003

5 1 0
                                    

"Bakit mo sa'kin ibibigay?"



"Sa'yo na lang 'to," inilapit ni Collin yung unggoy na stuffed toy sa akin. Tumingin ako doon. Mahigpit ang hawak niya dito.



"Ibigay mo na lang 'yan sa crush mo," sabi ko. Baka magtampo si Ate Aldy sa akin kapag nalaman niyang ibinigay niya sa akin ang stuff toy.



"Sa'yo na nga 'to. Iyan nalang kasi di kita mabibilhan ng ice cream," pagpipilit niya. Sumimangot siya, halatang naiirita na pero di parin siya makatingin sa akin.



Tinanggap ko na yung unggoy na stuffed toy. "Bakit mo binigay sa akin 'to? Crush mo ako 'no? Ayieee."



Sinundot ko ang tagiliran niya at tumawa. Tumawa din siya.



"Assuming mo naman. Binigay ko 'yan kasi natalo ka sa laro kanina."



"Crush mo lang ako eh. Wag ka na mahiya, kuya," panunuya ko pa sa kaniya. Umirap siya at kinurot ang pisngi ko.



"Asa ka. Hindi ako pumapatol ng bata oy!"



Ako naman ang umirap pero pinasalamatan ko naman siya kasi gusto ko talaga itong stuffed toy na'to kanina pa.



Mabilis na lumipas ang panahon na parang kahapon lang ang pistang iyon. Marami din akong natutunan kalaunan. Nalaman ko na mascot lang pala si Jonnybi; este si Jollibee pala. Akala ko kasi nagsasalita talaga siya dahil dun sa palabas niya sa TV na kasama niya ang malandot na si Hetty. Umiyak ako nung nalaman ko na hindi pala totoo si Jollibee. SInabi sa akin ni Marco, isa sa kaklase ko kasi inaway niya ako.



"Anak, tahan na."



"Ma, hindi yan totoo!" umiyak ako sa labasan ng isa sa mga branch ng Jollibee kasi hindi ako pinansin ni Jollibee na naghihintay sa labas.



"Anak, marami namang iba diyan," sinubukan akong aluin ni Mama habang niyayakap ako. Grade two ako n'on at nagpaparty yung isa sa mayaman kong kaklase sa Jollibee.



"Pinansin n'ya ako kanina ma! Nagtatampo lang yun sa'kin!" Tumutulo na yung sipon ko na pinunasan naman ni Mama ng tuwalya na dala niya. Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Cal, ok lang yun, marami ka pang mahahanap diyan," pang-aalo niya sa akin na parang hiniwalayan talaga ako.



Nahihiya nalang ako kapag naaalala ko iyon kapag tinutukso ako nila Mama at Papa. Naiintindihan ko naman bakit sobrang nakakatawa yung memory na yun.

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon