CHAPTER 9

322 19 2
                                    

Lumipas din ang dalawang oras at sa wakas Lunch na! Gutom na kasi ako eh. Galing sa English room namin naglakad ako papunta sa locker ko at umaasa na nandun na yung portfolio at books ko. 

"Ang kapal ng muka niyang magpakita pagkatapos nang nagyari sa kanila ni Stanley kahapon." sabi ng isang babae na naka tayo malapit sa locker ko. 

"Aba at sinabi mo pa! Makapal talaga! Tignan mo nga position niya sa buhay niya, isa lang siyang mahirap at si Stanley mayaman. Hindi bagay." sabi naman nung isa.

"Talaga. Mukang nagayuma ata si Stanley." sabi naman ung isa. 

Hay! Mga walang magawa sa kanilang buhay! Selos! 

Just ignore them Daphne. They're not worth it.

"Shh, keep it down, baka marinig pa ng isang malandi jan. Akala mo naman kung sinong maganda. Ang kapal kasi ng face." sabi nung isang babae.

Oh screw it!

"Hindi niyo ba alam na nakakasakit na kayo?" sumabat ako sa kania. Aba, eh sila pa nga yung mukang malalandi eh. Ang kapal! 

"Was I talking to you?" tanong nung isa na naka pink na jacket. Oh do you want some game? Fine!

"No, but you were talking about me." 

"Aba, sumasagot ka pa! Akala mo ba maganda ka at feeling mo magugustuhan ka ni Stanley? Well, you're damn wrong!" sabi naman nung babae na naka blue na jacket.

"Bakit? Hinihingi ko ba opinyon mo?!?"

"Wag mo akong subukan!" 

"Oh? Talaga? Wag mo din akong inisin!"

Sinampal ba naman ako ng bruha! "How dare you!" Ang sakit pa ha!! Tapos sabay sampal pa sa kabila, nakakailan ka na ah! Sinampal ko siya pabalik!

"HOW DARE YOU DO THAT!?" pasigaw niyang sinabi.

"HOW DARE YOU TOO!" akala niyo na susuko ako? Purket mahirap lang ako hindi ang nagpapaapi. 

And sinampal niya ulit ako. You just crossed the line biatch! ANG SAKIT SAKIT PA!

"LEASH!" 

Napatingin kami sa kanan kung saan nakatayo si Stanley na galit na galit. Lumakad siya ng pagalit at hinila ako papunta sa likod niya. He's like my knight! How sweet.

NO! STOP IT DAPHNE!

"Wala ka na bang matinong magawa sa buhay mo?!?!!" aw, pinagtanggol niya ako for the first time. 

"HOY! HOW DARE YOU TALK TO MY GIRLFRIEND LIKE THAT?!!" sigaw ng lalaki na nasa likod ni Leash, I think. So this is her boyfriend. EH MAS CUTE PA SI STANLEY JAN EH!

"Pwede ba! Yang girlfriend mo! Sinasaktan si Daphne! PAGSABIHAN MO!" sigaw ni Stanley sa lalaki, napatingin yung lalaki sa akin. At tumawa.

How offensive!

"Yan ba? Ang Daphne? Eh ang pangit niyan eh!" ................Walang hiya!

"SOBRA KA!" nagulat kami nang sabay suntok ni Stanley sa lalaki at bumagsak sa sahig yung lalaki. "Anak ng...." tumayo yung lalaki at sinuntok si Stanley ng MALAKAS at natumba siya. 

"Stanley!!!" napaupo ako sa tabi niya, habang pinupunasan niya yung dugo sa bibig niya.

"Stanley! Kami na ba bahala sa kanya?" tanong ng mga tropa niya. Sa wakas may kakampi din si Stanley kahit papano. Tinulungan kong tumayo si Stanley tapos tumingin niya sa akin. "Jake, ilayo mo si Daphne dito at wag mo siyang iwanan." sabi ni Stanley. Ano? Bago ako makapagsalita hinatak na ako ni Jake papalayo kay Stanley. Kahit anong gulo ko na makawala kay Jake at balikan si Stanley walang effect. Binuhat niya ako at tinakbo ako papunta sa isang empty room. Music room. Tapos nilock niya yung pinto. Ano gagawin niya sa akin?

"Wag ka magalala. Hindi kita sasaktan. Sasamahan lang kita dito para safe ka." sabi niya. Nakahinga din ng maluwag kahit papano.

20 minutes na ang nakalipas wala parin si Stanley. Nagaalala na ako sa kanya. Oo alam ko na bad boy siya, at gusto ko siyang mahirapan at masaktan. At akala ko kaya ko pero hindi pala. Hindi ko kayang makita na nasasaktan at nahihirapan siya. Ano ba naman itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko? 

"Ang tagal naman!" sabi ko, nauubusan na ako ng patience. Hay....

"Wag ka magalala, si Stanley yun! Kayang kaya niya yun!" kahit anong sabihin niya na kaya ni Stanley, bakit hindi umaalis ang mga kaba sa dibdib ko? Kahit ganun? 

My Sweet Bad Boy {JaDine Love Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon