005

6 0 0
                                    

"Apat na taon mo na siyang gusto di'ba? Sayang naman."



Iyan ang sabi ko sa kaniya. Though, hindi ko maipaliwanag ang gaan ng loob ko nang sinabi niya yun. I felt bad for feeling good about it.



"Oo eh. Naunahan kasi ako," sabi niya.



"Ayan kasi, ang bagal mo. Umamin ka ba sa kaniya?"



Mukhang naiirita na siya sa tanong ko kasi umirap siya at sinubo na ang kanin.



"Hanapan mo na lang ako ng iba."



Patudyo akong ngumiti. "Hala nabasted pala ikaw?" Nakasimangot siya habang kinakain ang pagkain niya. Enjoy na enjoy ko naman ang ginagawa ko.



"Hindi na mahalaga yun. Basta ha? Hanapan mo ako," mailap talaga ang mga mata niya at hindi na makatingin sa akin.



"Sabihan mo muna ako kung sino tapos anong nangyari," ngumisi ako sa kaniya, nanghahamon. Inismiran niya ako.



"Hindi ako umamin sa kaniya kasi wala na akong pag-asa dun."



"Weak mo naman. Four years pre, tapos hindi ka gumalaw," pagkokomento ko. Hindi pa rin matanggal ang pagiging good mood ko bigla.



"Fer yers pre tepes hende ke gemelew," umirap siya bago sinubo ang tapa. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa reaksyon niya. Mukhang napipikon na.



"And now, let's welcome back the candidates for their sports presentation."



I didn't know I spaced out again. Napakurap-kurap ako at sumunod na sa mga kasama ko papunta sa stage.



Suot ko ang jersey ni Collin kasi pinahiram niya sa akin. Pinaresan ko iyon ng shorts at rubber shoes. It was a green jersey na may apilyido niya at number 17 sa likod. Nagsuot din ako ng mahabang medyas na gaya ng basketball socks pakeme nila. Ang buhok ko naman ay nakahigh ponytail with extensions na may messy bangs na ginupit lang din kanina ng makeup artist pagkatapos ng opening number para surprise daw. G na g naman ako kasi excited na akong magkabangs.



Pumwesto na kami sa may stage. Sa huli pa kami ni Liam.



"Okay ka lang?" He asked nang lumapit na ako sa kaniya.

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon