CHAPTER 12

301 21 1
                                    

Pagdating namin sa dorm namin ni Jasmine nakita namin na wala si Max sa labas. Nagpalipas kami ng 3 hours bago pumunta, baka napagod si Max kakahintay sa wala. Pero, natatakot ako na baka pagbukas ng pinto nasa loob pala siya may hawak na itak. 

"Ikaw!" sabi ni Jasmine sa akin, kung tutuusin nga mga 10 mintues na kaming nakatayo nagtatalo kung sino ang magbubukas ng pinto. 

"Ayoko nga! Ikaw na!! Dali na!!"

"Ayoko....ayoko....AYOKO!! Magisa ka!! Hindi ko bubuksan yan!!"  UGH!....nakakainis!!

"Ikaw! Nasa-iyo yung susi." hinagis niya ang susi sa akin,

"Wala na sa akin. Nasayo na!! Kaya, BUKSAN MO NA!" sigaw niya! Hinagis ko ang susi pabalik sa kanya. 

"AYOKO!" hinagis niya pabalik sa akin at tumama sa ulo ko. "ARAY!"

"BUKSAN MO NA!" sigaw niya! 

"Masakit ang ulo ko kaya AYOKO!!" sigaw ko.

"Girls! Nakatayo na tayo dito ng mahigit 10 minutes!! Gustom na ako kaya buksan niyo na!" sigaw ni Blake, ang isang kaibigan ni Stanley.

"AYOKO!" sigaw namin sa kanya. "Stanley!" tumingin siya kay Stanley at tumingin si Stanley sa amin sabay kinuha yung susi sa mga kamay ko. "Wag! Baka nasa loob siya at may hawak na itak! Baka kung ano pa mangyari sa iyo!" sabi ko, binigyan niya ako ng maliit na smile, "Ok lang ako. Walang mangyayari kung magtatalo na lang tayo kung sino magbubukas kaya ako na!" 

Hay.......Stanley kung masaksak ka talaga! BAHALA KA! Binuksan niya dahan dahan ang pinto at sumilip. "Ano?" tanong ko, ngumiti siya sa akin, "Wala namang tao." tumawa siya. Hay....buti naman.

"Okay, Blake, Josh and Jake, dito lang kayo sa labas, bantayan niyo baka dumating bigla si Max. Sasamahan ko sila sa loob." nag oo yung tatlo at tumakbo kami papunta sa loob. Buti naman walang nagbago. Baka hindi nakapasok.

"Okay! Girls, uupo lang ako dito! Gawin niyo na yung dapat niyong gawin at dalahin niyo na ang dapat niyong dalahin. Bilisan niyo lang. Baga biglang dumating si Max." nag oo kami at nag hiwalay kami ni Jasmine. 

Kinuha ko yung gym bag ko, kinuha ko yung pajamas, extra clothes at yung mga chu chu ko, like makeup, toothbrush, napkin and etc. Dinala ko din yung laptop ko at yung phone charger at yung wallet ko na may laman na pera na inipon ko, baka kasi bumalik si Max at makealam at makita pa wallet ko. Paginitan pa. Lumakad ako papunta sa desk ko at binuksan ko yung drawer para kunin yung laptop charger ko nang may nakita akong note. 

Kanino kaya galit ito? 

Kinuha ko yung boring white paper at binuksan. 

Daphne. Hindi pa tayo tapos. - Max

OMG! Nakapasok siya?!! Bigla akong kinabahan at natakot. Nagmadali na ako, paikot ikot na ako sa room para makuha ko yung mga kailangan nang mabilis. Sabihin ko kaya kay Stanley?!

Wag na lang kaya! Mamaya na lang!! 

"Tapos na ako!" sinabi ko sabay umupo sa tabi ni Stanley na hingal na hingal. Tumawa siya.

"Kanina ang tagal mo tapos bigla kang bumilis. Anong meron? Anong nakain?" tanong niya. Tinignan ko siya ng masama at tumawa lang siya. Bastos.

"Magbabanyo lang ako!" tumayo ako at pumunta sa banyo. Binuksan ko ang ilaw at may napansin ako sa salamin. 

I WILL KILL YOU! - MAX


Napasigaw ako sa takot. "DAPHNE!!" sigaw ni Stanley sa labas ng pinto, bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hindi ako maka galaw! Natatakot na ako! Nag pa lingon lingon ako sa paligid, wala naman si Max. Pero everywhere may nakasulat nang kagaya nang nasa mirror. Naka red paint pa parang blood talaga! At napansin ko naka bukas yung bintana nang cr namain. Hindi namin ito binubuksan ah! Biglang may lumipad na papel galing sa labas. "DAPHNE! BUKSAN MO ANG PINTO!!" sigaw ni Stanley, pero hindi ako nakinig, pinulot ko ang papel at binuksan ko. 

You screamed! Scary much? 


Ang nakasulat sa papel. OH MY GOSH! Hindi kaya nandito siya sa loob nung nagtatalo kami sa labas at lumabas na lang siya dito sa window. Hindi pa naman masyadong mataas yung room namin nasa 1st floor kami. Napatakbo ako papunta sa pinto, pero ayaw mabuksan. Kinakabahan na ako. Baka biglang pumasok si Max galing sa labas at patayin ako dito sa loob. AYOKO PANG MAMATAY!!

Dali-dali kong binuksan ang pinto at tumakbo ako palabas nang hindi nakatingin sa dinadaanan hanggang may nabunggo ako. Napasigaw ako sa takot.

"Daphne! Ok ka lang? Anong nangyari sayo sa loob? Bakit parang takot na takot ka?" 

Si Stanley lang pala.

Napaiyak ako sa takot.

"Shh, wag ka nang umiyak. Nandito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo." niyakap ako ni Stanley ng mahigpit for the first time. 

"OH MY GOD!" Narinig ko si Jasmine sumigaw sa loob ng cr. At narinig ko na sinirado niya yung window at tumakbo siya palabas. 

"GUYS! WE NEED TO GO! NOW!" sigaw ni Jasmine. Pumasok si Blake at kinuha ang mga gamit ko.

Nilock ni Jasmine yung room at sabay takbo kami papunta sa sasakyan ni Stanley at sabay alis agad. 

MAX'S P.O.V.

Nakita ko silang dalawa, si Jasmine at si Daphne na pumasok sa sasakyan ni Stanley na may kasamang tatlong lalaki. Walang kapatawaran ang pinagsasabi ni Stanley sa girlfriend ko! At dahil sa babae na yon nakipag break sa akin si Leash! At hindi sinabi yung dahilan. WALANG UTANG NA LOOB! Humanda sa akin yang Daphne bukas!

Hindi pa ako tapos, nagsisimula pa lang ako. At patay sa akin yang Stanley na yan! 

PAPATAYIN KO KAYONG DALAWA!

My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon