At paglingon ko... all went white
WHITE? Eh Diba dapat black yun?
Tsk! Nasa hospital na ata ako.Pag minalas ka nga naman.
Pero ang bilis naman ata akong napunta dito.Di ko man lang naramdaman na isinakay ako ng ambulansya."Uy tulog pa ba si Zin?"
"Oo.Gisingin na natin baka parating na si Ma'am!"
"Luh, oo nga..Ala una na pala!"
T-teka , papaano nila nalaman ang pangalan ko? At anong parating na si Ma'am?
"Zin, gising na!" ramdam ko nalang na may yumuyugyog saken
Kinuha ko ang puting jacket na nakatabing sa mukha ko at tumambad saken ang mukha ni...()___()
Gail
Napakurap-kurap pa ako.
Totoo ba to?
"G-Gail?"
"Zin, ginising na kita baka kasi parating na si Ma'am!"
Wahhhh totoo nga! So panaginip lang yung naging pulubi ako? Kyahhh!
Dahil sa sobrang tuwa,tumalon ako at yumakap sa kanya na ikinaigik naman niya.
Hehe walang malisya po yan ah kasi BAKLA po to si Gail, hindi kami talo kaya kalma lang tayo.Siya nga din pala ang pinaka-close ko sa lahat ng classmates ko.
"Gail, Alam mo may napanaginipan akong sobrang pangit.Akalain mo, naging pulubi ako!" hingal na hingal pa na pagkikuwento ko kasi nai-excite akong ikwento eh
"Ano ba ang binasa mo recently sa Wattpad?"
"That Promdi Girl"
"Tss! Stress ka lang Zin kaya kung ano-ano napapaniginipan mo.Ikaw ba naman ang ala una na ng madaling-araw matulog tapos gigising pa ng alas singko edi stress talaga ang dating mo niyan.Laki na ng eyebags mo oh!" tas tinuro niya ang eyebags kong totoong malaki na nga
"Hayaan mo na! Eyebags lang yan." napairap naman siya saken
"Eyebags lang daw pero laging nagrereklamo saken dahil lumalaki na ang eyebags.Sabihin mo nga Zin, baliw ka ba?"
"Luh, grabe siya.Nagrereklamo lang baliw na? Eh don't tell me baliw yung nagsasampa ng kaso?" inismiran niya naman ako "Pero Gail ,yung panaginip ko nga!"
"Oh bakit? Ano bang meron dun?" naiirita na talaga siya saken
Bahala na kung mairita siya basta masabi ko lang yung panaginip ko.
"Eh kung stress lang ako at kakabasa ko lang ng 'That Promdi Girl', bakit naging pulubi ako? Diba dapat probinsiyana lang kasi ganun naman si Thea?"
"Abay ewan ko lang!" nagkibit-balikat pa siya "At isa pa di ka si Thea no kaya hanggang pulubi ka lang!"
"Wow ha!" I said sarcastically
Eh kasi naman, gusto kong malinawan ako sa panaginip ko hindi yung mainsulto.Itong baklang to talaga, uupakan ko to!
"Yan, kasi fan pa ni Sic!" comment niya naman
BINABASA MO ANG
WATTPAD VS. REALITY
RandomDeib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others. Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story. Yung tipong sila lan...