azyel: bahala ka nga
Azyel: sunod ka na lang
Ynex: titignan ko
Azyel: KJ!
Ynex: HAHAHAHAHAHA next time nga, bawi ako
8:35 p.m.
Azyel: Dielan, saan ka na?
Dielan: papasok na, nahirapan ako maghanap ng parking space
Azyel: sige, nandito lang ako sa taas kasama sina Dustin
Dielan: sige
Azyel: Ynex, sunod ka
Ynex: tignan ko, kapag hindi bawi ako next time
Azyel:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ynex: HAHAHAHAHAHAHA
12:20 a.m.
Azyel: Dielan, do you see what I see? or should I say, who I see? HAHAHAHAHA
Dielan: puro ka katarantaduhan
Azyel: Ynex, feel ko this time hindi ka na makakatanggi HAHAHAHAHA
Ynex: ano na naman 'yan?
Azyel: feel ko pupunta ka na talaga dito
Ynex: ano nga 'yan? pasuspense ang gago
Azyel: easy ka lang HAHAHAHAHA i-save mo ang pagwawala mo at for sure gagawin mo 'yon dito
Azyel: handa ka bang umuwat at rumesbak boss Dielan?
Dielan: ready naman ako
Dielan: pero kaya na ni Ynex 'yan
Ynex: ano nga kasi 'yan? paulit ulit
Azyel: hulaan mo muna HAHAHAHA
Ynex: parang gago
Ynex: ano nga kasi?
Dielan: hindi ano, kung hindi sino
Ynex: o, edi sino?
Azyel: the one and only love of your life
Azyel: madame Paisley
Ynex: o tapos?
Azyel: palaban HAHAHAHA 'yan ang gusto ko sa'yo boss
Azyel: mukhang mapapalaban ka rin dito
Ynex: lol
Azyel: boss, ano kayang feeling na malaman na may kasayaw na iba ang love of your life mo?
Azyel: sa saliw ng maharot na musika, gumigiling ang love of your life mo kasama ang isang hindi kilalang tae
Azyel: tao pala boss sorry typo
Dielan: gago ka
Azyel: ikaw, boss Dielan, ano mararamdaman mo?
Dielan: syempre masasaktan, masakit 'yan e, ikaw?
Azyel: MASASAKTAN SYEMPRE. SOBRA. KUNG ANG LOVE OF MY LIFE KO 'YON BAKA MAKIKIPAGPALIT NG MUKHA SA ASO 'YONG LALAKI NA KASAYAW
Azyel: MAY PAHAWAK PA SA BEWANG, ANG LAPIT LAPIT PA NILA SA ISA'T ISA PARANG MAGKASINTAHAN TALAGA
Azyel: SIGURO KUNG HAHARAP PA SI MADAME MALAMANG MAGHAHALIKAN NA, KONTI NA LANG
Azyel: nako kung ako talaga ang may love of my life na ganiyan baka tumilapon na palabas ng bar 'yong lalaki tsk tsk
Azyel: boss Ynex, nandiyan ka pa?
Azyel: boss?
Azyel: mukhang pasugod na
Azyel: sige boss wait ko 'yong eksena na gagawin mo rito kapag dumating ka na
Azyel: drive safely, boss, huwag papadala sa emosyon