Nagmasid ako sa mga kagrupo ko. si hwanwoong maligsi at mabilis ang kilos niya dahil maliit ito, si cya di ko panakikitaan ng mali sa ginagawa nito dahil halos lahat ata ng galaw niya ay calculated niya, si Y naman ay bago lang sa akin. ang challenge na pinapagawa ni sir ay kilalanin ang isa't isa para maging handa kami sa susunod na skilled test. mula sa iba't ibang castle ang makakalaban namin rito, at mas malala ay kami kami rin ang maglalaban dahil pare-parehas kami ng rango. magiging unfair daw iyon kung ang makakalaban namin ay mangagaling sa mababa o mataas na rango.
"xion, saan ka pinakamalakas?"biglang tanong sa akin ni Y. napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa totoo lang ay di ko alam kung ano ang weakness and strength. "kung magbabase ako sa kapangyarihan na mayroon ako, siguro ang paggalaw ng mga bagay gamit utak ko, pero kung skill ang pagbabasihan mas nahasa ako sa paggamit ng arnis dahil sa kambal ko"sabi ko. "dapat maging mautak ka sa pagsagot, xion. maari gamitin ang sagot mo laban sayo. magiingat ka sa sinasabi mo at sa laman ng utak mo" payo ni Y, tsaka ngumiti. tinanguan ko siya dahil may point naman ang sinabi nito. kung ang susunod na skilled test ay kami kami rin maglalaban, baka nga magamit ang mga salita mo gamit sayo. "pero, ang challenge o ang activity na ito ay para sa tiwala, hindi ba?" tanong ko. Wala akong nakuhang sagot.
*ting* pinitik ni sir minho ang hour glass na nakalagay sa gitna ng table. "time's up. sino ang fraud?" tanong ni sir minho. dahil sa challenge na ito, dapat mahuli namin anng nagkukunwari sa aming grupo. kailangan namin mabasa ang kilos, pananalita nila. hinahasa ng challenge na ito ang tiwala na meron kami as a group/ co-trainee. "grupo ni leedo, sino?"tanong ulit ni sir minho at tumingin ito sa left side ng room. "si yeonhee sir, dahil hindi niya sineryoso ang mga sagot nito. maaring nagsasabi siya ng totoo pero maari rin na hindi dahil sa kilos na pinapakita nito" sagot ni leedo. "tama! ngunit lahat ng sinasabi ni yeonhee ay totoo, dahil sa loob ng klaseng ito, pinagbabawal ko ang magsabi ng lies. sainyo naman soobin? sino ang nagkukunwari at bakit?" sabi ni sir minho.
Tinignan ko sila at inabangan kung sino ang magsasalita, "si keonhee magsasalita dito" bulong sa akin ni hwanwoong na katabi ko lang, at tama nga siya, si keonhee ang nga ang nagsalita sa grupo nila soobin. "Siya," turo ni keonhee kay soobin. "mabulaklak ito magsalita at paligoy-ligoy ang sagot niya. di ko nga alam kung ganun ba talaga siya o hindi eh." at kwinento niya na ang nangyari sa grupo nila. nailing na lang ako sa pinagsasabi nito, tumatawa ang nakaktawa. "basta si soobin sir," pagtatapos nito. "buti na lang at tama ka kasi kung hindi, baka isipin ng co-trainee mo na ikaw ang fraud dahil ang daldal mo." pabirong tugon ni sir minho. tumingin siya sa amin. "Una po, tingin ko si cya, dahil isang tanong isang sagot ito pero dahil kaibigan ko siya kilala ko ang ganung pagkatao niya. si xion naman, masyado siyang careful sa salitang gagamitin niya at tsaka ginagamitan niya rin kami ng reverse card. kaya naman ang hula ko ay si kuya Y." sagot ni hwanwoong. tumango si cya, si Y naman walang sagot.
"may sasabihin ka, xion?" tanong ni sir minho. tumingin sila sa akin at ramdam ko ang tensiong namumuo, "sa tingin ko ho si hwanwoong." sabi ko at tumingin kay hwanwoong. "kasi kung totoong siya si hwanwoong, di siya magkakaroon ng ganito sa kamay niya"sabi ko at pinakita ang wrist niya. ngumisi si sir minho sa explanation ko, tingin kop tuloy mali ako. "eh ano naman kung meron siya niyan?" tanong ni sir. "red castle lang ho may ganito.. di ko alam kung siya si yunseong o si leedo. o baka po sir tinatago niyo si hwanwoong dahil siya ang pinakamaliit rito at madaling itago" kibit balikat kong sagot. tinanguan ako ni Y nung tignan ko ito, "tama ka" simpleng sagot ni sir. "hwanwoong labas na" dagdag nito. lumabas si hwanwoong sa cabinet, lumapit ito kay sir. "ngayon xion, sino sakanila ang tunay na hwanwoong?" tanong ni sir. tinignan ko ang dalawang hwanwoong na nakatayo ngayon sa harap ko. tinignan ko ito sa mata, "ang nasa kanan ang tunay na hwnwoong" taas noo kong sagot.
nanliit ang mata ni sir at tinignan ako. pumitik ito, nagpalit ng anyo ang nasa kaliwa. Ito ay naging sir minho! nanlaki ang mata ko sa nasilayan. ang sir minho na pumitik ay naglaho. "Mahusay ka. Sa unang pagsubok niyo, lahat kayo tama, lahat kayo may puntos!" masayang tugon ni sir. "ang pagsubok na ito ay hindi para ijugde ang taong makakasalamuha niyo ngunit ito ay para kilalanin ng mabuti anng isang tao. Alam ko rin na hindi lahat kayo may kakayahan makabasa ng iniisip ng ibang tao, kaya ko ito ginawa. may advantage at disadvantage ang isang tao. May natutunan ba kayo?" dagdag nito. "yes sir!" sabay sabay naming tugon. "sa susunod na pagsubok niyo ay individual test. lumapit ang kung sino ang tatawagin ko, at ang iba just relax there.. maguumpisa ako sa nagiisang babae, yeonhee"
masaya kami nagkwentuhan, 11 lang kami rito kaya naman kinilala na namin ang mga nandito. naka isang bilog kami rito na malaki. ang pinaka kuya rito ay si Y at si jangjun, at ang pinakahuling napunta rito bago kami ay si yunseong. nakabalik na ang kambal sa bilog, at ako na ang tinawag ni sir. "ano gusto mo? depensa o atake?" tanong ni sir pagkaupo ko sa upuang bakante sa gilid ng lamesa niya. "depensa ho" mejo natangalan ako sumagot. "sino gusto mo maprotektahan bukod kay dongmyeong?" tanong ulit nito. handa na sana akong sabiahin yung pangalan ni dongmyeong nung naring ko ang salitang 'protektahan' ngunit naunahan ako ni sir. "bakit bawal sir?" balik na tanong ko. sa training ground na ito, ibibigay ko miski buhay ko para maprotektahan lang si dongmyeong, at alam ko ganun rin siya.
"basta bawal." sagot ni sir, lumingon ako sa biglog, kung hindi pwende ang kambal ko at kung pipili ako sa kaibigan ko ay tsak na mahihirapan ako.. "sir, pwedeng wala?" maingat kong tanong, tumango ito. huli na, bago ko pagsisihan ang sinabi kong pangalan. ako ang huling pinatawag ni sir. "DOA, depensa o atake. ito ang pangalawang challenge niyo." sabi ni sir. "di ko sasabihin kung sino ang depensa o atake pero gusto ko malaman niyo na may apat na bumuto sa iisang tao, tatlo naman ay pinili nilang protektahan ang sarili nila. ang pagsubok na ito ay magaganap bukas. magisip kayo kung paano niyo maliligtas ang araw na iyon dahil maghapon kayo roon. ayun alng ang klase na papasukan niyo bukas. maghanda at icondition ang sarili."
natapos ang klase namin kay sir minho at ang huli niyang sinabi, "kung anong ang sinabi niyo sa akin, wag sana lumabas lalo na sainyo, kayong magkakaibigan ang bumubuo ng almost half ng klase ko." sabay sabay kami pumunta ng cafeteria dahil oras na para sa gabihan, tulad noon ang great hall ay naging cafeteria at salo salo kami kumain roon sa bawat castle namin. "jiyeon, may tanong ako.." sabi ko. "ang mga buan ba ay hindi natatablahan ng majika? alam kong weird pero nahuli ko sa akto ang kawal mo lumabas sa kwarto ko, kaya nilagyan ko iyon lagi ng majika. pero ang pinagkatataka ko, kagabi bago ako matulog ay nilagyan ko ulit iyon ng majika, ngunit pagkagising ko ang gulo ng kwarto ko" kwento ko kay jiyeon na napahinto naman sa pagsubo ng kinakaing pig's feet.
"alam mo xion, marami paraan ang mga buan para makapasok sa lugar kahit malakas na majika ay walang talab rito, lalo na at hindi ka naman humahawak ng wand." sabi nito, bigla ng kunot ang noo niya, "at sinabi mong si quil ang gumugulo ng kwarto mo?" tanong nito. agad naman ako umiling, baka kasi naoffend ko ito. "na niniwala ako sayo na, hindi porket gumaya ng anyo ang buan, ay nasa masama itong kamay, dahil kanina rin ay may nakita kami ni cya sa loob ng dorm natin na buan na nag anyo bilang kawal mo. doon ko nalaman na wala ka pala dito, at bumalik na saiyong pinanggalingan." mahinang tugon.
hindi kumibo si jiyeon sa pinagsasabi ko kaya pahina na ng pahina yung boses ko habang nagsasalita. itinigil ko ang pagsasalita nung tignan niya ako. "who's spells book do you have?" tanong nito. tinignan ko lang ito at prinoproseso sa utak ang tanong niya, kasi sa klaseng iyon ang librong ginagamit namin ay heram lang. nagkibit ballikat ako dahil sa totoo lang ay di ko naiintindihan ang nakasulat roon. may mga sulat doon na tawilas/taliwas sa instruction na nakaprint sa mismong libro. "wag na wag mong susundin ang nakasulat dun gamit ballpen."
natapos ang gabing iyon, na si jiyeon na mismo ang naglagay ng spell sa kwarto ko. kinuha na rin niya anng ginagamit kong spell book at pinalitan niya iyon ng spell book niya. nilagyan niya ang buong dorm. may ginawa siya sa loob ng dorm namin, may kwintas itong nilagay sa center table at nagbigkas ng spells. May maliliit na ilaw nagsilutangan at isa isa iyon parang hinigop ng kwintas. "mga buan iyan, magiging ligtas na tayo sa ngayon. ibibigay ko ito sa mahal na ina, bukas. wala ng buan na nakaaligid dito sa dorm. matulog ka na at alam kong mapapagod ka bukas." sabi nito at nauna na pumunta sa kwarto niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
One
ФэнтезиFan-fantasy story that i've been plotting and drafting. the story is out of this world, like OUT OF THIS WORLD dahil na sa isla sila kung saan namumuhay ay salitang 'kapangyarihan at mga maharlikang tao'. happy reading, stay safe, spread the good...