Chapter 16: phone number

8.1K 121 0
                                    

-------------------------------------------

(Phoeliz’s POV)

 

 

“T-teka nga? Saan ba tayo pupunta?!” kanina pa niya ako kinakaladkad pero ni isang salita hindi man lang siya sumagot ang tanong ko >_____<

Pumiglas na ako at pwersahang tinanggal yung kamay ko sa pagkakahawak niya, kung kanina kinikilig ako dahil sa sinabi niya sa pres pero ngayon nababanas na naman ako sa ikinikilos niya >____<

Napatigil siya sa paglalakad and nilingon niya ako

“Uuwi na tayo” ayun lang yung nasabi niya, pero kitang-kita ko yung pagaalala niyang mukha, pero hindi ko alam kung sa akin ba siya nag-aalala, o kung saan na hindi ko alam.

“Umuwi ka mag-isa!” tumakbo ako papalayo sa kaniya, hindi ko alam pero naiinis ako sa ikinikilos niya parang may something na hindi ko alam >____<

Uuwi daw kami? Eh hindi ko nga alam kung saan niya ako dinadala, akala ko nung una sa parking lot. Pero nagtuloy-tuloy pa kami hanggang sa eto, andito na lang kami sa park. Ewan ko kung saan park ‘to.

Basta ang alam ko naiirita na ako sa ikinikilos niya kaya nakuha ko ng pumalag at iwan siya

Napatigil na lang ako sa paglalakad ng makita ko si Sophia na umiiyak.

Ewan ko pero nang-makita ko siyang umiiyak biglang nawala yung galit ko sa kaniya. Ang natira na lang ay awa. Naawa ako sa kaniya dahil halata sa kaniya na sobra lungkot niya, bawat hikbi, bawat patak ng luha, katumbas ng sakit ng damdamin na dinadala niya

“Oh” lumapit ako sa kaniya at inabot ang handkerchief ko, tinignan lang niya ako ng masama sabay taboy sa kamay ko dahilan para mabitawan ko yung handkerchief ko

Pinulot ko lang yung handkerchief ko and pilit kong kinuha yung kamay ni Sophia para hawakan ito.

“Di bagay sayong umiyak” sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at napilitan na rin siyang gamitin yung handkerchief ko

Patuloy lang siya sa pag-punas ng luha niya ako naman tumabi sa kaniya, kung saan siya naka-upo

Princess MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon