4 weeks later, nalaman ko na lang na umalis na si kuya.
Alam ko na hindi na niya kaya, pero hindi ko inexpect na ganun kadali.
Pero bago siya umalis, may sinabi siya sa akin na hinding hindi ko makakalimutan.
"May kuwento ako sayo." sabi ni kuya habang ako ay gumagawa ng assignment ko.
"Ha?"
"Tungkol kay Stanley."
"Anong meron sa monster na yun?"
"He cares about you."
Natawa ako. "Si Stanley? Cares? Kuya, yung taong yun, heartless yun."
"Wag ka nga magpatalo sa kung anong sinasabi ng utak mo." sabi niya.
"Bakit? Totoo naman ah! Naka witness ako ng endless counts sa pinaggagawa niya sa mga tao. Pinaglaruan yung phone ko, nilagay niya sa toilet yung bag ko, pinapatay niya yung wifi habang ginagawa ko yung thesis ko. Gawain ba yun ng matinong tao?"
"Ikaw kasi Daphne, wag mo tignan yung mga maling ginagawa ng isang tao. Kahit gaano man kadami yun. Always remember to look at their good side." sabi niya. I sigh and umiling ako. "Kay Stanley, impossible kuya."
"None sense. No matter how evil a person can be, there's always a good person within. Remember that the devil was once the angel?"
Feeling ko, tama si kuya tungkol kay Stanley. Simula nung sinabi niya yun, napaisip ako. Naisip ko lahat ng ginawa ni Stanley para sa akin.
For starters, he risked his image for me. Pinili niya na makita ng public na ako yung kasama niya at hindi si Angelica. I mean, may karapatan siya na piliin si Angelika oh kahit sinong babae na mayaman at mas maganda sa akin. Pero, hindi ko alam at bakit ako ang pinili niya.
Tapos nung kailangan ko ng tulong, he was there. Pinagtangol niya ako kay Max at sa mga mean people na binubully ako.
Pinatira niya ako sa penthouse niya para safe ako. Sinasamahan niya ako sa hospital dati nung binibisita ko pa si kuya. Kinukulit niya ako pero minsan sweet siya.
Ang gulo niyang tao. Hindi ko pa siya ma gets, pero dahil kay kuya, nakita ko yung good side ni Stanley.
***
"Ready?" tanong ni Stanley.
"Wala akong makita."
"Teka, hintay hintay din ah."
Ayan nanaman siya. Tinotopak nanaman. "Wait lang."
"Sige lang, sanay na ako."
"Drama mo Daphne!"
Natahimik muna ng ilang seconds bago ko na feel na may humawak ng mga balikat ko at nagulat ako. "Stanley?"
Walang sagot.
"Stanley?"
Wala padin.
"Stanley naman! Wag kang ganyan." Nararamdaman ko na yung tibok ng puso ko, mas malakas. "Stanley."
Naramdaman ko na lang na nawala yung kamay sa likod at naramdaman ko na lumayo siya. Then na feel ko na lang na tinatangal na yung blindfold ko.
Pag tanggal, nakita ko na lang na nasa balcony na pala ako tapos may nakalagay na envelope sa harap ko. Lumingon ako sa likod ko pero wala si Stanley.
"Open this?"
Binuksan ko yung envelope, then binasa ko yung nakasilat sa paper.
SURPRISE!
"Huh?"
Wow. Surprise. Sige, maganda yan.
Nagulat ako nang may yumakap sa akin sa likod. Sabay sabi ng "Surprise."
"Stanley!"
May nilapag siyang paper sa table. "Plane ticket?" tanong ko sa kanya.
"Mhm."
"Saan?"
"Basahin mo."
May nilapag ulit siyang papel.
"Scotland! Oh my gosh!" sa sobrang excitement ko, humarap ako sa kanya at nayakap ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Happy Birthday Daphne."
Tumingin ako sa kanya nang nakasmile. "Thank you! This is the best gift." sabi ko sa kanya.
"Well, there's more." sabi niya. Sabay lapag ng paper bag sa table. Kinuha ko yung nasa loob at isang book.
"OMG! Harry Potter!" fangirl moment. "Tagal ko nang pinagiipuanan ang series na toh! OMG! Thank you!"
Nag smile lang siya habang naglakad papunta sa pinto. "Mag pack ka na. Aalis tayo mamayang 3am." sabi niya sabay labas ng room ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}
RomanceLahat tayo ay may good and bad side. Pero ang madalas nating nakikita ay ang bad side ng isang tao. Hindi man lang natin binibigyan ng chance para makilala sila ng lubusan, basta kung ano ang ipinapakita nila ganun ang tingin ng lahat sa kanila. Si...