002

6 2 0
                                    

"It's been a long time, yes."



"Magkakilala pala talaga kayo?" Pang-uusisa ni Ate Kelly. She knows every single person I know personally since parte iyon ng trabaho niya at naging parang tunay ko na siyang ate. It must be a surprise for her that I know Collin since the whole ten years of my career, she hasn't seen me talk to him at all.



"He's well... a friend. Kapitbahay namin dati," I gave her a small smile. I looked at my wrist watch. It's almost 1:00 AM. I need to go home now.



"Ate I need to go na, I'm so sorry," I need to get out of here.



"S-sorry I still have a schedule tomorrow. I need to be up early. It's nice meeting you... again... uh... Collin," tipid ko siyang nginitian at umalis na sa harap nila.



People in this bar had already gone wild kaya medyo nahirapan akong lumabas. I also can't call my driver on the way out kasi maingay din. Mabuti na lang talaga at mahigpit ang security sa bar ni Carol kasi kung hindi ay baka hindi na ako makalabas at makauwi.



Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa buong araw. Kaninang umaga kasi ay sobrang busy namin sa rehersals ng show at sa hapon naman naging busy na kami sa pagprepare sa concert. Kabadong-kabado din ako kanina kaya hindi ko napansin ang pagod ko.



Dumaan na ako sa back door ng bar para hindi ako masyadong mapansin kapag umalis na. Bukod sa parking lot sa harap ng bar, meron din sa likod. Exclusive at mas mahigpit ang security compared sa harapan.



My eyes immediately looked for the car pero bago ko makita ang sasakyan ay may narinig na akong tumatawag sa pangalan ko. Sa totoong pangalan ko.



"Mary."



Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ko ang boses niya. Sinundan niya pala ako.



Lumingon ako sa kanya, nagtataka. Bakit may pakialam siya? Hindi parin siya magaling makiramdam hanggang ngayon. Halata namang gusto ko muna siyang iwasan.



"Can we talk?" Mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat. His eyebrows were furrowed, obviously frustrated yet you cannot really know what his thoughts are. Marami ang nagbago sa mahabang panahon na lumipas. Isa 'yun doon. Mahirap na siyang basahin o baka hindi na ako sanay, I don't know.



He wants to talk but I don't want to.



"Pwede bang sa susunod na lang, Collin? I need to rest na. Sorry," I gave him a small smile before turning away to look for the car.

Mary's Song (Flora Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon