"Hello, this is Collin Salvador," his voice filled my unit. Agad naman akong lumapit sa cellphone ko para ilagay yun sa tenga.
"H-hi--" my heart was beating too fast. Abot langit ang kaba na nararamdaman.
Mababagal ang buga ko ng hangin para pakalmahin ang sarili. Masyado namang kumakayod ang nerbyos ko ngayon.
"I am currently busy right now so please leave a message. I'll get back to you later."
Napasapo naman ako sa ulo at pinatay na lang ang tawag. Why did I even bother? Mukhang busy naman talaga ang trabaho niya.
Teka nga lang, may numero na ba siya sa akin? Edi malalaman niyang ako ang tumawag.
"Oh no," ibinagsak ko ang sarili sa sofa. That was embarrassing! What will he do, call back? Maybe block my number?
Napakamot ako sa ulo. Why would he even block my number?
Malay mo baka may iniiwasan siyang tao? Tapos akala niya numero niya yun? May utang kaya siya sa bumbay at tinakasan niya?
Gaga, secretary nga raw ng isang kompanya, 'di ba? Edi walang utang yun!
Lahat naman ata ng tao may utang. Ako nga, may loan pa akong hinuhulog-hulugan para sa condo. Kaya possible pa talaga na may utang siya sa bumbay tapos tinakasan niya!
Naputol lang ang litanya ko nang tumunog ang phone ko, may nag message. Binuksan ko yun at nagkaroon ng mixed emotions sa nabasa.
From: Aaron
Just came back from Australia. Do you mind catching up?
Tumaas ang kilay ko dahil sa text. Si Aaron ang huli kong nakadate. He's a well known model here in the country. Gentleman, magalang at honest. But it didn't just work out.
"So what type of music do you listen to?" tanong ko sa kaniya. Nasa isang country club kami sa Tagaytay noon, kumakain ng lunch. Date namin yun and so far, it was going quite well... I think. We were already going out for a month, almost two.
We were polar opposites. Complete opposites. He was a bit quiet while I'm socially chaotic. Hobby niya ang magbasa ng libro at mag exercise. Those weren't my thing but they seemed interesting.
BINABASA MO ANG
Mary's Song (Flora Series #1)
Ficción GeneralCome to think of it, alam niya kaya kung para kanino ang kantang yun? Sophie San Pedro is one of the highly recognized solo acts in the country. On her peak of stardom, she releases a song called 'Mary' that was found by accident since the moment it...