9 - 12
bitches
9:55 a.m.
Paisley:
hooy! mga gaga kayo bakit niyo ako iniwan?
Sam:
ay siz, sino ka?
Teia:
hindi pa pala 'to nareremove dito sa gc
Iya:
remove ko later, magkakape lang ako
Paisley:
mga siraulo matapos ko kayong ilibre kagabi
Harper:
ghorl nakakahiya 'yung ginawa mo kagabi
Aia:
sapaksapakin ba naman 'yung tao kahit wala namang ginagawa sa kaniya
Aia:
'yung totoo? nakadrugs ka?
Paisley:
ano ba kasing ginawa ko? tsaka bakit nasa ibang kwarto ako?
Paisley:
worst, kwarto pa ni Ynex aaargh!
Reese:
magpasalamat ka na lang kay Ynex kasi kahit sinapak mo siya, inuwi ka pa rin niya
Teia:
hindi nga lang sa bahay niyo hehe
Sam:
hindi mo maalala 'yung ginawa mong kagagahan kagabi?
Paisley:
hindi siz malamang kung naalala ko hindi na ako magtatanong sa inyo dzuh
Iya:
ikaw pa maattitude, pasalamat ka hindi ka pa namin tinatakwil
Paisley:
ano nga kasing ginawa ko? paulit ulit ako magtatanong ha?
Paisley:
huli kong natatandaan e pumunta sa lamesa natin sina Ynex
Harper:
tapos after mong magpakalasing ghorl jusq kawindang windang ang mga ginawa mo
Sam:
barahin ba naman si Ynex tuwing nagsasalita siya amp
Reese:
murahin ba naman ng paulit ulit e wala namang ginagawa sa kaniya
Teia:
plus sampalin at hampas hampasin ba naman 'yung tao
Iya:
and last but not the least sinukahan mo si Ynex habang buhat ka niya papunta sa parking lot
Aia:
naalala mo na 'yung mga kagagahan mo?
Aia:
ngayon mo sabihin sa amin na hindi ka katakwil takwil dahil sa ginawa mo
Paisley:
SHIT. OMG.
Teia:
oo siz OMG talaga
Paisley:
ang tanga ko myghaaad
Sam:
ay buti alam mo
Seen by Paisley, Reese and Aia
