LXXXIX

3 2 0
                                        

Today is Harper's birthday and she decided to celebrate it here in Skye together with our other close classmates and of course, us. Saktong Saturday ang birthday ni Harper so, walang problema if malasing man.

Actually, we had lunch earlier na kami kami lang anim kasi gusto niya na magkaroon naman daw kami ng quality time together. Nagstay kami sa bahay nila hanggang gabi at doon na rin nagbihis at nag ayos bago pumunta ng Skye.

We really had a great time together. It feels nice to talk and spend time with them again. Akala mo naman mga hindi magkakaklase sa school pero nakakapangulila kasi 'yong mga time na lagi kaming free lang unlike now na Senior High na kami na sobrang hectic ng schedule so, hangga't maaari talagang naglalaan kami ng mga oras sa isa't isa kahit na ang iba sa kanila ay may mga pinagkakaabalahan ding iba.

It's been a week since I last saw Ynex and up until now his face still haunts me. The longing that I feel for him never fades, it's just worsen. I remember last Saturday, they went in our house and we talked about it. I did cry, really hard and they were just there, comforting me. I am really blessed to have them by my side.

Kanina pa nagkakasiyahan sa dance floor sina Harper at kami lang ni Iya tsaka ni Thea ang nandito sa aming table. There are hard drinks that was serve earlier dito sa amin. Nakailang bote na rin ata kami dahil kanina pa naman kami nandito kaya medyo tipsy na rin ang aking pakiramdam.

Of course, si Iya ay hindi masyadong umiinom pati si Thea ay konti lang ang iniinom, hindi ko alam kung bakit. Earlier, we saw her older brother so, maybe that's the reason kung bakit hindi siya masyadong umiinom dahil may bantay siya.

Maya maya lang ay bumalik na uli sina Harper sa amin and this time hindi sila pumayag na hindi ako sasama sa kanila. Hinayaan na nila si Iya and Thea pero ako ang hindi nila tinantanan. I don't have any other choice dahil ginamitan ako ni Harper ng birthday card so, I shouldn't be a kill joy.

We're now dancing and pagkatayo ko lang naramdaman na marami rami na talaga ang ininom ko dahil medyo umiikot na ang paningin ko. Hindi pa nakatulong ang malilikot na ilaw at magugulong mga tao sa dance floor.

We're now dancing and hindi ko alam kung sayaw ba talaga ang ginagawa ko. I feel that there is someone who is behind me pero hinayaan ko na lang at mas lalo pang ginalingan ang paggiling sa saliw ng maharot na musika. Siguro dala na rin ng kalasingan kaya nagagawa ko ang mga bagay na ito.

There's also something in my mind saying that I should do this para naman makalimutan ko si Ynex kahit papaano. Maybe I should find another man? He looks fine without me so, maybe that's the cue that I should have fun and forget him too? But there's also something in my mind and... heart saying that I shouldn't and I can't forget him.

Bumalik ako sa katinuan ng maramdaman kong humawak na sa bewang ko at mas lalo pang idinikit ang katawan sa akin ng taong sumasayaw sa likod ko. I can feel the heat from the stranger that pierce through my pink satin dress. Mas ginalingan ko pa ang paggiling at nararamdaman ko na rin ang hininga ng kasayaw ko sa aking batok.

It lasted for about ten minutes up until someone harshly grabbed me. Sa pagmulat ng aking mata natagpuan ko ang nagngangalit na mukha ni... Ynex. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala at nanatiling nakatayo lamang doon.

Bago pa ako makapagsalita at umangal ang kasayaw ko kanina ay hinatak na ako palabas ni Ynex. Nagpadala na lamang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang katunayan na nandito siya sa tabi ko.

Tumigil kami sa isang magarang sasakyan at binuksan niya ang pintuan. Hindi na ako nagbalak na magtanong pa at parang may sariling utak ang paa ko at humakbang na ng kanya papasok sa sasakyan ni Ynex. Pagkapasok ay sinarado na ni Ynex ang sasakyan at walang imik na pumasok at umupo sa driver seat.

Wala pa rin kaming imikan noong inistart niya ang makina ng sasakyan hanggang sa magsimula siya magdrive. Nanatili ang tingin ko sa unahan at natatakot na ibuka ang aking bibig. Kahit na maraming tumatakbo sa aking isipan ay pinili kong manahimik dahil natatakot ako na bigla akong sigawan ni Ynex.

Sinilip ko siya mula sa gilid ng aking mga mata at nakita kong masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya sa manibela. Mabilis din ang kanyang paghinga at nagtatagis ang kanyang bagang. Ramdam na ramdam ko ang galit niya mula rito sa kinauupuan ko.

Naramdaman kong sumulyap siya sa akin at siguro ay napansin niya ang takot ko sa kanya kaya medyo gumaan ang hawak niya sa manibela pero mayroon pa ring konting diin. Ang kanyang paghinga ay normal na hindi katulad kanina at hindi na rin gaano nagtatagis ang kanyang bagang.

Tumigil kami sa parke kung saan din kami nagpunta noong nagkausap kami tungkol sa kung anong meron sa kanila ni Sophia at kung saan din siya umamin ng kanyang nararamdaman at nagsimulang manligaw sa akin. Deja vu. Galing din kami sa Skye noon, ang kaibahan lang ay may kasayaw na akong ibang lalaki ngayon kumpara noong una na may kausap lang.

Naunang siyang bumaba pagkatapos ay umikot sa pwesto ko upang pagbuksan ako ng pintuan. Bumaba naman kaagad ako at sinarado na niya ang pintuan pagkababa ko.

Nauna akong maglakad sa kanya habang siya ay nakasunod sa akin papunta sa isa sa mga benches na mayroon doon sa parke at pinagpasyahan na umupo at ganoon din ang ginawa niya. Medyo malamig na dahil sa madaling araw na at dahil sa kanipisan at kaiklian ng damit ko ay napayakap ako sa sarili ko. Napansin siguro ni Ynex na nilalamig ako kaya binigay niya ang suot niyang leather jacket at pinatong sa balikat ko.

Ngayon ko lang natuunan ng pansin ang kanyang suot. He is wearing a plain black V-neck shirt that perfectly hugs his body and leather jacket na nasa akin na ngayon and it was paired with his black pants na humahapit sa kanyang mga hita habang loafers naman ang sapin niya sa kanyang mga paa.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. Napatingin ako sa kanya na hindi ko na dapat ginawa dahil naiilang ako sa talim na pagkakatitig niya sa akin na tumatagos hanggang kaluluwa ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik na lang muli ang tingin sa harapan.

"Who's that?" panimula niya.

Maybe he's pertaining to the stranger that was behind me earlier.

"Kabit mo?" paasik niyang tanong.

Napatingin ako kaagad sa kanya at sinamaan siya ng tingin. What the heck? Kabit? No way!

"Bakit? Hindi mo naman pwedeng tawaging boyfriend 'yon dahil as far as I remember, we didn't broke up."

"Hindi ko 'yon boyfriend at lalong hindi ko 'yon kabit," may diin kong sagot sa kanya.

He nodded, "That's good because I'm still your boyfriend unless may balak kang makipaghiwalay sa akin pero hindi naman ako papayag so, no," he said.

Napaamang ako sa sinabi niya.

"As far as I remember, iniwan mo ako ng walang paalam so, anong karapatan mong sabihin na boyfriend pa rin kita?" hamon ko sa kanya.

He smirked but it fade away easily as if he remember something that he didn't want to remember.

"Bakit? Sino ba 'yong nakikipaghalikan na agad sa iba wala pang isang buwan akong nawawala?" mariin niyang tanong sa akin.

I was puzzled by his remark but then something flashed in my mind that shocked me. Nandoon ba siya noong muntik na akong mahalikan ni Xanti sa may garden?

Xanti was our classmate before and matagal ko ng alam na may gusto sa akin 'yon pero hindi naman masyadong nagpapapansin sa akin 'yon dati lalo na noong nagsimula kaming magkasama palagi ni Ynex. Noong linggo lang na nawala si Ynex siya nagparamdam muli. At hindi ko inaasahan na may balak siyang halikan ako roon sa garden dahil ang sabi niya ay may itatanong lang daw siya sa akin tungkol sa group project namin.

Doon na siya nagconfess ng nararamdaman niya at handa raw siyang manligaw. Tinanggihan ko siya dahil sinabi ko na hinihintayin ko si Ynex pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa pero buti na lang ay sa gilid lang ng labi ko lumapat dahil nakaiwas ako agad. Mabilis ko naman siyang tinulak at sinampal.

Matapos ng insidenteng iyon ay hindi ko na siya muling kinausap kahit na araw araw siyang humihingi ng tawad sa akin. Pinatawad ko na lamang siya noong malapit ng matapos ang eskwela ng taon na 'yon.

Hindi ko inaasahan na makikita pala ni Ynex ang pangyayaring iyon. Kaya hindi agad ako nakasagot sa pinaratang niya sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya bumalik ako sa katinuan.

"H-hindi, Ynex. M-mali ka nang iniisip mo. H-hindi ko ginusto ang halik na 'yon. Maniwala ka sa akin. Tinulak ko siya at sinampal agad dahil basta na lang niya ako’ng hinalikan noon," kinakabahan kong paliwanag sa kanya.

Natataranta pa ako sa pagkuwento sa kanya ng detalye kung bakit kami napunta doon at kung bakit hinalikan ako ni Xanti.

Naramdaman ko naman na para siyang nabunutan ng tinik dahil sa nalaman.

"Talaga?" tanong niya sa akin

"O-oo, maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto 'yon at tsaka hindi naman lumapat sa l-labi ko. T-tsaka ikaw lang ang gusto kong gumawa noon sa a-akin," nahihiya kong sagot.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Matagal kong inasam 'to. Ang mayakap siyang muli.

"I'm sorry for leaving you. I'm s-sorry for getting mad at you this past few months without knowing the whole story. I'm sorry, nae agi. Please, forgive me," he said and place his head at the crook of my neck.

I softly rub his back, "It's okay. I understand."

Umiling iling siya, "No, it's not okay. I leave you without a word and accused that you already found someone after I left you."

"Shhh, it's okay. I mean it. You don't have to say sorry because I understand. Just don't do it again. Don't leave me again behind without a word and accused of that because I will never ever do that to you."

I didn't know why but I just feel myself crying in his arms. I let out all of frustrations, longings, and all of the emotions that I felt when he's away and what I feel right now.

He hushed me, "Hushed now, nae agi. I won't ever leave you again. I'm sorry for doing that."

He removed my arms around him and let me face him. His both big hands touched my face and with his thumb, he brushed away the tears that symbolizes how I miss and love him.

He touched my chin and made me look at him. As our eyes met, I saw a lot of emotions that flashes into his eyes. The longings, the worries and the love that he feel for me are all visible in his eyes. There are some emotions that I can't explain by words but I feel it within my heart.

"I love you, nae agi. Always. Even though we've been apart for how many months, my heart doesn't stop beating for you. I never stop loving you," madamdaming niyang saad gamit ang malamlam na mga mata.

"And I will never be," dugtong pa niya.

I burst into to tears again as I heard the phrases that I always wanted to hear before. My heart is enveloped with pure happiness and with his love right now.

"I love you too, Ynex. I love you with all of my heart. Just like how your heart never stops beating for me, my heart does too," I said as I cry until my heart content.

Ipinaglapat niya ang aming mga noo habang palipat lipat ang kanyang tingin sa aking mga mata at sa aking labi. The next thing he did surprised me. In just a split of seconds, our lips are now press to each other.

That's how we spend our night. Him hushing me until I stopped crying and I asked him to tell me what happened to him this past few months.

He said that after we talked through the phone the night that I said yes to him, they received an overseas call from the brother of Tito Yancel that his grandmother was sent to the hospital.

Hindi na raw niya alam ang nangyari after basta natagpuan na lang daw niya ang sariling nag eempake na ng mga gamit at nakasakay na sa eroplano. Noon lang daw niya napansin na wala ang cellphone niya na marahil daw ay naiwan niya sa kung saan man sa airport.

He doesn't had the time to contact me because right after they set their feet in New Zealand they immediately went to the hospital where his grandmother was rushed to. It was a sudden heart attack but thankfully she was immediately rushed to the hospital kaya naagapan agad.

At that day, nakalimutan na rin daw niyang mag iwan ng mensahe sa akin dahil sa sobrang dami ng tumatakbo sa kanyang isipan. He was comforting his grandfather and assisted him.

After the surgery, mas lalo siyang nawalan ng oras. Busy siya sa pakikipagpalitan sa mga pinsan niya sa pagbabantay sa kanilang lola at kung magkakaroon naman ng oras ay nakakatulog naman siya dahil sa pagod.

He just had the chance to contact me after one week when they decided to come back to the Philippines to get his school papers. They decided to stay there as per request of his grandfather and his grandmother right after she woke up after the operation. They stayed there until his grandmother was already healed.

Noong araw na sana ay kakausapin niya ako ay sakto namang nakita niya na binalak akong halikan ni Xanti but he already walked away and didn't saw what I did right after. Right now, they're going to stay again here for good at mas dadalasan na lang ang pagpunta sa Australia bilang kapalit ng pags-stay nila rito sa Pilipinas. They have business here so his parents need to manage it after months of being not here.

After two hours of talking with each other, he decided to take me home already kahit ayaw ko pa. He said that we will just going to see again tomorrow or should I say later in the afternoon. Pumayag na lang ako dahil ramdam ko ang pinalidad sa kanyang boses.

Hinatid niya ako sa bahay namin at hinantay na makapasok muna ako bago siya tumulak paalis.

Finally, We WonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon