Chapter 6

17 4 0
                                    

"Young miss, are you okay?" natigil ako sa pagpiperma ng mga papeles at nilingon si Butle Seo na kanina pa nakatayo sa gilid ko.

"Why wouldn't I be okay?" nagtatakang tanong ko rito.

"Well, you've been looking at your phone every minute for a few days now" nagulat ako sa sinabi niya.

"You've notice it?"

"Yes, young miss. May I know what is bothering you?" malumay niyang tanong.

"Didn't know I was that oblivious" napipilitang tawa ko rito.

"I'm okay. I'm just waiting for an important call" sagot ko rito at bumalik na sa ginagawa.

It's been a few days mula noong huli kong nakita si Terrence. That night, he told me that he will give me a call. That day, I am wide awake all night waiting for a call na hindi rin naman pala darating. You must be stupid Sydney, bakit ka naman kasi umasa! You are clearly out of his league. But then lahat naman ng tao umaasa. Sa maling tao ngalang. Hayyyy. You're so pathetic Sydney.

*ding.. ding..

Nabuhayan ako ng loob ng magring ang phone ko. I excitedly open it...... Just to see a message coming from Lovely. Disappointment can be seen on my face.

Call me when you read this message!!! ASAP! - Lovely

Kumunot ang noo ko ng nabasa ang message na iyon. Thinking that it might be some sort of emergency I quickly dialed her number. After a few seconds of waiting.

"SURPRISE!" bumungad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko. The whole group of TLG are present.

"You scared me" sabi ko sa kanila with matching rolled eyes.

"Anong scared ka diyan?" tanong ni Cej.

"Akala ko naman na kung may emergency na nangyari. Kung makapag-ASAP naman kasi si Lovely.." tumawa lang ang mga ito.

"Well, may emergency naman talaga" sumeryoso ang mukha ko sa sinabi ni Lovely ganoon narin sila.

"What is it?" seryoso kong tanong.

"Can I perhaps help you with something?" puno ng sinseridad na tanong ko.

"GO HOME!!! WE MISS OUR DEAREST HAPPY PILL ALREADY!" I signed in relief sa narinig kong sambit ni Rjay. I thought it was something serious.

"Oooohh. Kawawa naman kayo. Siguro lagi na kayong nag-aaway mula noong wala ako no?" I cooed. Then there was a smile playing on their lips.

"Uwi ka na, Syd. Wala ng ibang magpagtripan itong mga unggoy na ito. Kailangan na nila ng zookeeper." - Charity

"Hey!!" Cey and Rjay said in unison. Natawa nalang ako sa kakulitan ng mga ito.

"Sana okay ka pa, Lovely" napansin ko kasing tahimik nalang ito sa gilid at pinapanood na magbangayan ang tatlo sa harapan niya.

"You wish! Lagi nalang sumasakit ang ulo ko dahil sa kanila. Tama nga si Charity, kailangan na namin ng zookeeper dito. Kailan ka ba uuwi?" natatawang tanong ni Lovely ng biglang binato ito ni Rjay ng tissue.

"Soon, may mga paper and deals nalang akong dapat asikasuhin at tapusin" sagot ko rito. 

Malawak ang mga ngiting pinapanood ko ang mga itong nagbabangayan at nagbibiruan. Now, I wish that I am there with them. Pinapnood ko lang sila ng may biglang nagnotiff na message sa akin. Puno ng kuryosidad ko itong tinitigan bago napagpasyahang buksan ang message. It came from an unknown number.

'Meet me at the ##### cafe' - TJ

TJ? 

Napaisip ako ng matagal sa kung sino ba ang nagsent ng message sa akin. Naputol lang ang pag-iisip ko ng tinawag ako ni Charity.

"By the way Syd, nakita mo ba yung Terrence my loves mo?" Kusang ngumiti ng malawak ang mga labi ko at the mere mention of his name.

"Oo nama-" TJ? Damn, the message was from Terrence?!? Nataranta ako ng marealize kung kanino galing ang message.

"You know what, I have to hung-up. Bye." Agad kong pinatay ang tawag saka ko sinikop ang mga gamit.

"Young miss where are you hurrying to?" tanong ni Butler Seo.

"Would you like me to ready the car?" dagdag pa nito.

"No need. I can go alone. Cancel all of my appointments for the day. Don't follow me" hindi ko na siya hinitay pa at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa elevator.

Sakto namang may nakaparadang taxi kaya agad rin akong nakasakay at ibinigay ang address sa driver.

Wala gaanong tao sa coffee shop pagkarating ko. Inilibot ko ang mga mata ko hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang lalaking nakasuot ng mask at sunglassess. At hindi nga ako nagkamaling si Terrence iyon dahil itinaas pa nito ang kamay niya.

"Sorry I'm late. I didn't know that it was you at first" pag-eexplain ko rito.

"No, it's okay. I should have just stated my name. It's my fault. Sorry"

"Okay lang"

"Why are you wearing a mask again?" Curious na tanong nito.

"Just for privacy" maikling sagot ko rito. He chuckled.

Naging maganda ang takbo ng usapan namin at masaya kaming nagkuwentuhan.

Naulit pa ang mga ganitong tagpo. He would message me to come meet him and I will go and meet him. For the past few days naging ganito ang set-up namin. May mga time pa nga na binibisita ko siya sa mga set at gigs niya, minsan ginagabi na akong umuwi tapos dumagdag pa ang pagod. But it was all worth it. Mas nakilala ko siya ng lubusan and I feel like we are getting closer day by day. Pati nga ang trabaho ko ay napapabayaan ko na, pero carry lang. For my happiness..... Go lang ng go.

Nandito naman ako ngayon sa isang sikat na hotel, just happened that Terrence have a shoot in here for his upcoming movie. Maraming tao ang tumitingin at napapalingon sa akin dahil narin siguro sa suot kong mask at sunglasses. Sabi ko nga mas maganda na ang sigurado. Pero tinatanggal ko rin naman ito kung si Terrence lang ang kasama ko. According to him, mas maganda daw ako kung walang mask at salamin.

"And cut!" rinig kong sigaw ng director. Maraming lumapit na mga staff at inasikaso ang mga artist. Nakilala ko pa ang isa sa kanila... It's Reina.... Siya lang naman ang ka-love team ni Terrence sa movie na ito. And as a fan, marami narin akong nabasa na articles tungkol sa kanilang dalawa. But when I asked Terrence about it, wala lang daw ito at puro opinyon lang ng mga obsessive fans.

"Sydney!" agad akong kumaway kay Terrence hanggang sa nakalapit na ito sa akin.

"Let's go over there!" turo niya sa may side ng pool. Walang tao rito kaya naman ay masaya kaming nakakapag-usap.

"I have something to tell you." -Terrence

"Hmm?" Nilingon ko ito. Mukha itong kinakabahan pero hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"What is it?" pag-eencourage ko pa dito. But then he became more shy because of it. Nakita ko kung paano niya hawakan ang tenga niya.  Sa tagal ko siyang nakakasama I know that it is a sign that he's nervous. I find it cute though.

"What?" natatawa ko naring tanong dahil namumula na ang kanyang pisngi.

"Uhmm.. Sydney.."

"Hmmm? Hahaha, what is it Terrence? You're acting like a baby!" I teased him.

"I like you" - Terrence

To be continued...

Date Published: February 13, 2021

(A/N: Tell me about your thoughts in this story. You guys are free to comment everything and anything. And  don't forget to vote and follow me on wattpad. Your vote inspires me to update faster. By the way, check out my story; 'Simple Life' and 'Someone To Fix Me' by clicking my profile. See you in the next chapter. Ciao)

"If you are looking for a super duper perfect story, then I am sorry because this is not for you. But you can give it a try. There's no harm in trying. Ps. No hate just love! *smiles warmly*" - SecureRules

Invisible TearsWhere stories live. Discover now