000

19 2 0
                                    

thank you so much for reading this story. this story is based on one of my favorite taylor swift songs from the debut album called Mary's Song. see you on the next book, i will publish it soon!

---

Epilogue


"Gary sabihan mo na si Collin," dinig kong utos ni mama kay papa. Naisip ko naman kung ano yung gusto nilang sabihin sa akin.



"Uy Lino, ikaw na!" tawag ni James sa akin, pinsan ko. Naglalaro kami ng sungka ngayon sa bahay namin dito sa Bustos. Tinuon ko na sa laro ang pansin ko nang lumapit si Papa sa akin.



Mabilis ang naging pangyayari pagkatapos noon. Kwento ni papa sa akin na napromote raw siya sa trabaho at kailangan niyang lumipat ng branch sa isang syudad na malayo dito. Dahil doon, kailangan din daw naming lumipat ng bahay.



"Pa, dito na lang ako. Ayoko lumipat."



Bumuntong-hinga si papa at nagsalita ulit. "Anak, kailangan mong sumama. Sino naman magbabantay sa'yo dito? At saka sobrang tagal ng oras sa biyahe kapag hindi tayo lilipat, anak."



Pumayag ako kalaunan pero labag yun sa kalooban ko. Sino namang magiging kaibigan ko sa lilipatan namin? Mabuti nga sa Bustos at marami akong kalaro dahil doon naman nakatira ang mga pinsan ko.



"Bagong lipat kayo?" pang-uusisa ng isang babae sa amin. May batang babae siyang kasama, siguro kaedad ko lang yun. Maputi, itim ang naka tirintas ang buhok, singkit ang mata, payat at may katangkaran.



"Ah, oo. Galing kaming Bulacan," sagot ni Papa. Iniwas ko na ang tingin sa bata at binuhat na ang MegaBox para ipasok sa bahay.



Inimbitahan kami ng ale na kumain sa bahay nila. Nahihiya sila mama pero pumayag naman kalaunan. Tahimik lang ako dahil hindi ko naman kilala yung bata... este si Mary pala. Sobrang hyper niya at kahit bata pa ay kaya nang makisali sa mga usapan ng matatanda.



Masyado akong nawili sa pagtingin sa mga bituin sa langit nang matapos kaming kumain ng hapunan. Hindi ko napansin na lumapit na pala si Mary sa akin.



"Okay ka lang ba?"



"Ayos lang, kaya lang namimiss ko ang mga kaibigan ko," sagot ko sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin pero iniwas ko rin kaagad para makatingin ulit sa langit.



Doon ko lang napagtanto na ang ingay ng batang 'to.



"Kapitbahay naman tayo kaya ayos na 'yun. Pero kung ayaw mo edi 'wag na. Crush nalang gusto mo?"

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon