"Ha?" gulantang kong tanong sa kaniya at binawi na ang cellphone sa kamay niya. Seryoso parin siyang nakatitig sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
Nawala lahat ng dugo sa mukha ko nang nabasa kung ano yung nasa screen.
William Torres Jr.: Cal... matagal ko nang gustong sabihin sa'yo to pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob para gawin to...
William Torres Jr.: Gusto sana kitang ligawan.
William Torres Jr.: I know that I sound insincere kasi idinaan ko lang sa chat pero nahihiya talaga ako na i bring up 'to in person. Siguro kapag sinabi ko na'to ngayon baka hindi na ako mahiya bukas.
William Torres Jr.: Matagal na kitang gusto, sa totoo lang at mas nagustuhan kita nang nakausap kita. I don't know if you remember nung student's day last year.
Ay oo nga. Nakipag usap ako sa kaniya noong naglilinya kami para sa horror booth. Hindi kasi ako sinamahan ni Pearl kasi na marriage booth siya. That was the first time I got to talk to him.
Nagvibrate ulit yung cellphone ko. Nagsend ulit siya ng message.
William Torres Jr.: Kaya sana bigyan mo ako ng chance.
Napanganga ako at binaba muna ang cellphone ko sa mesa.
"N-nabasa mo?" tanong ko sa kaniya. Malalim ang pagkakakunot ng noo ni Collin ngayon sa harapan ko habang may tinitignan sa cellphone niya.
"Iyan unang tumambad sa akin, malamang," tinignan niya ako. Mabilis niyang ininom ang Royal niya. Pagkatapos noon ay tumayo na siya at umalis.
Ano bang problema 'nun? Hindi ko alam na siya pala yung may kailangan ng napkin na inutos ng mama niya. Kinuha ko na ang cellphone ko sa mesa at hinablot din ang bag ko para sundan siya.
"Oy Collin Andrew Salvador hintay naman!" Mabilis na ang lakad ko pero hindi ko pa rin naabutan ang loko. Ang haba na nga ng binti, mabilis pang maglakad. Mabuti nga naabutan ko pa nang huminto siya sa tatawiran. Hinablot ko yung backpack niya paatras para mapansin niya ako. Magaan lang bag niya kaya nilakasan ko ang paghila sa kaniya.
"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko nang naabutan ko na siya. Humihingal pa ako na nakakapit sa bag niya. Hindi na natuloy yung plano kong sumakay ng tricycle pauwi.
"Wala lang mag gagabi na," naging mailap ang mga mata ng mokong. Sinenyasan naman kami ng traffic enforcer na pwede nang tumawid kaya mabilis siyang naglakad ulit at nabitawan ko na siya. Naglakad na din ako pero nauna pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Mary's Song (Flora Series #1)
Ficción GeneralCome to think of it, alam niya kaya kung para kanino ang kantang yun? Sophie San Pedro is one of the highly recognized solo acts in the country. On her peak of stardom, she releases a song called 'Mary' that was found by accident since the moment it...