CHAPTER 5

408 25 1
                                    

Lahat lahat 600 ang nabayaran niya. Nahiya tuloy ako sa kanya, kasi naman hindi kami close. Baka isipin lang niya na ginagamit ko siya dahil mayaman siya. 

"Salamat nga pala sa treat mo. Sorry kung mahal yung nabayaran mo."

"Ano ka ba, ok lang yun. At isa pa, masaya ako na sa lahat ng pwedeng ikulong sa room ng 5 oras ikaw yung nakasama ko."

And he's back to his old self. Bolero talaga.

Ngumiti lang ako. Binuksan niya yung pinto at pinauna akong lumabas tapos sumunud siya. Hmp, may pagka gentleman din pala, o nagpapanggap lang. With this guy, you will never know.

"Hatid na kita sa dorm mo. 7pm na." sabi niya, umiling ako.

"No thank you. Pupuntahan ko pa kasi si kuya sa hospital eh. Tapos kaya ko nang maglakad pauwi."

"Hindi ako papayag na maglalakad ka pauwi sa inyo, hindi safe dito sa campus. Baka pagtripan ka ng mga sira ulo jan, baka kung ano pang mangyari sayo. Hindi ako papayag. Sasamahan na lang kita sa hospital at sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita sa dorm niyo."

Aba talagang may pagka gentleman din pala siya. Attractive.

"Sige na nga!"

Sinamahan niya akong tumawid at papasok sa hospital. Natawa siya bigla.

"O ano nakakatawa?"

"Wala lang. Naisip ko lang kasi, pano kaya pag nakita ako nila mommy at daddy dito na kasama ka."

Wag mong sabihin na.....

"Santiago Hospital. Kayo may-ari nito?!?!" Pagulat akong nagtanong. 

Natawa uli siya.

"Oo. Gulat na gulat ka ata jan." natawa na lang ako sa reaction ko. "Well, unexpected kasi eh. Ano pa ba ang meron kayo?"

"Well, may resort kami sa Florida, Singapore, Japan, Korea at may 8 beach house kami sa LA at 8 sa Australia."

Wow, ang yaman nga naman nila. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinakahiya niya akong makasama at makita ng magulang niya. Tignan mo nga naman ako, halos walang wala na. Siguro pag may nakakita sa amin na taga klase baka ang isipin nila ginagamit ko lang si Stanley. Pero bakit parang ang bait niya sa akin ngayon? Dahil ba narinig niya ang pinagusapan ko kanina sa phone na naawa siya? O pinaglalaruan lang ako at eto naman ako nagpapatuto. Hay, ang hirap naman. Di ko na kaya.

"Daphne? Ok ka lang?" bumalik ako sa katotohanan nang nagsalit siya. 

"Ha? Ah oo ok lang ako." 

Dapat ko kaya itanong ko sa kanya? Screw this, wag na nga. Siguro naman pag natapos na itong moment namin makakalimutan na niya lahat at babalik na siya sa dating suplado at salbahe niyang ugali. Kaya why bother diba?

"Eto na ba?" tanong niya nung tumigil kami sa room 22. Nag oo ako at pumasok at nakita ko si Shane at ang kanyang mga gamit sa loob ng room. 

"Shane? Ano ginagawa mo dito?" pumasok kami.

"Ate! Wala na akong bahay diba?" ay oo nga pala, nakalimutan ko.

"Ay oo nga pala. Hi kuya!" bati ko ng naka ngiti sa kanya. Ayokong maikta niya akong nasasaktan o nalulungkot o umiiyak dapat ang makita niyang Daphne ay matapang at masayahin. 

"Hey Daph!" parang nanghihina na siya, boses pa lang halata na, pero I need to look brave for him and my little sister. "Kumusta ka na kuya?" lumapit ako sa kanya at hinalikan niya ako sa cheeks. Naka ngiti pa naman siya eh. Kaya, lumalakas ang loob ko pag nakikita ko siyang masaya at kinakaya.

"Eto, ganun parin. Lumala pa lalo. Sorry ah." pigilan ang mga luha Daphne! 

"Kuya naman! Bakit ka nag sosorry? Hindi mo naman kasalanan eh. Makakaraos tayo, tiwala lang kuya." sabi ko sa kanya na nakangiti. As always.

Ngumiti din siya for the first time. At napatingin siya kay Stanley. "Friend mo?" tanong niya.

Tumingin ako kay Stanley at nakita ko na naka ngiti siya. Lumapit siya sa amin. Friend ko? Ano sasabihin ko?

"Opo, friend niya po ako. Ako po si Stanley Santiago." sabi niya habang nakipag shake hands kay kuya. 

Magalang.

"Mabuti naman at may iba ka nang friend besides Stella." sabi ni kuya. Hay, si kuya talaga. Nakakahiya tuloy.

"Kuya naman! Parang sinasabi mo din na wala akong ibang kaibigan."

Tumawa siya, "Parang ganun na nga."

-_-

My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon