"May nakuha ka bang impormasyon?" tanong ng babaeng kulang orange ang buhok sa alagad nito. Nakaupo ito sa tronong gawa sa lava rocks, habang hinihimas himas ang balahibong ng kanyang alaga na lion. "patawad ngunit wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa loob ng training ground" sabi ng isa. Tumingin ito ng masama sa alagad nito at nagmistilang apoy ang kanyang buhok. "Maghanap ka ng paraan! Malapit na ang itikdang buwan para sakanya wala pa rin akong nakukuha mula sainyo! mga inutil! magsilayasan kayo sa harapan ko!" sigaw nito.
"huminahon ka aking mahal" malabing na tonong ng isang lalaki. Sinenyasan niya ang mga lagad nitong umalis na roon. "madaling sahin kaso nauubusan na tayo ng oras." irap nito. "Hindi naman tiyak ang propesiya kung kailan ito mauupo sa itaas, diba? at sa tingin mo ba papayag ako na makapasok iyon sa competition?" sabi nito. Nawala ang pagkaapoy ng buhok ng babae at mukhang huminahon na ito. "anong gagawin ko leyo.. ang kabigan kong taksil ay hindi man lang ako hinanap at tuluyan na akong kinalimutan porket nakoronohan ito bilang prinsesa ng buong isla! hindi ito tumupad sa usapan.. gusto mo bang makakin leyo?" tanong nito sa alagang lion. "malagatas ang kutis nito. swak na sa pangbuong araw mo leyo." ngisi nito.
.
.
.
.
Sa green castle naman ay naghanda ang lahat dhil dadarating ang apat na reyna mula sa training ground kasama ang prinsesa kei. "Nandito na ang Prinsesa kei!!" anunsyo ng Pinunong kawal. Pumasok ang prinsesa kei sa loob ng silid kung saan sila magsasalo salo. "ina, ama" bati nito at nagbigay respeto. "Nandito na ang Apat na Reyna" sigaw ulit ng kawal at pinakilala ito isa isa. "Maligaya pagbisita mga reyna" bati ni myungsoo at nagbigay ito ng respeto sakinalang apat, ganung rin ang apat na reyna sakanila.
Nasa gitna ang reyna yongsun, nasa left naman niya sila empress dara, emperor myungsoo at prinsesa kei. nasa right naman nito ang tatlo, reyna moonbyul, reyma wheein at reyna hwasa. "Salamat at sinagot niyo ang pagaya ko rito" nguting tugon ni reyna dara. "mukhang di ata namin kayang tanggihan ang inyong alok, empress" pormal na sagot ni reyna yongsun. "isa lang naman ang gusto natin, hindi ba?" dagdag ni reyna moonbyul. nagkatinginan ang reyna dara at emperor myungsoo. "tungkol ito sa propesiya, tama ba ako?" emperor myungsoo carefully asked. tumango ang apat na reyna. "kung ganun, wala na dapat kaming ikabahala dahil alam namin nasa mabuting landas ang binata" ngiting dagdag nito.
Nagkatingan ang apat na reyna at nababasa ang pagkalito sa ekspresyon ng kanilang mukha. "oo at nasa training ground ito, pero hindi naman hawak ang kanyang lakas. hindi namin gabay kung anong kaya nito" naguguluhan tugon ni reyna wheein. "ngunit, nakita niyo ito kung paano niya ihandle ang mga buan na umatake nung unang skilled test" itinaas ni emperor myungsoo ang kanyang kilay. "oo, ngunit.." buntong hininga ni reyna moonbyul. "handa kayong magsakripisyo para sa binata?" boses lamang iyon. tinignan nila ang paligid at nagmasid kung saan iyon nangagaling. Naging alerto silang walo. "Magpakita ka" buo ang booses ni empress dara. "Bakit di niyo ako ininbita?" sarkastikong tugon ni reyna taeyon kasama niya si empress tifanny.
.
.
.
.
Dumating ang araw, natapos ang pangalawang skilled test, may mga bumaba ang rango, may nanatili at syempre meron rin tumaas at pasok na sa competition. "Magbigay puri sa mga nakapasok ng compeetition" sabi ni headmaster soohyun. naunang naglakad si leedo, hwanwoong at keonhee. si rose, yungkyoung, suyun at yeonhee. si dongmyeong, xion, cya at si soobin. "bigyan sila ng masilang palakpakan" dagdag nito headmaster soohyun. "ang mga trainee bilang susunod na nobility bawat kastilo" anunsyo ni head mistress suzy. May hawak ang mga head boy ng pole na nakasabit ang flag ng bawat castle.
Pinauwi sila pagkatapos ng announcing sa sarili nilang bahay. ang mga nakapasok sa competition ay binigyan ng ilang araw para makapagpahinga mula sa training ground. Ang mga hindi nakapasok ay patuloy pa rin sa pagsubok, meron pa silang skilled test 3 para makapasok sa competition.
Sinalubong ni prinsepe ravn ang mga kaibigan kasama ang alpha na si seoho, at ang iba pa. "Mabuti at nakapasok ka agad xion. congrats!" pagbati ng crown prince ng white castle, si kanghyun. ngumiti si xion ng maliit at nagpasalamat sa mga kaibigan nila. "bakit para di ka masaya kambal?" tanong ni dongmyeong rito. "huh? hindi masaya ako!" sagot ni xion at ngimiti ulit. "kilala ko ang ngiti mo, ju! ano yang nasa isip mo?" tanong nito. tinignan ni xion ang mga kabigan bago magsalita. "Napansin ko lang na wala ang apat na reyna kanina, pati na rin si pr.. si jiyeon. nakakapanibago lang" kibit balikat nito.
Tinignan ni kanghyun si ravn na para bangn may sinasabi ito. "hyungu, alam mong may nakakabasa ng utak rito, sabihin mo na yung nalalaman mo" sabi ni ravn at ngumiti lang. "eh kasi.. wala rin sa palasyo ang reyna wheein. ang weird lang dahil simula nung inimbitahan ito nila empress dara, ay di pa ito umuuwi" tugon nito. "ang sabi rin sa akin, di pa rin umuuwi ang empress tiff sa castle ng yellow. Masyado ata ako nasisiyahan sa wolftarian at di man lang napansin ang pagkawala nito" dagdag na impormasyon ni alpha seoho. nagkatinginan ang magkakaibigan na para bang iisa ang kanilang iniisip. "pasensya na ngunit, bakit tayo natahimik sa nalamang impormasyon?" inosenteng tanong ni hwanwoong.
Tinignan lang siya ng mga ito at hinagisan ng unan. Si xion ang nanguna humagis sakanya ng unana, sumunod si dongmyeong at keonhee. "Sino kaya ang kumuha sa mga royal?" pagtataka ni leedo. Sa lahat, siya lang siguro ung tao parang seryoso ang mukha sa gitna ng gulo ng kaibigan. Napatigil ang lahat sa tanong ni leedo. "Masyadong tahimik ang bulkan, wala itong usok" sabi ni duke yonghoon, duke ng blue castle. "Nagmasiad masid kami nung naraan, pero wala nakakaalam na nawawala ang mga reyna" he quote the word 'nawawala'. "mukha parating na ang sinasabing propesiya" bulong ni ravn at lumingon kay xion.
Tumayo si xion at sumandal sa may bintana. may pagkallito ang tingin nito sa mga kaibigan. "propesiya, propesiya! ano ba tong propesiya na tong pinagsasabi niyo?? hanggang dito, ayan ang bukang bibig ng tao!" sigaw nito. mabilis rin ang pagkasabi nito at may inis sa tono ng boses. "ikaw kambal, alam mo ba tong propesiya na ito?? ako lang ba sa atin ang walang muang sa propesiya na ito?" seryosong tanong nito. he crossed his armed and looked at dongmyeong with firery eyes. "ju, lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko na sayo, bago tayo pumasok ng traning ground. wala na akong impormasyon tungkol rito" yumuko ito. tinignan niya isa isa ang mga kaibigan, nagnanais na may sumagot sa tanong nito ngunit nagsiiwasan ang mga mata nito at hindi makatingin sakanya ng diretso. "leedo?" may piyok sa boses nito at halatang pinipigilan niya ang galit. umiling si leedo at nagkibit balikat.
"Akala ko ba walang magtatago sa atin? ikaw seoho-nim? wala??" halos hangin na lang ang lumabas sa boses nito sa sobrang pagpipigil nito. tumayo si seoho at inakbayan ito. "ju, xion, ju.." bigkas ni seoho sa pangalan nito, lumingon sakanya si xion at masama ang tingin nito. ngumiti lang si seoho at nagsalita ulit. "ju, ang propesiyang ito ay kalat sa isla, lalo na kalat rin na ikaw lang ang BINATANG nakapasok ng competition mula sa GREEN CASTLE. Gusto ka man namin iligtas mula rito, pero ayun ang tinadhana." malumanay nitong eksplanasyon. "maraming gusto humadlang, maraming may gusto sa tadhanang iyon nginit hindi sila ppara doon. iniingatan ka namin kasi alam namin mahalaga ka sa amin." ngiti nitong tugon. "ju, kung anong mangyayari, mangyayari. hindi mo maiiwasan, maaring may umagaw.. subalit naniniwala kami na hindi sila magtatagumpay. Tandaan mo, nandito lang kami para sayo." tumango ito at niyakap si xion. tumakbo papunta roon ang kambal nito at nakiyakap din. "group hug!" sigaw ni hwanwoong at keonhee. Lahat sila pumunta roon, maliban kay leedo na nakaupo na lang at nailing na lang.
"hoy, leedo! di ka yayakap?" tanong ni xion. "parang bata" asik nito pero tumayo ito at yumakap rin. "wag ka ng magtatanong tungkol sa propesiya." sabi nito tsaka ginulo ang buhok ni xion. pinalo naman ni xion ang kamay nito saka inayos ang buhok na nagulo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
this would be the last chapter for ONE (book 1)
YEY!!! IM DONE! BUT HOLD ON, ITS NOT YET OVER. NEXT CHAPTER WOULD BE JUST A RECAP//EXPLANATION// KUNG ANO MAN ANG ITATAWAG MO DUN. I START PLOTTING THIS 'ONE' LAST NOV 2020, THEN I STOPPED BECAUSE TOXICITY AND SUCH. NAWALA NA NGA AKO SA PLOT, SA TOTOO LANG BUT MY MIND IS CLEAR KUNG PAANO KO NAVIVISUALIZE ANG STORY NA TO. AND YES, PLANO TALAGA SIYA NA BITIN AND MAGKAROON NG PART 2, WITH THE SAME BOOK COVER. (IN SHORT NANDITO NA RIN YUNG BOOK 2.)
thank you for reading~! god bless~! stay safe and happy reading~! be back the soonest ^^
YOU ARE READING
One
FantasyFan-fantasy story that i've been plotting and drafting. the story is out of this world, like OUT OF THIS WORLD dahil na sa isla sila kung saan namumuhay ay salitang 'kapangyarihan at mga maharlikang tao'. happy reading, stay safe, spread the good...