This is the ending, sorry kung may mali man. Sana intindihin nyo na lang po
Merry Christmas, I wish you have a best christmas today and also don't forget to thank God for this special event/day.
--------
Chapter 28/29: The Finale (EPILOGUE)
(Zef’s POV)
Sinalpak ko yung headset sa tenga ko habang nagiintay ng flight ko pabalik ng Canada. I miss my parents so much. I’m dying to see them.
>>Now playing: When It Rains By: Paramore<<
(A/N: it’s better to play the song while you’re reading)
Habang nakikinig ako ng kanta, naalala ko na naman yung nangyari kagabi
*Flashback*
*TOK*TOK*TOK*TOK*
Lumakas pa lalo yung pag-katok niya, pero hindi ko lang ito pinansin, naglakad lang ako papalapit sa may pinto para marinig siya. Narinig ko na ang pag-hikbi niya,
Bakit ganito kahit ang laki ng nagawa niyang kasalanan sakin, nalulungkot pa din ako kapag nakikita siyang umiiyak.
Bubuksan ko na sana yung pinto, nakahawak na ako sa door knob, pero pinigilan ko yung sarili ko.
“ZEF! PLEASE NAMAN MAG-USAP TAYO!!” hindi na natin kailangan mag-usap, aalis na din naman ako. Iiwan din naman kita. Kaya mas-mabuti na ito.
“PLEASE! PAKINGGAN MO KO! p-please..” cge papakinggan kita pero please din wag ka ng umiyak.
“Zef, alam kong andyan ka, alam kong naririnig mo ako” Oo Phoeliz, andito lang ako, nakikinig sayo.
“Gusto kong magpaliwanag” ano pa bang ipapaliwanag mo? Phoeliz, niloko mo ko. Yun lang sapat na. Sapat na para malaman kong di mo ko pinagkakatiwalaan.
“gusto kong i-klaro sayo lahat-lahat” wala ka ng dapat i-klaro Phoeliz. Nasaktan ako, ayun na yun.
“Siguro nagtatanong ka kung bakit ko pa kailangan magpaliwanag, no?” Hindi ako nagtatanong Phoeliz, dahil gusto ko ng tumigil ka na dyan. Manahimik ka lang dahil hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan.
Sinong hindi masasaktan dun? Phoeliz, hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga nararamdaman ko, hanggang ngayon nalilito pa din ako. Hinahanap ko pa din yung sarili ko, pero dahil sa ginawa mo hindi ko alam kung dapat ko pa bang hanapin yung sarili ko.
“Sa totoo niyan, hindi ko din alam” hindi mo din alam kung ano nararamdaman mo? Pareho lang tayo nahihirapan, kaya kung pwede lang tama na.
BINABASA MO ANG
Princess Maid
Teen FictionPhoeliz is like a princess because she's the UNICA HIJA of the number one billionaire of the Philippines but unexpectedly she will be challenged to face the real life which she never ever used to, but then a famous-new-celebrity Zef will be her guar...