CHAPTER SEVEN

78 10 5
                                    

Dedicated to...
Thanks talaga sa votes mo.Kahit di ka nagko-comment at least feel ko yung support mo through your votes.. Thanks^_^

Tumakbo na nga ako papunta sa kanya para itulak sana siya kaso tumama na sa amin ang harapan ng kotse.

Ito na Zin! Ganito ang nangyayari eh kapag napupunta ako sa panaginip na to at ganito rin ang nangyayari para magising ako.

Tenennenenenn!

Finally makakabalik na ko sa reality!

Pinikit ko ang mata ko at pagdilat ko...








()__()







Takte!

Luminga-linga ako sa paligid at huminto nga ang lahat.Literal na hinto.
Diba dapat natamaan na kami ng kotse pero yung harapan pa rin nito ang nakatama sa amin tas si... O_O walang manners  nakatingin lang sa kotse na walang kurap-kurap, ganun rin si handsome guy pero nakahakbang nga lang.Ang mga taong naglalakad sana nakahinto rin at ang mga sanga ng kahoy di gumagalaw.

Taena! Ako lang ba ang nakakagalaw dito? Tss. Akala ko pa naman magigising na ko sa mala-wattpad na panaginip na to kaso mukhang naglalaro pa sila ng manequin challenge eh tapos ako ang taya.Psh!

Bigla nalang humangin ng malakas pero nakakapagtaka lang kasi hindi pa rin natitinag ang mga sanga ng kahoy.

Paktay na,minumulto na ata ako.waaaahhhhh! Don't tell me mapupunta na naman tong panaginip ko sa multo-multohan? Ayoko naaaaa! Madaming beses na kong nakapanaginip ng mga multo o kaya zombie eh kaya sana naman wag muna ngayon.Arghh' Sa susunod talaga hindi na ko manonood ng Train to Busan o di kaya The Grudge.Fifty shades of grey, darker at freed nalang para bed scene nalang mapanaginipan ko.Hakhak!

Eww ka talaga Zin, sobrang landi mo na!

Pero mas mabuti na yung bed scene kaysa sa multo Diba? Ayokong mapaniginipan si Ara, Diyos ko! Napanaginipan ko na yung paa ng Papa nila eh kaya wag namang pati pa kay Ara.

"Anong tinitingala mo diyan?"

Takte! Kinabahan ako dun ah. Talagang nanindig ang balhibo ko kahit di naman ako mabalbon.

Nilingon ko ang nagsalita at...()_() What the?! Si Mr. Stranger/ Mr. Magician na nakilala ko sa balon kaya nagsimula tong weird na panaginip ko.

"Good! Naalala mo ko Zin!"

Luh? Kilala niya ako?

"Yes Zin, kilala kita.Actually lahat ng wattpad readers at writers"

Hayyy! Niloloko na naman yata niya ako.
Anong kilala? Ako nga na obsessed sa wattpad, hindi kilala lahat ng authors eh tas siya pa kaya and take note, LALAKI siya.Kung may makilala man silang author dapat sina CeceLib , Race Darwin, Makiwander, Whroxie at mga spg authors lang, di lahat! For sure, di nito kilala ang Binibining Mia ko.Nagpapapansin lang to saken kaya ganyan.Tsk!

Te-teka nga, minention din niya ang pangalan ko diba so stalker ko ba isang to? Patay na! Anong gagawin ko? Paano pag obssess to saken tapos psycho din? Patay tayo nito Zin! Possessive lang naman ginusto ko eh hindi obssess.

"Excuse me? Hindi mo ko stalker Zin, hindi ako obsess sayo at higit sa lahat Hindi ako psycho"

Takte! Napahawak ako sa bibig kong tikom naman.Paano niya nalaman ang iniisip ko? Manghuhula rin kaya siya o di kaya mind reader?

"Hindi ako manghuhula Zin at hindi rin ako mind reader"

Eh ano siya bampira? Diba nababasa nila ang iniisip ng mga tao? Kyahhh Ayoko na! Ayos na yung multo at zombie kaya sana di na madagdagan ng bampira.Hindi ako mabilis tumakbo at kung tumakbo man ako, mahahabol niya pa rin.

WATTPAD VS. REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon