thank you po sa vote ^_^
two chapters down sinipag ako ngayon ehh :))
---------------------------------------
(Phoeliz’s POV)
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko basta ako patuloy lang sa paglalakad. Ganito ako kapag nagagalit gusto ko muna mapag-isa, naglalakad lang kung saan-saan basta peaceful.
>_________________<
Pero kahit anong gawin kong paglalakad ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina ehh. Naiinis talaga ako sa ugali niya.
*sigh*
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP*
“Ay tokwa!!!” napa-tabi naman ako ng di oras dahil sa lakas mag-BEEP nung kotse. Grabe naman makapag-busina akala mo hari ng daan, upakan ko ‘to ehh >___< dagdag BADTRIP!
“Ay miss ok ka lang ba?” lumabas yung lalaki mula dun sa kotse niya and tinanong niya ako kung ok lang daw ba ako, ano kaya sa tingin mo? Muntikan mo na akong mapatay tapos ok lang ako? Grabe >___<
Hindi naman ako kumibo sa sinabi niya and pinagpag ko lang yung damit ko kahit hindi naman ‘to madumi >___<
“Miss?” pagtatanong ulit nito
“ANO?!!!” pa-sigaw kong sabi and napatingin ako sa kaniya, but when I saw him nanlaki yung mga mata ko “IKAW!” pagtuturo ko dito, tama siya yung lalaki kanina na dinala ako sa hospital tapos bigla na lang akong iniwan, hanggang ngayon ganun pa rin yung outfit niya naka-shades na itim. Di purket parati siyang naka-shades hindi ko na siya makikilala dahil sa kaniya naligaw ako at dahil sa kaniya may big issue ngayon! >___<
“Miss?” pagtataka niyang tanong, anak ng tinapa nga naman! Hindi ba niya ako nakikilala? Gusto niya pamukha ko sa kaniya lahat ng karumaldumal na ginawa niya sa akin? >___<
“Miss ka ng miss wala ka na bang alam na word kundi miss? Ang kapal mo rin pag-tapos mo akong iwan sa hospital kakalimutan mo na ako?!” sinigawan ko siya and lahat naman ng tao napa-tingin sa amin bigla na lang niya akong inakbayan and humarap siya sa mga taong naka-tingin sa amin
BINABASA MO ANG
Princess Maid
TienerfictiePhoeliz is like a princess because she's the UNICA HIJA of the number one billionaire of the Philippines but unexpectedly she will be challenged to face the real life which she never ever used to, but then a famous-new-celebrity Zef will be her guar...
