Nakita niyo na ba yung living room at kitchen ng bahay ni Zef?
look --->
------------------------------------->
(Phoeliz’s POV)
Buong hapon ako nagmukmok sa loob ng kwarto ko, kahit anong pigil ko sa pagtulo ng luha ko, hindi pa rin effective instead lalo lang akong naiiyak.
Naiinis ako, pero hindi lang sa nangyari, hindi lang dahil sa hindi ko kayang ipag-tanggol yung sarili ko. Kundi naiinis din ako sa mga taong nasa paligid ko.
Ayaw kong manisi ng ibang tao dahil sa nangyayari ngayon, kasi kung iisipin ako ang pumasok sa magulong buhay na ‘to. Kung hindi lang ako gipit ng mga panahong yun, hindi sana magulo ang buhay ko ngayon. Hindi sana masisira ang image ko sa maraming tao.
Wala na
Sirang-sira na ako at kahit anong buo ko dito, meron at meron pa ring bakas ng pagkasira nito.
Panigurado alam na rin ‘to ni Daddy, ano na lang sasabihin niya?
*insert tone here*
Maya-maya lang narinig kong nag-ring yung CP ko. Tinignan ko ito and it is Daphne calling, siguro alam na rin niya yung nangyari. Pinalala pa siguro ng tiga-media yung ginawang pag-tanggol sa akin ni Xander kanina.
*sigh*
I take a deep breath before I answer the call
“Hello” mahina kong sagot, baka kasi mahalata niyang umiiyak ako
“Sis, ano bang nangyari? Bakit ganun? Ilang araw lang akong nag-out of town tapos malalaman ko na lang na ikaw na ang trending sa twitter?” =____=?
“Ah ganun ba” hindi na ako masyadong nagsasalita baka kasi mahuli niya akong humihikbi, mahirap na.
“Sis! Sabihin mo nga sa akin kung anong secret mo. Papano maging trending sa twitter, bilis sabihin mo sa akin! Para sikat din ako!” masigla niyang tanong. Alam ba talaga niya ang nangyari? O nang-aasar lang talaga? >___________<
“Ang gawin mo, pakamatay ka na para maging sikat ka! Panigurado ikaw ang bida sa S.O.C.O o kaya sa Imbistegador!” sarcastic kong sabi, medyo nawala yung pageemote ko dito dahil sa babaeng ‘to, napalitan ng GALIT yung nararamdaman ko!

BINABASA MO ANG
Princess Maid
Teen FictionPhoeliz is like a princess because she's the UNICA HIJA of the number one billionaire of the Philippines but unexpectedly she will be challenged to face the real life which she never ever used to, but then a famous-new-celebrity Zef will be her guar...