1 second na ang nakalipas di ko na kaya ito. "Salamat ha! Ngayon may bad record na ako!" sabi ko, pero nanahimik lang siya. Ano kaya ang nalanghap nito? Umupo ako sa may bintana at tumingin sa view. Ang strange, kami lang ni Stanley, alone dito sa room for 5 hours. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan talaga ako. Aba malay ko ba kung nagiisip pala siya ng masama kaya tahimik. Kaya mas mabuti pang lumayo na lang sa kanya. Baka mabuntis pa ako ng wala sa oras.
Nagulat ako nang may nag vibrate sa pantalon ko. May tumatawag. Sino naman ang tatawag sa akin ngayon? Tinignan ko at si Shane lang pala. Sinagot ko.
"O bakit ka napatawag Shane? Anong nangyari?"
"Ate! May problema na tayo!" sabi niya habang umiiyak, bigla akong kinabahan.
"Ano? Okay lang ba si kuya, buhay pa ba siya!"
"Oo ate. Buhay pa si kuya."
"Eh ano problema?"
"Wala na tayong bahay! Pinaalis na ako dito! Saan tayo titira ngayon? Buti ka pa may dorm ka jan."
Hala, hindi siya naka bayad ng upa kaya pinaalis. Kailangan ko talaga mag trabaho, para makatulog din kay ate, 10,000 lang ang kinikita niya buwan buwan, at hindi pa sapat yun para sa amin. Kailangan pa namin ng higit 1 million para mabuhay. Mahigit 100,000 na ang bill ni kuya sa hospital, tapos 10,000 yung upa nang bahay, may 120,000 tuition fee pa ako na babayaran taon taon, hindi pa kasama yung bill sa light and water at yung dorm. Pano naman kami mabubuhay niyan?
"Shane, makinig ka sa akin. Dun ka muna kay tita tumira pansamantala lang." sabi ko sa kanya. Alam ko na ayaw niya dun, eh maski ako ayaw ko din dun pero wala na kaming ibang choice. Si tita lang ang nandito sa manila.
"Ano ka ba ate! Ayoko dun! Baka kung ano mangyari sa akin."
"Wag ka na magreklamo! Eh kung may mangyari man tumawag ka ng police! Look, kailangan ko pa mag hanap ng isa pang trabaho."
"Ano! Nagpapakamatay ka ba? Nag-aaral ka sa umaga tapos trabaho sa gabi tapos kailangan mo pa ng isa! Wag na!"
"Ano ka ba Shane! Hindi pa sapat ang kinikita ni ate sa Singapore. 10,000 lang yun. Mas mahal pa dun ang bill sa hospital tapos yung pangkain pa natin. Sinusubukan ko na nga na mag trabaho para sa tuition fee ko, kasi ayoko nang dumagdag pa. Hindi pa nga sapat yung 10,000 sa gamot ni kuya!"
"Pero ate, hindi mo na kaya." Huminga ako ng malalim. Alam ko na hindi ko talaga kaya, pero kailangan ko maging matapang.
"Shane, kakayanin ko. Ngayon, kailangan ko tawagan si ate. Sige bye."
"Bye."
Ang problema nga naman, hindi pa nababawasan may dumagdag pa. Papano na kami ngayon. Si kuya, stage 3 na yung cancer niya sa blood tapos si Shane wala nang matirahan ngayon. Kumusta na kaya si ate sa Singapore?
After 3 rings sumagot din si ate.
"Hello?"
"Ate si Daphne ito." nagpakilala na nga lang naiiyak na ako.
Lumakad ako papunta sa likod, malayo kay Stanley, dahil ayoko na makita niya akong umiiyak o marinig man lang. Kailangan ang makita lang niya ay ang matapang na si Daphne na perpekto ang buhay. Hindi yung Daphne na nahihirapan sa buhay.
"O Daph, tamang tama napatawag ka. May sasabihin ako sayo." sabi ni ate, ano kaya yun? Kinakabahan na ako. Hinintay ko siyang magsalita.
"Daphne. Wala na akong trabaho. I'm Sorry." sabi niya nang umiiyak siya. I couldn't take it anymore, napaiyak na din ako. Umupo ako sa sahig na nakaharap sa wall at nakatalikod kay Stanley. Ano ba namang buhay ito.
"Ano? Bakit?"
"Nakita kasi nila ako sa bar. Eh against the rules. Sorry talaga."
"Ate, bakit ngayon pa?" hindi ko na kinaya, umiyak na din ako.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Ate, kahapon nalaman namin na stage 3 na ang cancer ni kuya at kailangan niya sa hospial palagi, at kanina tumawag si Shane. Ate, wala na siyang bahay na matuluyan. Ate hindi ko kaya mag double jobs sa isang araw. Hindi pa nga sapat yung 10k para sa atin tapos ikaw nakuha mo pang mag bar jan sa Singapore! Ako nga itong nagtataguyod ng pamilya natin ngayon! Pero ngayon na wala ka nang trabaho, kailangan ko na mag apply ng isa o dalawang jobs para mabuhay tayo!"
"Wag! Hindi mo kaya yun! College ka pa lang! 18 ka pa lang! Wag mo pahirapan sarili mo Daph."
"Ano gagawin ko? Panoorin na mahirapan ang mga kapatid ko! At mag bar!? Ate hindi ako kagaya mo na sa gitna nang ganitong problema nakuha mo pang mag bar! Ate kahit anong oras pwedeng mamatay si kuya!"
"Wag mong sabihin yan! Mabubuhay parin si Anthony, wag ka lang mawalan ng pagasa."
"Panong hindi ako mawawalan? Eh kung ngayon palang, wala na tayong pera. Ate, nahihirapan na din ako. Sa tingin ko kailangan ko mag drop out sa next sem."
Kailangan na talaga! Masyadong mahal ang bayad bawat sem, 20,000 tapos kailangan ko pa mag trabaho ng mga 3 para kumita at kung tutuusin, hindi pa sapat. Tignan mo nga naman, 18 years old, namomroblema na ng pera.
"Wag mong gawin yan! Kahit anong mang yari, mag patuloy ka lang. Ako na ang bahala dito, maghahanap ako ng bagong trabaho."
Masarap man pakinggan pero, wala na aking tiwala. Nakuha nga niyang mag bar tapos natanggal pa sa trabaho.
"Sige na nga." I lied. Nagpaalam siya at binaba na yung phone. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha bago ako humarap kay Stanley. Pagkaharap ko umupo ako sa isang upuan sa harap ng room at hindi malayo kay Stanley. Wala na akong pakialam sa gagawin ni Stanley sa akin, bahala na.
"Tsk tsk tsk." napatingin ako sa kanya. "O bakit?"
"Ikaw na ang tumataguyod sa pamilya niyo? Kakaiba nga naman ang mahihirap, ang mga anak ang naghahanapbuhay. Mabuti at mayaman ako." aba ang kapal! Kung makapag salita parang alam niya yung tunay na dahilan. Pinili ko na lang na iwasan siya. "Hindi ko alam kung bakit ko ito sasabihin pero, Daphne, 18 ka pa lang, hindi mo kaya mag triple jobs sa isang araw tapos may klase ka pa sa umaga." aba at naiba ata yung ihip ng hangin ah. Anong nalanghap nito? Napatingin ako sa kanya.
"Nakikinig ka ba sa usapan kanina!?"
He just shrugged. Kakaiba talaga ang mayaman. "Baliw ka! Bakit ka nakikinig ng usapan na may usapan?"
"Hindi ko naman sinasadya yun eh, narinig ko lang. Pero serious ako, hindi mo kaya."
"Ewan ko sayo! Wala ka na dun! Tsaka FIY, kinakaya ko naman eh. Kailangan ko lang talaga nang tiyaga."
"Bakit ba ikaw na lang ang nagtataguyod ng pamilya niyo?" tanong niya, well hindi naman siguro masama kung sabihin eh.
"Si daddy kasi wala na. Si mommy naman may iba nang pamilya, at naiwan kami. Si kuya may sakit, si ate naman nagtatrabaho din sa Singapore kaso natanggal, tapos yung pinaka bata namin na kapatid ay walang matitiran......Teka! Bakit ko nga ba sinasabi sa iyo! Wala ka namang pakialam sa buhay ko ah!"
Tumawa siya. "Wala nga. Interesting lang kaya nagtanong ako."
"Buhay ko? Interesting? Nahihibang ka ba!?"
"Ang ibig kong sabihin ay, may ganyang klaseng buhay pala." mayaman nga naman talaga, hindi alam kung anong klaseng buhay ang meron. Parang pag mayaman ka, tila fantasy, pero pag mahirap, yun ang realidad! "Tsk tsk tsk" sabi ko habang umiiling ang ulo ko. "O bakit nanaman? Bahala ka na nga jan!"
Napangiti na lang ako. Ang cute din pala niya, kaso bagsak ang ugali.
BINABASA MO ANG
My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}
Storie d'amoreLahat tayo ay may good and bad side. Pero ang madalas nating nakikita ay ang bad side ng isang tao. Hindi man lang natin binibigyan ng chance para makilala sila ng lubusan, basta kung ano ang ipinapakita nila ganun ang tingin ng lahat sa kanila. Si...