When Mary Found Collin

10 0 0
                                    

Special Chapter// Final Notes


I wanted to write a bonus chapter for my birthday so I hope you guys like this one. I wrote Mary last August pa pero I didn't had the capacity to produce it or anything so I hope you still like the audio :((


-<>-


"Ma, kailangan ba talaga?" tamad kong tanong kay Mama habang nagpagulong-gulong ako sa kama. Today is a Sunday and I just wished a lazy Sunday. Bukas, babalik na naman ako sa studio para sa recordings.



"Sumama ka nalang kasi. Baka may matapon kaming gamit mo tapos gusto mo palang kunin," sabi niya sa kabilang linya. 



Kamakailan lang, may nakabili na sa dati naming bahay doon sa Ricorta, sa probinsya ng Buluan. A young couple in their late 20s, base sa pagkakakwento ni Mama sa akin. Bagay naman ata ang bahay namin para sa bagong kasal. Malapit-lapit lang din iyon sa mga eskwelahan, sa plaza, at sa mga kainan. Alam na alam ko ang pasikot-sikot sa Ricorta at sa Es Conchas kasi nga I spent my first sixteen years in that city. It was a good place to go to but for some reason, parang iba ang pakiramdam ko kung babalik ako roon. 



Hindi naman sa hindi na ako bumalik sa Ricorta kasi bumibisita naman ako, lalo na kung may mall show o di kaya pinapaguest ako ng mayor kapag may pa-pageant o singing contest sa bayan. It's just that I never really went back on our old house. Wala naman rin nang silbi kung babalik ako roon kasi may ibang bahay na sila Mama at may sarili na rin akong condo na mauuwian. Kung bibisita man ako sa Ricorta ay uuwi rin ako sa condo ko dahil mas efficient sa schedule ko. Pwedeng mag judge ako sa isang singing contest sa Ricorta pero dapat bukas nasa Maynila na ako para sa isang interview. It's always like that.



"Dapat nandoon ka na mga alas dose kasi malayo-layo pa ang Buluan. Magdrive ka na," pagpupumilit niya pa. May malakas na busina sa kabilang linya kaya inilayo ko muna ang cellphone ko saglit bago muling ilapit iyon sa tainga ko. Doon ko lang din narealize na binaba na ni Mama ang tawag. So much for a Lazy Sunday. 



Tumayo na ako mula sa kama at pumunta na sa shower para maligo. Bibili na lang ako ng agahan sa drive thru na madadaanan ko. Considering the drive time is around two hours kung walang traffic, nasa mga tatlong oras ata ang drive ko papaunta doon. 



Lumabas ako sa condo na dala-dala ang susi ng bahay namin at saka handbag na lagi kong dala kung may lakad ako. It was just a small beige Prada Saffiano. It didn't really match my white and gray outfit which consisted of a white sports bra, gray sweatpants, and white sneakers but cut me some slack. Kasya naman mga essentials ko sa bag na iyon kaya pwede na. 



Bakit ko ba inisip na mabuting ideya ang magpaabot ng alas kwatro ng umaga sa studio para lang makasulat ng mga kanta? Lalo lang wala akong maisip na isulat. Salamat nga at hindi ako nakatulog habang nagmamaneho pauwi. Kaso lang, nasa mga tatlong oras lang ang tulog ko.  



Bumaba na ako sa underground parking at nagmaneho na papunta sa Ricorta. Huminto ako sandali sa isang cafe para makakain ng agahan. Good thing no one asked for a photo or something. I don't really look like I am prepared for a photo session and meet and greet for today.

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon