*1 week later*
So, it's settled. We're going to Los Angeles!! AWESOME!!
Since nung nangyari sa akin last week, lumipat na kami ni Jasmine sa pention house nila Stanley. And of course hindi lang kami ang babae doon. Yung girlfriend nila Jake at Blake, doon na din nakatira, kasi naging target din daw ni Max or nang mga tropa ni Max kaya dun na din.
Minsan natatawa at naaawa ako sa mga taong nakakasalubong nila Max, natatawa kasi kung maka react parang may killer at naaawa dahil ang rude ni Max!
Pero simula last week sabay kaming lahat pumasok, since mostly 1st period namin sa History naman eh. I was really hoping na bumalik na ang portfolio ko...kahit wag na yung books, basta yung drawings ko, I can't lose them! It's my life!
Now it's my turn na samahan nila ako sa locker ko, and I'm hoping na sana nasa loob na yung mga gamit ko. I entered my code at binuksan ko. Wala nanaman! UGH!
"Nakakainis!!!!" pasigaw kong sinabi, napatingin ang lahat sa amin,
"Ano nanaman yan?" tanong ni Jasmine, napipikon na ako, wala sana akong planong sabihin sa kanila, eh ngayon na buking na!
"Yung mga libro ko at yung portfolio ko! 1 week nang nawawala! Napipikon na ako! Napaka immature nang kumuha nun!"
"Ano! Bakit hindi mo sinabi agad sa amin para sana, last week nahanap na natin!" sabi ni Stanley, hay kung makikipag talo nanaman siya. wala ako sa mood.
"Eh akala ko kasi mahahanap ko within 1 week. I mean, kahit wag na yung books, basta yung portfolio ko kailangan kong mahanap yun!"
"Yung art portfolio mo?!" tanong ni Jasmine, isa din siyang fine arts student major in painting din. So, alam niya ang feeling na mawalan ng drawings.
"Oo. Nandoon lahat ng mga master piece ko! Paintings, mostly sketches na ipapaint ko pa."
Lumakad si Stanley sa gitna ng hallway at sabay tingin sa akin at ngumiti.
"LAHAT KAYO! MAKINIG! KUNG SINO MAN ANG KUMUHA NG MGA LIBRO AT PORTFOLIO NI DAPHNE AY MALALAGOT SA AKIN!"
HA! Baliw ba siya! Tumakbo ako papunta sa kanya, "Ano ka ba!! Wag mo isigaw!" pero hindi nakinig ang kumang, ngumiti lang sa akin.
"MAGBIBILANG AKO NG TATLO! KUNG SINO MAN ANG KUMUHA, DAPAT IBALIK KAY DAPHNE, NGAYON DIN! AT KAPAG NAKARATING NA SA TATLO AT WALA PA, HUMANDA KAYO SA AKIN!"
Bakit ba naman kasi naging kaibigan ko tong tipaklong na to!!
"ISA!"
Napalingon ako sa kanan kung saan may tatlong lalaki na mukang natataranta.
"DALAWA!"
Sabay takbo nang tatlong lalaki papalapit sa amin na may dalang malaking trash bag.
"TATLO!" sigaw ng malakas ni Stanley.
"Nandito na po!! Eto, sorry at bye!" sabi ng isang lalaki, tatakbo sana kaso hinablot ni Stanley yung backpack nila.
"BAKIT NIYO PINAGLALAROAN SI DAPHNE! SINO BA KAYO PARA GAWIN YUN!" wow, ngayon ko lang naranasan na may nagtatanggol sa akin, masarap din pala sa feeling.
"Napagutusan lang po kami!" huh? Sino naman kaya ang isip bata na yon? At kung gusto niya akong kalabanin, bakit hindi siya ang humarap. Ang duwag nga naman!
"SINO!" sigaw ni Stanley sa kanila.
"Stanley! Kalma lang. Wag mo silang sigawan. Ang sigawan mo yung mastermind na lang." pero naka tingin parin siya sa mga lalaki. Ang hot pala niya pag galit siya. Nakaka-pogi points naman. Ngayon ko lang na realize.
BINABASA MO ANG
My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}
RomansaLahat tayo ay may good and bad side. Pero ang madalas nating nakikita ay ang bad side ng isang tao. Hindi man lang natin binibigyan ng chance para makilala sila ng lubusan, basta kung ano ang ipinapakita nila ganun ang tingin ng lahat sa kanila. Si...