Special thanks to beachybeachywaby for commenting.Grabe, na-enjoy ako kakabasa dun sa comment mo😂
////////)/////////(()////////)())///()))///)//////)////////////////////
Guyz, try reading my new story "Mistaken" please! Promise, di kayo mababagot kakaantay ng update kasi every week po ang UD ko dun.
And not to mention, it's WORTH READING! sadyang hindi niyo lang binigyan ng chance.
Coz I believe in my brother's own saying na:
"Random people are better than professionals"________________________________________________
"HAYAN NA SILAAA!" rinig ko pang sigaw ng mga humahabol sa amin at narinig ko ang suntokan
"Hindi niyo ko mahuhuli ng hindi ako lumalaban" matapang pang sabi ni assassin at may nagsuntokan na naman ulit
Kasalanan ko to' Kung hindi ba naman kasi ako pabigat eh, edi sana hindi kami naabutan.
Kailangan ko siyang tulungan.Hindi siya pwedeng mamatay ng dahil saken kasi pag nagkataon I can't live my life to the fullest na.Imagine niyo yun, mamamatay siya dahil saken so ibig sabihin lagi-lagi na akong uusigin ng konsensya ko kaya paano pa ako sasaya? Kaya di pwedeng mamatay si assassin!
"ZIN!" rinig kong sigaw ng isang boses "Umiiyak ka diyan?"
Napatingala ako sa mukha ni... GAIL?
"Ano bang problema mong babaita ka,kanina ka pa tulala diyan tas bigla nalang umiiyak?"
Takte! Talaga bang nangyari yun?
Isa pa...Aishhh, kailangan ko pang iligtas si Assassin eh pero ba't nasa reality na ako? Hindi kaya?... ()_() namatay na siya kaya nandito na ako.
Hindi pwede! Hindi!
"Hoy Zin,umiiyak ka na naman diyan!"
Napahawak ako sa pisngi ko at may luha na nga.
"Zin, pinag-usapan lang namin si Brent at Yosha tas napaiyak ka na"
H-Huh? Si Brent?
"Hindi Kaya...may kinalaman si Brent diyan sa mga luha mo?"
"Wala ah!" medyo defensive kong sagot kahit hindi naman dapat.Eh kasi naman kung makatingin tong si Gail eh, alam kung iba na iniisip niya.Tsk!
"Asus, eh bakit ka bigla-biglang umiiyak diyan?"
Tsk. Echusero talaga!!
"Naalala ko lang kasi ang binasa ko sa Wattpad" at namatay ang assassin na nagligtas saken ng dahil lang din saken.
Di ko man lang siya dahil di ako marunong lumangoy.Sa susunod talaga na pupunta kami sa dagat, magpapaturo na ako doon sa bandang ilalim.
"Wattpad! Wattpad!" hindi kumbinsido ang bakla.Tsk "Ayan na naman umiiyak ka na naman!"
Di ko nalang siya pinansin.
Arghh' ba't ko ba kasi iniiyakan yun? Di ko alam tong nararamdaman ko.Di naman ako malungkot pero ba't ako umiiyak?
Ang harsh mo Zin, malamang iiyak ka kasi namatay yung tao.
Sabagay, pero di naman kasi ako basta-bastang umiiyak kapag may namatay eh.Kahit nga kadugo namin namatay, hindi ako naiiyak eh pero para ipakitang nagluluksa 'daw' ako ,edi nakiiyak nalang din.Baka sabihin pa nilang hindi ako nagluluksa.

BINABASA MO ANG
WATTPAD VS. REALITY
RandomDeib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others. Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story. Yung tipong sila lan...