CHAPTER TEN

28 3 0
                                    

"ZINNNNNNNNNN!!!" narinig ko nalang sila while ramdam kong nasasakal na ako at di na ako makahinga.Pilit kong kinakampay ang braso ko para makaahon pero talagang wala pa rin.

Huhu, hindi talaga ako marunong lumangoy pero hanggang nakakahinga pa ako, ipaglalaban ko ang mabuhay.Laban lang Alaxan!

Takte! Ito na yata ang sinasabi nilang life and death situation.Ipagpapasalamat ko bang naranasan ko ito? Kasi yung iba diretso na tigok eh.

"Gising na!" pero kumampay pa rin ako

Teka, may nagsalita at bakit parang ang lapit lang? Oo nga---MALAPIT NA KO SA LUPA Kyaaaahhhhhh! This is it Zin,kunting kampay pa.

"Aray!" naramdaman ko nalang na bumagsak ang braso ko sa isang matigas---Huh? MATIGAS?

"Pwede bang ika'y gumising na?"

Nagpantig agad ang tenga ko ng marinig ang pananalita niya.

Yes! Sabi ko na nga ba eh,mabubuhay si Assassin dahil isa siyang masamang damo though niligtas niya ako pero I know masamang damo pa rin siya.

Bakit kaya niya ako niligtas kung masamong damo naman pala siya no? Na-love at first sight kaya siya saken? Waaaahhhhhh! Ganito pa naman ang love story na gusto kong mangyari sa buhay ko, yung stranger kayo sa isa't-isa tapos magkakakilala kayo sa isang disaster then habang patagal ng patagal, mabubuo ang pagmamahalan.Kyahhh, kakilig talaga! Napanood ko kasi sa YouTube doon sa Phycology facts channel na kapag nabuo daw ang pagmamahalan nang dahil sa aksidente, strong daw relationship niyo.Kaya kayo, wag kayong pumapayag sa relationship na nabuo dahil sa reto-reto ng mga kaibigan kasi shallow at boring kapag ganun.Know your worth kasi girl.Hindi yung papayag ka na lang din sa inireto sayo para sabihing may jowa ka.Wag ganun!

Excited na kong nagmulat ng mata at di nga ako nagkamali kasi siya ang agad na bumungad saken.Tinitigan ko siyang mabuti at naisip na C-ni-PR kaya niya ako? Yiehh may first kiss na ko wohoohhh!

Hoy Zin, akala ko ba know your worth? Then bakit yung CPR, kinokonsider mong first kiss? Wag ganun!

Patuloy pa rin ako sa pagtitig sa kanya hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong nakayakap na sa kanya.

Takte! Nakakahiya ka talaga Zin! Kung siya ang Juanito Alfonso mo, dapat mong iparamdam na conservative ka.

Eh paano yan, hindi naman ako ganoon ka ka-conservative? Diba mas maganda kung ipakita ko ang totoong ako sa kanya? Hayyy! Bahala na nga.

Ramdam na ramdam ko nalang na natigilan si Assassin kaya para ma-save pa yung conservative personality ko daw, kumalas na ko sa pagkakayakap.

Sayang naman eh! Gusto ko pa sanang man-tsansing kung meron ba siyang abs para worth to pretending na conservative ako.Tsk!

"Huwag mo ng uulitin ang iyong ginawa!" mariing sabi niya at talagang frustrated pa

Eh? Bakit naman to na-frustrate? For sure, na-frustrate to dahil hindi niya naramdaman ang kaliitan kong boobs.Pag ako talaga naging pornstar, uusok ang ilong nito sa selos dahil hindi lang siya ang kung sinong makakapisil-pisil ng malaki kong boobs kundi may marami pang iba.

Kung na-love at first sight siya saken, dapat tanggap niya ang mga flaws ko.Tsk.Ayoko na nga sa kanya! Zin, isipin mo nalang na hindi siya si Juanito Alfonso mo at isa siyang impostor para hindi ka maghinayang.

Tama! Pero... paano kung sobrang gwapo naman nito,yung tipong tatalunin niya si handsome guy edi sayang naman.

At oo aaminin kong I love the chase pero dapat hindi ako naghahabol , kundi siya.Pero kung mas x10 ang kagwapuhan nito kaysa kay handsome guy  so it means, worth the chase ang Assassin na to kaya willing akong maghabol na may kasama pang pangsi-seduce kahit di naman kalakihan tong dede ko.

WATTPAD VS. REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon