(Phoeliz’s POV)
Kahit naka-formal attire pa ako,
Kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao
Kahit na parang mukha akong tanga dito
Naglakad pa din ako papuntang sakayan ng mga jeep, para makapunta sa village nila Zef.
Gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat, kahit ilang beses niya pa akong ipagtabuyan pipilitin ko pa ring magpaliwanag, kahit kunwari wala siyang naririnig di pa rin ako titigil sa pagsasalita.
Isa lang ang alam ko ngayon….
Ayoko siyang mawala
“MANONG DIYAN LANG PO SA TABI!!” siguro dahil sa kaba na din kaya pati pagpara ko pasigaw -________-
Nang ihinto na ni manong driver yung jeep sa may tabi ng village nila Zef, agad akong bumaba dito at naglakad papasok.
“Oops miss, bawal po outsider” harang sa akin nung guard
“Manong guard si Phoeliz po ako” -_______- buwisit na guard ‘to, naayusan lang ako hindi na ako nakilala.
“Oy! Ikaw pala yan iha,” di pa rin makapaniwalang sabi niya, mukhang manghang-mangha pa
“Sige pasok na po ako” pagmamadali kong sabi sa guard at sabay takbo papasok ng village.
Ilang hakbang pa bago ko marating ang bahay ni Zef, pero once na narating ko ang bahay niya, hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob ng gate ng bahay niya. Parati naman kasing bukas yun kapag may tao sa loob ng bahay, meaning andito nga siya-____-

BINABASA MO ANG
Princess Maid
Genç KurguPhoeliz is like a princess because she's the UNICA HIJA of the number one billionaire of the Philippines but unexpectedly she will be challenged to face the real life which she never ever used to, but then a famous-new-celebrity Zef will be her guar...