010

14 1 1
                                    

Last Chapter.



"Gustong-gusto kita 'non at ang saya ko 'noong hinalikan mo ako."



"Ano?" I struggled to find words that could fit what I was feeling. Halo-halo ang emosyon ko, nabigla sa sinabi niya.



"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa'yo," umiling siya. "But then, you ran away. Kaya pinagsisihan kong nagustuhan ko yun."



Yumuko ako at inisip kung ano kayang nangyari sa loob ng labing-dalawang taon kung nakausap ko siya at nasabi niya ang nararamdaman niya.



Pero okay na lang din yun. I can't imagine living my life the other way. Mahal na mahal ko ang trabaho ko at hinding-hindi ko papalitan ng kung ano man yun. Those years taught me a lot and gave me more than what I can expect. Sure, may mga panahon na nahihirapan ako at naisipang ihinto na ang lahat pero naalala ko kung bakit ko sinumulan 'to. I sing because I love doing it. I write songs because it makes me free. Nagiging malaya ako tuwing nakikipaglaro ako sa mga salita.



"Wag mo nang isipin yun. Nangyari na," it was as if he could read my mind.



"Tama ka nga," tumango ako. "Both of us wouldn't be here without those moments."



"Itagay natin yan," itinaas niya ang tasa niya kaya ginawa ko rin yun. We clinked our cups together. Madali na lang inumin ang kape at lumamig na dahil sa aircon ng cafe.



"Ang dami pa naman nito," I gave him a cheeky smile before sipping on my latte.



"Parang may burol tayong pinuntahan," tumawa siya at binalik sa mesa ang tasa. "Tignan mo oh, tinapay at kape. Patay na lang ang kulang."



"Feelings yung namatay," bulong ko.



"Sigurado ka ba?" muntik ko nang mabuga sa kaniya ang kapeng iniinom ko. Napaubo-ubo ako kaya mahina kong hinampas ang dibdib.



"Wag ka namang magbiro ng ganon," sabi ko sa kaniya. "Nasasamid ako eh."



Kumuha siya ng tissue at inilapit ang mukha niya sa akin. "Oo nga, halata sa kalat ng kape sa mukha mo," may kung ano sa tingin niya sa akin habang pinupunasan niya ang gilid ng labi ko. Parang lumulusot ang titig niya sa shades ko. Nagkakarera na ang pagtibok ng puso ko habang ginagawa niya yun.



Binaba na niya ang tissue sa mesa at umayos ulit ng upo. He was looking at me as if I was the only person in that place. Nagsisimula na akong maconscious sa kaniya kaya kinain ko na ang ensaymada.

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon