"Tignan mo si Stanley. Ang gwapo niya!"
"Nag ka girlfriend na kaya siya? Kung hindi pa, sana ako na lang."
"There goes my prince charming."
Prince Charming? PRINCE CHARMING! Charming ba siya! Ang isang napaka-walang hiya naging charming pa! Ano ba namang klaseng mga babae na ito, parang walang pinag-aralan. Hindi ba nila nakikita na si Stanley Santiago yung dream guy nila, si Stanley na suplado at salbahe! Nako, kung kami na lang ni Stanley ang naiwan sa mundo na ito, magpapakamatay na ako! Hindi ko kakayanin. "Tignan mo. Ang gwapo niya Daphne. Just look at him." Napatingin ako sa best friend ko na si Stella, ano naman ang nakain nito? "Pati ba naman ikaw Stella. Hindi mo ba nakikita na isa siyang mayabang at suplado na lalaki. Ang pagkakaalam ko hindi ka naaatract sa mga ganyang lalaki."
Well, totoo naman eh. Kilala ko si Stella, ang mga gusto niya sa isang lalaki ay gentleman at gwapo. Pero isa lang ang meron si Stanley, ang looks. Hindi siya yung tipong lalaki na gentleman. "Well, pagod na ako sa kakahanap ng gentleman. At narealize ko na wala nang gentleman sa mundo ngayon." Nahihibang na ba siya? Dahil lang na hindi siya nakakita ng isang gentleman, nag give up na siya. At na in love pa kay Stanley. "Hay nako. Ako na nagsasabi sayo Stella. Pigilan mo yan." Tinignan ba naman ako na parang baliw. Eh totoo naman yung sinasabi ko. Ang mga lalaki kagaya ni Stanley ay mahirap mahalin at sasaktan ka din. "Bakit ba? Kilala mo ba siya? Teka, may crush ka sa kanya noh?"
Ako naman yung tumingin sa kanya na parang baliw na nakawala sa mental. "Ano ka ba! Wala akong gusto sa kanya! Kadiri ka naman." Tamang tama at pumasok na din yung prof namin. "Okay! Meron tayong bagong seating arrangement." Sa wakas din. For the first time in forever. Sana ngayon sa harap na ako. Ayoko dito sa gitna. "Okay, magsimula tayo sa last row. From left to right. Lucas, Blake, Stanley and Daphne."
YOU'VE GOT TO BE KIDDING ME!
BINABASA MO ANG
My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}
RomanceLahat tayo ay may good and bad side. Pero ang madalas nating nakikita ay ang bad side ng isang tao. Hindi man lang natin binibigyan ng chance para makilala sila ng lubusan, basta kung ano ang ipinapakita nila ganun ang tingin ng lahat sa kanila. Si...