CHAPTER ONE

521 48 30
                                    

Shit naman oh! Anong sagot dito? Kakabasa kasi ng Wattpad kagabi eh hindi na ako nakapag-aral tapos may quiz pala kami ngayon.

Eh masisisi niyo ba ako kung maganda yung story kaya di ko na tinantanan hanggang di ako natapos.

"Psstt!" tawag pansin ko sa lalaking nasa unahan ko and thankfully lumingon naman siya "Uy anong sagot sa number seven?"

Favorite number ko pa naman to tapos di ko masagot-sagot.Magagalit saken ang GOT7 niyan!

"Ayan basa pa ng Wattpad!" sabi niya

"Tsk.pakopyahin mo na nga lang ako..daming satsat!" pero bulong na yung sa huli kasi baka pag narinig niya di na tuloy ako pakopyahin

"Letter A!"

Dali-dali naman akong nagsulat

"Zin,anong answer sa number eleven?" siya naman ang nagtanong ngayon

"Abay malay ko!"

Nilingon niya naman ako "Wow ha,tinulungan kita! Psh' sege magbasa pa kasi ng Wattpad"

Magbabasa pa talaga.. Ako pa ba?

"Wag ka ngang maingay diyan Ryle Cester Dominggo!"

"Tsk!" nagtakip siya ng tenga kaya napatawa ako "Wag mo ngang kompletohin pangalan ko!" singhal niya

"Why not? Maganda kaya!"

"Nakakairita yun Jerelee Zin Bernaldez!"

Sheyt! Aba't gumanti.
Nakakainis talaga kapag tinawag ka sa complete name mo lalo na kapag close kayo nung tumawag.

"Oo na!" sang-ayon ko sa kanya

Anyway pakilala ko lang sa inyo ang crush ko.His name is Ryle Cester Dominggo..and yeah crush ko siya at kung akala niyo best friend ko siya ...hmm siguro slight lang!

Simula elementary eh classmate na kami hanggang ngayon na grade 11 na kaya siguro ganyan kami ka-close.Nagsimula ang feelings ko sa kanya nung grade five.Grabe kasi kaming mag-asaran kaya ayun na-develop ako pero nawala din naman nung first year high School na kami kasi nakilala ko ang gwapong playboy, not that playboy na kagaya sa Wattpad pero yung playboy lang sa reality and his name is Krendell Kizs Taneroz pero nung grade 10 bumalik na naman ang feelings ko kay Ryle dahil lumipat na ng ibang school si Krendell eh.

So ayun nga,sweet kami sa isa't-isa ni Ryle.Papaano ba naman eh simula elem eh hindi na kami nagkakahiwalay ng room.Forever classmate ko na siguro siya hanggang makapagtapos ako ng pag-aaral.Sana nga kasi nasanay na ko sa presence niya eh.

Alam niyo ba nung recognition namin sa grade 10 talagang hindi kami nagpansinan at tingin ko dahil yun sa awkwardness.Malapit na nun ang recognition tas dun pa kami inasar-asar ng mga classmates namin na may something daw kami,dahil na nga yun sa closure at ang masaklap pa may nagsabi pa saken na crush daw ako ni Ryle.

Nakakakilig sana eh kung hindi ba naman kumalat sa buong room kaya nagka-awkward moment na kami ni Ryle.Wala ng pansinan, halos nag-iiwasan na kami lagi kung di kami magka-group at para bang di kami magkakilala kaya paano pa ako kikiligin?

Actually assuming na kung assuming ako kapag sinabi kong CRUSH DIN AKO NI RYLE pero sa mga time kasi na wala pang umaasar samin,dun niya kasi pinaparamdam.Kahit ipabasa ko pa diary ko-- ha! As if naman ipapabasa ko yun.Ano ako si Carmela? Na nakalagay yung diary niya sa bahay ng Montecarlos at nakikita ng mga dumadayo dun.Hayy sana nga si Carmela nalang ako!

WATTPAD VS. REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon