"WAHHHHHHHHHH!" at napabalikwas ako ng bangon
Tarantadung panaginip yun ah,parang katapusan ko na pero still thanks God kasi panaginip lang
*PEEEEPPPP*
Rinig kong busina ng sasakyan.
T-teka nga, b-ba't nandito ako sa kalsada at ang masaklap talagang nakaupo pa.
*PEEEEPPPP!*
Ibang panaginip na naman ba to? Huhu! Ayoko na, kailangan ko ng gumising kaya sinampal ko ang sarili ko.
Hindi ko akalaing masasampal ko na ang sarili ko ngayon dahil lang sa isang panaginip.Sa Wattpad lang naman kasi may ganito o kaya sa mga movies.Diba?
So heto nga sinampal ko ang mukha ko pero takte lang no epec naman.Sheytee naman oh! Malilate ako nito.
"HOY BALIW KA BA?" sigaw ng driver nung sasakyan na kanina pa busina ng busina "You!" at itinuro niya ako
Di ko namalayan na lumabas na pala siya.
"A-ako po?" tas inaninag ko ang mukha niya
(() ())
\ O /Sheyteng malagkit ang GWAPO niya pero DI KO TYPE! May ganun naman Diba? Gwapo nga pero di mo naman type.
"Are you planning to die huh?"
Tiningnan ko ang labi niya, mapula-pula.
"DI KA BA TALAGA AALIS DIYAN SA DADAANAN KO HA?!" Ayan na parang galit na talaga siya
Eh bakit ba kasi ako nandito? Kailangan ko na talagang gumising kaya I slapped my face again pero no epec talaga huhu!
Siguro di na to panaginip kasi sa Wattpad pag sinampal nila ang sarili nila tas walang epekto,meaning di yun panaginip.
I know, magkaiba ang Wattpad sa Reality pero may pagkakapareho din naman eh kasi ang Reality naman ang basehan ng mga authors sa pangyayari sa Wattpad kaso exaggerated lang talaga at walang imposible dun kaya talagang pinapangarap ko na Wattpad character nalang sana ako.
So paano nga? Papano ako napunta dito sa kalsada? Bakit ako nandito?
"Tsk.Pulubi na nga baliw pa!" he murmured kaya natauhan ako sa sinabi niya
Anong pulubi? Ako ba ang pinaparinggan niya? Makapagsalita naman tong lalaking to akala mo kung sinong gwapo---Ay oo nga pala, GWAPO nga pala siya.
Makapal na kilay - ✓
Makinis na mukha- ✓
Matangos na ilong -✓
Well-emphasize na panga -✓ kaso may bigote nga lang pero yung maganda naman tingnan,nakakadagdag sex appeal.Mas matanda siguro to saken ng ten years.
Adams apple na malaki- ✓
Matangkad- ✓ hanggang dibdib nga lang ako eh.Sabagay ikaw ba naman yung five flat lang kaya talagang hanggang dibdib ka lang.
Speaking of hard chest- ✓ halatang-halata sa suot niya na fitted shirt. Ano kayang work-out ang ginagawa ng isang to?
Kung may abs? Di ko Alam! Kakahiya naman kung papahubarin ko pa siya.Akala pa nito na manyak ako which is true naman HAHAHA. Ikaw ba naman ang alagad ni Inang CeceLib, siyempre goodbye pink na and hello to green.
"So tutunganga ka nalang diyan? Tabi!"
Tsk! Atat si Kuya eh. Pasalamat nalang siya dahil maganda pagkaka-describe ko sa kanya.Hindi isang parang asong ulol.

BINABASA MO ANG
WATTPAD VS. REALITY
RandomDeib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others. Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story. Yung tipong sila lan...