I can feel my cheeks heat up when I heard what he said. Hindi ba ako nabibingi at iba lang ang narinig ko? Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Sa gilid ng mga mata ko nakita kong ginulo niya ang kaniyang buhok.
"A-ano?" I managed to reply.
I heard him sigh before answering, "Narinig mo na yun."
Parang nanalo ng lotto ang puso ko roon. Nanghihina din ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Did he just ask me to be his date? Panaginip ata ito, gising ka na Calianna!
Patago kong kinurot ang braso ko sa ilalim ng mesa. Anak ng! Masakit!
Napatalon ako sa upuan ng kaunti. Napansin ata ni Collin kaya nagtataka siyang sumulyap sa akin.
"Hmm... enjoy ka na lang-"
"Okay," nagkasabay pa kaming magsalita. Tumaas ang kilay niya.
"Anong okay?"
Nahiya ako sa sinagot kaya ginamit ko ang sinabi niya kanina, "Alam mo na yun."
Tumayo ako nang naubos na niya ang Sprite niya. Nahiya din ako sa kilos ko kaya nang nakasunod na siya sa akin, mabilis ang lakad ko pauwi.
"Uy, hinay-hinay naman. Busog na busog pa ako," nagreklamo siya sa likod ko. Hinintay ko naman siya. Mabagal ang lakad niya habang hinihimas niya ang tiyan. Nagmumukha tuloy siyang buntis sa pinagagawa niya.
"Ayan, kumain ka kasi ng pagkarami-rami tapos oras na para sa hapunan," puna ko nang nakasabay na siya sa akin.
"Gutom na gutom na kasi ako. Eto naman parang hindi rin kumain. Bayaran mo oy!" pabiro kong hinampas ang braso niya at umirap.
"Nakain ko na yun. Anong gusto mo, isuka ko?" tumawa siya sa sagot ko.
"Yuck!"
Mabagal na lamang ang lakad naming dalawa ngayon. Magkakalapit kami habang naglalakad, paminsan-minsa'y nagkakadikit ang mga kamay namin.
This day feels so unreal. Pakiramdam ko ay nasa pelikula ako o di kaya'y nasa isang panromansang nobela. Napangiti tuloy ako sa naisip.
BINABASA MO ANG
Mary's Song (Flora Series #1)
General FictionCome to think of it, alam niya kaya kung para kanino ang kantang yun? Sophie San Pedro is one of the highly recognized solo acts in the country. On her peak of stardom, she releases a song called 'Mary' that was found by accident since the moment it...