Chapter 2

18 4 1
                                    

Agad-agad kong tinapos lahat ng mga dapat gawin pagkarating na pagkarating ko sa office.

"Anything else?" tanong ko kay Butler Seo nang matapos kong permahan ang huling files para sa araw na ito.

"That's the last file, Young Miss" nakangiti kong ipinatong sa desk ang huling files na pinermahan ko. Tumayo na ako mula sa kinauupuan at nagstretch ako ng kaunti dahil bigla akong nakaramdam ng pamamanhid ng katawan dahil narin siguro sa matagal kong pagkakaupo.

"Let's go then" pag-aaya ko kay Butler Seo. Mukha naman itong nagulat.

"What do you mean, Young Miss?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

"To my next appointment, of course" sagot ko rito.

"But this is your last destination for the day, Young Miss" naguguluhan parin niyang sabi.

"I told you I am going to attend some personal matters today, Butler Seo"

"And then?" napahinga ako ng malalim. He just don't get it, does he?

"Take me there" nakanguso kong sabi.

"Does your parents  know about this?" paninigurado niya.

"Yes. Of course they know it" pagsisinungalin ko. There is no way in hell that they will allow me to go in there. I have an image to maintain, so they always refrain me from going to these kind of events.

"Are you sure, Young Miss?" naningkit ang mga matang tanong niya.

"Yes" Itiningala ko pa ang ulo ko para ipakitang confident ako sa sinasabi ko. Tinignan niya pa akong ng mapanuring tingin saka siya tumango. Hayyyyy..

"I'll get the car ready then?" excited akong tumango sa kanya. Bakas parin sa hitsura niya ang pag-aalinlangan pero kalaunan ay lumabas rin ito at inihanda na ang sasakyan. 

Malaki ang mga ngiting inayos ko ang mga gamit at ichineck ko sa bag ang mga itinago kong damit na pagbibihisan ko mamaya. Isa itong black leggings, pink hoodie, mask at shades. Wala akong balak na magpahatid sa eksaktong lokasyon ng event. Kasi paniguradong mapapansin agad ni Butler Seo kung sakaling may unsual sa pupuntahan ko. Baka masira pa ang plano kong makita si Terrence my loves. So I planned to escape later on. 

Bumaba na ako ng building at sinalubong ako ng mga staff at nagbigay galang sila sa akin. They bowed in ninety degrees. Korean manners. I always get this kind of treatment pero hindi parin talaga ako masanay-sanay.

"To Seoul ##***####----" tumango at driver sa ibinigay kong address at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Nang mapansin kong malapit na kami sa location ng event ay inutusan ko ang driver na ipagilid muna ang sasakyan.

"Can you stop over in the coffee shop first? I badly need to use the restroom" Nilingon ng driver si Butler Seo, tumango naman ito. I rolled my eyes at that. I mean, come on I'm the boss. I guess?

"Stay here, Butler Seo. I can handle myself" pagpipigil ko dito ng akma itong bababa ng sasakyan.

"Are you sure, Young Miss?" nag-aalalang tanong nito.

"Of course. I'm already a grown person" yumukod ito saka niya ako pinagbuksan ng sasakyan at tuluyan na akong lumabas .

Pagkapasok na pagkapasok ko ng coffee shop ay agad akong dumiretso sa restroom. When I saw that the halls are empty agad akong pumasok sa isang cubicle at inilock ito. Inilabas ko ang mga damit na itinago ko kanina saka agad nag bihis. Kailangan kong magmadali dahil kung hindi ay mataas ang tiyansang pasukin ako ni Butler Seo dito pag napansing niyang masyado na akong matagal.

Huli kong isinuot ang mask at shades saka ako pasimpleng lumabas ng cubicle. The other girls are looking at me strangely pero hindi ko nalang sila pinansin at nagmamadaling lumabas ng restroom. Sa pagmamadali ko ay may nakabanggaan pa ako. I was about to say sorry... Pero ganon nalang ang gulat ko ng makitang si Butler Seo ito... 

"Are you okay, miss?" sa sobrang kaba ko ay yumuko nalang ako rito at binilisang maglakad. Nadagdagan pa ang kaba ko ng pinigilan pa ako nito para kumpirmahin kung okay nga lang ba talaga ako, kaya naman ay sinenysan ko nalang siyang okay ako. At agad na kumirapas ng lakad.

Hinihingal akong umupo sa harap ng building na pagdadausan ng event. Heck! Muntikan na iyon, nahalata kayo ako ni Butler Seo? Paniguradong kinakabahan na iyon sa paghahanap sa akin. Kaya naman ay napagpasiyahan kong gamitin ang isang payphone na nakita ko sa malapit at binigyan ko siya ng tawag para sabihing okay lang ako.

"Hello?" naririnig kong hinihingal na si Butler Seo mula sa kabilang linya.

"It's me" panimula ko.

"Young Miss, thank God you're okay" puno ng relief ang boses niya.

"Where are you, Young Miss? Tell us where you are, and where going to be there as soon as possible" hindi man niya ako nakikita ay napailing nalang ako.

"I just called to inform you that I am okay, Butler Seo. And to tell you not to worry-"

"How can I not be worried, Young Miss? You suddenly vanish in the thin air!" 

"Butler Seo" pagkukuha ko sa atensyion nito.

"Yes, Young Miss" napahinga ako ng malalim ng tuluyan na itong kumalma. I must have surprised him too much.

"I'm going to be fine. I promise that I will be back before ten. Now go to the penthouse and take a rest. You're done for the day Butler Seo. Don't wait for me and take an early rest, I'll go home myself" hindi ko na hinintay pa ang susunod pa niyang sasabihin at ibinaba na ang tawag.

Liningon ko ang building na pagdadausan ng event at malaki ang mga ngiting pinasok ko ito.

"Hello, can I know your username?" Napalingon ako sa babaeng nasa registration area.

"I am dreamknightt" nanlaki ang mga mata nito at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"I am Pikabeaar, I'm happy to see you in person coach" masayang sambit nito. Tinanguhan ko nalang siya ng nakumpirma kong isa siya sa mga assistant ko sa fan base.

"Finally you made it. Many people are anticipating to meet you, coach" coach ang tawag nila sa akin dahil ako raw ang nagtuturo at naglelead sa kanila. Oh well, the pleasure is all mine.

"Me too" excited na sabi ko rito.

"How about you take of your mask and sunglasses?" suhestiyon nito. Tinanggal ko lang ang sunglasses ko at hinayaan nalang ang mask na nakasuot sa akin. I'm afraid that someone might recognized me. Mahirap na, wala pa man din akong kasamang guards.

"I'm okay with the mask" sabi ko nalang rito. Iginaya niya ako sa pinakaharap na upuan at tinabihan naman ako nito.

"Tell you what. We always mention your name to Terrence. And he also told us that he is looking forward in meeting you" pumalakpak ang mga tenga ko sa narinig. Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya.

"Really?" excited kong tanong. Tumango naman ito ng tumango hanggang sa narinig namin ang emcee.

"Our Dearest Sunshine, take your seat now and together let us welcome... Mr. Terrence Javier Hummington" Napuno ng hiyawan ang reception. All are eager to meet this wonderful person..... And there I saw him standing in the double doors of the entrance..... No other than Terrence Javier, the guy who manages to enter my heart even without him doing anything.......

To be continued...

Date Published: February 9, 2021

(A/N: Tell me about your thoughts in this story. You guys are free to comment everything and anything. And  don't forget to vote and follow me on wattpad. Your vote inspires me to update faster. By the way, check out my story; 'Simple Life' and 'Someone To Fix Me' by clicking my profile. See you in the next chapter. Ciao)

"If you are looking for a super duper perfect story, then I am sorry because this is not for you. But you can give it a try. There's no harm in trying. Ps. No hate just love! *smiles warmly*" - SecureRules

Invisible TearsWhere stories live. Discover now