CHAPTER FOUR

91 24 7
                                    

Unti-unti kong ibinaba ang braso na nakatakip sa mga mata ko at agad bumungad saken ang isang gwa--- ay hindi, NAPAKAGWAPO pala! Kyaaaaaahhhh!!

Siya?

()___() T-totoo ba to?? Ang gwapo niya talaga! Eh sino ba siya? Parang Wattpad character eh, may mala-wattpad character din ba sa Reality?

Makapal na kilay,well-emphasize na panga,matangos na ilong,tan skin,singkit,magandang tindig at higit sa lahat...

KISSABLE LIPS!!

Kyaaaaaahhhh totoo ba talaga to? One way to find out.

Hinaplos ko ang mukha niya at WAHHHHHH hindi siya naging abo so it means totoo siya.. Nakakahiya ka Zin!! Sarap mong pektusan.Arghh'

Napabalik nalang ako sa reyalidad nung hinawakan niya na ang braso ko.

"Miss!" tapos nagsmirk pa siya

Takte, ang gwapo Lang!!

"Alam kong gwapo ako but can I pass?"

May pagka-english speaking din siya kaya dagdag points to.Hindi siya yung tipong trying hard para lang magtunog english. Arhhh' nakakturn-on!

"Miss, you're spacing out!" sabi pa niya

Why? Bakit parang anghel sa pandinig ko ang boses niya? WHY??!

Hindi kaya...()____()?!

Nasa WATTPAD WORLD na ako? Kyaaaaaahhhh!! Ito na ba yun?

Hoy Zin, gising na nga, Totoo to! Totoo! TO-TO-O!!

Oo na, nagdi-daydream lang eh pero bakit ang gwapo ng nilalang na to tapos nasa harapan ko pa talaga??

Eh kasi di ako sanay eh dahil kadalasan ng nakakasalamuha ko hindi naman gwapo.

*Kruuughh!*

Eh? Takte! Gutom na naman ako. Kakahiya! Parang narinig pa naman ni handsome guy. Baka maging pangit ang first impression niya saken niyan eh.Naku naman!

"Seems that you're hungry!"

Nakakahiya talaga! pero napatango nalang din ako. Pang-shy type pa ang datingan pero kung sa mga classmates napaka-amazona. Ewan ko sayo Zin!

"Yan! Yan! Yan ang magnanakaw!" rinig kong sigaw ng isang Ale hanggang sa may humawak na nga sa braso ko

()___()?

P-pulis?

"Ikaw!" dinuro ako nung Ale "May balak ka pa talagang nakawan ako, pulubi ka!"

T-teka ba't familiar tong Ale na to?

Loading...

Loading...

Huwaaatt? Siya? Siya yung hinawakan ko sa damit para mamamalimos kaso inakala niyang magnanakaw ako.

Luminga-linga ako sa paligid.

Takte naman oh! Nandito na naman ako sa city so it means,nananaginip na naman ako at talagang continuation pa dun sa may nakilala akong gwapong lalaki na di ko type tas walang manners.Psh'

"Sumama ka sa amin!" nabalik ako sa reyalidad este sa panaginip pala nung hinila na ako ng pulis papasok sa patrol car nila

Tama! Tama! sasama nalang ako sa kanila tutal panaginip lang naman to eh at dun na ko matutulog sa selda para at least mas maayos ang higaan dun kaysa sa kalsada.

Ok so itutulog ko nalang to para magising na ako.

"WAIT!" napalingon kami dahil may biglang sumigaw at si handsome guy pala "Tell me first what is going on here"

WATTPAD VS. REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon