"Cal, gusto mo ba ako?" Huminto ako sa paglalakad at gulat na napatingin sa kaniya. Huminto din siya sa paglalakad, nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa dala niyang buy 1, take 1 burger.
Nangapa ako ng salita pero wala akong nasabi. Gusto ko ba siya? Inisip ko iyon pero hindi ako nakontento sa naramdaman ko nang sinubukan kong isipin na gusto ko nga siya.
Yumuko na lamang ako at umiling siya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago nagsalita ulit.
"Sorry sa pagtatanong, napaisip lang ako," sabi niya. Tinignan ko siya. "Okay lang na nagtanong ka, wag kang magsorry," ako naman ang nagbuntong hininga, nalungkot ng kaunti. Naisipan ko na lang na magpakatotoo. That way, hindi ko siya masasaktan pa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Gusto ba kita? Actually noong una, di ko alam. Pero alam ko na perfect package ka na. Matalino, mabait tapos gwapo," nag-alinlangan pa akong sabihin yung huling salita pero hindi ko na inisip yun. "So naisip ko na baka pwede? Kaya pumayag akong magpaligaw," pag-eexplain ko.
He was looking at me expectantly but he shook his head again. Medyo alam ko na kung saan 'to papunta pero iba pa rin kapag narinig ko na.
"Gusto mo ba si Collin?"
Napalunok ako. Narinig ko na ang tanong na yan dati pa, nagsawa na nga ako pero ngayon, iba ang atake nito sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. "Kaibigan ko siya," yun lang ang nasabi ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko.
Bobo ako kung hindi ko pa napapansin ang kilos ko sa mga nakaraang araw at linggo. Alam ko naman kung bakit ako nagkaganon pero siguro hindi ko lang matanggap?
Magkaibigan kami ni Collin sa tanang buhay ko. Para ko na siyang kapatid, maliban sa pagiging bespren ko. Alam ko din na ganyan din ang turing niya sa akin kaya hindi pwede. Masisira ang pagkakaibigan namin kapag nagkataon.
Bakit ko nga ba siya gusto? Oo nga maraming mabuting qualities si Collin pero ganoon din naman si Liam ah? May mabuting qualities lahat ng tao kaya hindi ko malaman kung bakit sa lahat ng tao, si Collin pa talaga.
I changed my mind, possible pala na magkagusto ka tapos hindi mo alam kung bakit at nakakabaliw yun. You try to find the possible reasons why you are drawn to that person but the thing is, you just wake up with those feelings.
"Tsk. Hindi ko tinanong kung magkaibigan ba kayo," umiling siya. Naglakad ulit siya kaya yun din ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Mary's Song (Flora Series #1)
Ficción GeneralCome to think of it, alam niya kaya kung para kanino ang kantang yun? Sophie San Pedro is one of the highly recognized solo acts in the country. On her peak of stardom, she releases a song called 'Mary' that was found by accident since the moment it...