CHAPTER 16

120 5 1
                                    


"Daph, saan mo nga ulit gusto pumunta?" 

Napatingin ako kay Stanley. "Ha?"

"Paulit-ulit?"

Ayan nanaman siya. I rolled my eyes at him. "Sa London!" 

"Ayun! Gets naman pala!" sabi niya. 

Tinulak ko siya at tumayo sa kama. "Ewan ko sayo!"  

Lumabas ako ng room at pumunta sa kusina. Ang aga aga nanggugulo na si Stanley. Ano ba namang buhay toh!

"Eh saan mo pa gusto pumunta?" 

Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng isang oreo then umupo ako sa dining table. "Bakit ba?" tanong ko sa kanya. Binuksan niya yung fridge at kumuha ng milk tapos sabay kuha na din ng dalawang baso tapos umupo sa harap ko. "Wala lang. Gusto ko lang malaman para sa project natin." sabi niya habang naglagay siya ng milk sa baso at inabot sa akin. 

"Well, gusto ko pumunta sa Paris, Greece, Italy, Scotland, Ireland, Germany at Spain."

"Sana sinabi mo na lang na buong Europe." sabi niya. 

"Ewan ko sayo Stanley."



***


"Alis na ako. Bye!" Sigaw ko sabay labas ng pinto. 

Di pa ako naka layo, nakita ko nanaman yung mga lalaki na nakita ko kagabi na muntik na akong marape! 

"Shet." sabi ko sa sarili ko sabay balik sa penthouse ni Stanley. Dali-dali akong pumasok ng pinto at nakita ko si Stanley na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. "Aga mo naman umuwi." sabi niya nang hindi tumutingin sa akin. 

"Hatid mo naman ako." sabi ko.

Napatingin siya sa akin. "At bakit ko naman gagawin yun?" 

Umupo ako sa tabi niya. "Please? Lilibre kita ng pizza, ihatid mo lang ako sa hospital." 

"Bakit?"

"Dali na! Hindi mo naman kailangan mag stay dun, basta ihatid mo lang ako tapos ako na lang uuwi magisa mamaya. Ngayon lang. Please Stanley?" never akong nag makawa sa halimaw na toh, pero kailangan eh. 

"Fine. Bored din naman ako dito. Pero ma bobored din naman ako mamaya kaya hatid na lang kita." sabi niya sabay tayo tapos kinuha yung car keys niya. "Di ka na magbibihis?" tanong ko. Binuksan niya yung pinto, "Wag na." 



"Bakit ka nga pala bumalik para magpahatid lang?" tanong niya habang nag dadrive. 

Sabihin ko ba?

Wag lang muna. Later na lang. 

"Wala lang. Na-realize ko na nakakapagod mag lakad."

Tumingin siya saglit sa akin tapos balik sa road. "Bullshit Daphne." 

"Anong bullshit! Nag tanong ka! Sinagot ko. Anong bullshit dun?"

"Hindi ka nagsasabi ng totoo."

Nag sigh lang ako sa tumingin sa labas ng bintana. "Wala ako sa mood." sabi ko. 

"Sige, I'll let it slide. Pero mamaya, humanda ka." 




Pumasok kami sa hospital at halos lahat ng staff, kilala si Stanley. Palibhasa anak siya ng mayari ng Hospital. "Pwede ka nang umalis kung gusto ko. Hindi mo naman kailangan na samahan mo ako eh." sabi ko.

"Gusto ko din makita kuya mo. Friends na kami?" 

Natawa ako. "Friends? Really?"

"Yes."



"Kuya!!!" sigaw ko pag pasok ng room niya. Mahigit isang linggo nang nakalipas, nag worse yung kalagayan ni kuya. Tinigil na niyang magpa chemo. Ayaw na daw niya. Matagal na niyang gustong itigil, kami lang talaga ang ayaw kaya pinilit niya na mag chemo hanggang sa hindi na niya kaya. Kaya, wala kaming magawa kungdi, irespect yung gusto niya. It's the least that we could do. 

"Hey Daph. How's my fave sister?"

"Oy!" sigaw ni Shane. 

"Okay naman. Kinakaya pa ang life." sabi ko. "Ikaw?" 

"Nakausap ko na yung doctor, last chemo ko na yung chemo ko last week. Kaya, masaya ako." sabi niya. Kung dun siya masaya, okay na din sa akin. Alam ko na nahihirapan na siya, at nararamdaman ko na gusto na niyang umalis dito. 

Wag kang umiyak Daphne!

"I'm happy for you kuya. At least hindi ka na manghihina ulit gaya ng ginagawa ng chemo sayo." 

He smiled at nag nod. "Kaya nga eh." sabi niya tapos nakita niya si Stanley. "Oy, bro!" 

"Bro?" tanong ko sa kanila. Lumapit si Stanley sa amin tapos nag fistbump sila. "Nakalimutan ko na sabihin sayo na sa spare time ko, dito ako pumupunta." sabi ni Stanley. Napangiti ako. 

"Wow ah. Napaka bait mo naman pala." 

"Oy! Anong akala mo sa akin? Jerk?" sabi niya.

"Hindi. Monster." 

"Ewan ko sayo Daphne." sabi ni Stanley at tinulak ako palayo sa kanila. "Edi Wow Stanley!" sabi ko habang naglakad ako papunta kay Shane.





My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon