9 - 14
bitches
7:09 a.m.
Reese:
nasaan na kayo? huwag niyong sabihin na hindi kayo papasok aba
Paisley:
letse late ako nagising, paalis pa lang ako
Paisley:
sino ang kasama mo diyan Reese?
Reese:
si Teia, Iya tsaka si Aia pa lang
Harper:
nasa gate na ako, wait me
Reese:
dalian mo dzai
Sam:
malapit na ako, lintik na traffic 'yan
Paisley:
shit wala pang masakyan
Sam:
super traffic mami kaya siguro walang masakyan
Paisley:
hindi ko kasi narinig na tumunog 'yung alarm ko tapos umalis pa si mama at papa ng maaga
Teia:
dalian mo dzai at baka hindi ka na makapasok ng first sub
Paisley:
baka hindi ko na lang 'yan attendan
Paisley:
kayo na bahala sa akin
Iya:
puyat pa kasi
Iya:
kami na bahala sa'yo, chat ka kapag nakasakay at malapit ka na
Paisley:
sorry na mama Iya huhuhu
Paisley:
sige update ko kayo
7:43 a.m.
Paisley:
after almost forever of waiting, I'm already omw to school
Paisley:
anyway I'm riding Ynex's car
8:23 a.m.
Teia:
OMG! is that for real!?
Sam:
OUR SHIP IS SAILING!
Aia:
saw you too walking together, omg!
Aia:
dalian niyo lumakad ghorl! marami ka pang ichichika
5:04 p.m.
Sam:
nasaan na si Paisley?
Sam:
may utang ka pang kwento sa amin ghorl
Harper:
hindi porke nakatakas ka kanina akala mo makakalimutan na namin
Aia:
dali na mami ichika mo na 'yan
Paisley:
atat na atat
Paisley:
ano ba kasing ichichika ko e wala lang naman 'yun
Teia:
wala daw pero kung makapag usap kanina akala mo silang dalawa lang ang tao
Iya:
ang bagal bagal pa maglakad
Reese:
how come nga pala na nakasakay ka sa car ni Ynex?
Paisley:
nadaan niya kasi ako
Paisley:
sa kabilang subdivision lang pala siya nakatira
Sam:
tapos?
Paisley:
tapos late din siya e nakita niya akong nag aabang sa tapat ng sub namin
Iya:
alam ko na sunod diyan
Iya:
nag offer siya ng ride kasi wala kang masakyan plus late na kayo pareho
Iya:
tapos pumayag ka na kasi sayang naman at libre tsaka para makapasok ka na agad
Iya:
tama ba?
Paisley:
EXACTLY!
Paisley:
alam niyo naman pala tapos ipapakwento niyo pa
Aia:
bakit parang danas na danas mo na 'yan Iya?
Aia:
siguro naranasan mo na 'yan 'no?
Iya:
dzuh hindi pa ba obvious na ganoon na 'yung sunod na sasabihin ni Paisley
Harper:
tsaka asa pang magkaroon ng taga hatid na lalaki si Iya e mas mahal pa ata niyan 'yung mga libro niya kaysa sa atin
Reese:
trueee
Teia:
ang dami niyo namang ebas e hindi pa nga tapos magkwento si Paisley
Teia:
ano ng nangyari after mong sumakay sa sasakyan niya?
Paisley:
wala, nagkwentuhan lang ang daldal niya kasi
Paisley:
alangan namang hindi ko imikan e pinasakay na nga niya ako sa kotse niya
Paisley:
tapos 'yun medyo natagalan pa nga kami kasi traffic pa din
Aia:
saan kayo nagpunta after niyong dumating sa school? hmm?
Paisley:
nagpunta lang kami sa coffee shop sa tapat ng school tutal late na naman kami for first sub
Reese:
nagcoffee date kayo?
Harper:
ugh our ship is really sailing!
Paisley:
anong date at ship ship na sinasabi niyo diyan?
Paisley:
walang ganoon
Paisley:
we're just friends
Sam:
wE'Re jUsT fRiEnDs
Sam:
as if maniniwala kami
Harper:
kakainin mo rin 'yang sinabi mo someday
Reese:
and we can't wait to see it!
Teia:
imagine Paisley having in a relationship ugh😍
Aia:
tapos kay Ynex pa, perfect relationship!
Aia:
isang mataray na Paisley plus isang makulit na Ynex HAHAHAHA
Iya:
balance na balance
Paisley:
alam niyo? itulog niyo 'yan
Paisley:
pagod lang 'yan
Harper:
suus kinikilig ka rin naman deep inside
Paisley:
bahala kayo diyan
Seen by everyone
